1

5 3 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako nasa school na ito. Wala akong kakilala at walang lumalapit sakin. Wala akong idea kung anong ginagawa ko dito.

Kung titingnan, high school uniform ang suot ng mga estudyante. Tapos na ko ng high school kaya nagtataka ako kung bakit ako nandito.

Kinuha ng teacher ang mga notebook ng estudyante para matatakan niya iyon. Katibayan na may mga notes talaga ang bawat isa.

Habang tahimik ang buong klase at tanging ang tunog lang ng bawat paglapat ng chalk sa board ang maririnig, laking pagtataka ko ng buksan ko ang notebook na ipinasa ko sa kanya at makitang may komiks na handmade ang halos kalahating bahagi nito.

"Anong? Panong? Sinong gumawa nito?" Bulong ko.

Hindi ko inaasahan na sa sumunod ko palang upuan, sa aking likod ay isang binatang nakatingin lang sakin. Gwapo naman sya at nakasalamin sya kaya muka syang nerd. Pero dahil sa suot niyang salamin ay nangingibabaw ang katangusan ng kanyang ilong.

Well, hindi ko na napansin pa yun dahil alalang alala na ko sa nakasulat sa notebook ko. Kapag dito ako nagsulat ng notes namin ngayong araw ay baka magalit ang teacher ko kapag ipasa ko ito sa kanya at makita niya ang komiks. Kapag pinalitan ko naman ang notebook ko ay mawawalan iyon ng tatak niya at baka hindi niya tanggapin kapag ipinasa ko na sakanya.

Mahihigpit ang mga teacher sa school na ito at para sakin, nakakatakot silang lahat.

"Patingin ako.." kinuha niya ang notebook na hawak ko at nakita ang komiks na nakasulat sa notebook ko.

Kinopya niya ang mga personal informations ko na nakasulat sa harapan ng notebook. Isinulat niya ang lahat ng detalye sa notebook niyang walang kalaman laman. "Anong ginagawa mo?" Bulong ko sakanya..

"Hintay ka lang." Tahimik niyang hawak ang notebook ko habang kinukopya ang notes na isinusulat ng teacher sa board. Habang hinihintay ko sya ay hindi na ko mapakali. Malilintikan talaga ako nito sa teacher ko.

Matapos ang pagsusulat ng teacher namin sa board ay lumabas sya ng classroom. Nagsabing dapat pagbalik niya ay tapos na namin ang pagkopya sa mga notes.

"Hoy! Ibalik mo na sakin yang notebook ko.. magsusulat pa ko!" Pasigaw na bulong ko sakanya.

"Susulatan mo tong puno na ng komiks mo?" Sagot niya sakin at nagpatuloy lang sa pagkopya sa notes. Tahimik parin ang iba namin mga kaklase sa pagkopya.

"Hindi ako ang gumawa niyan! Hindi ako marunong magdrawing." Wika ko.

"Kaya maghintay ka nalang dyan." Aniya. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isip niya. At hindi ko din alam kung ano na ang dapat kong gawin. Paano nalang kapag napansin ng teacher namin na wala akong ipapasa sa kanyang notes at ipahiya niya ko o sigawan niya ko sa harap ng buong klase. Yun ang pinakaayaw kong pakiramdam sa lahat. Nagkakasakit ako kapag ginaganon ako ng sinuman. "Patapos na ko." Narinig ko pang dagdag niya.

Sakto naman na pagpasok ng teacher namin ay ipinasa na ng mga classmates ko ang mga kopya nila sa harapan. Ako lang ang hindi makatayo tayo sa kinauupuan ko dahil wala akong maipasa.

Hanggang sa inilapag ni classmate na nakasalamin ang isang notebook sa harapan ko. "Ano to?" Bulong ko. Hindi yun ang notebook na kinuha niya sakin kanina. Pagbuklat ko ng pahina ay nakita ko ang sulat kamay niya.

Yun ang notebook na sinusulatan niya kanina.

"Ha? Panong?"

At pagtingin ko sakanya ay naglalakad na siya sa harapan para ipasa ang notebook din niya?! Dalawa ang notebook niya??

Nakatunganga lang ako na nakatitig sakanya nang bigla niya kong tapikin. Nakabalik na pala sya mula sa harapan at nakatayo na sa tapat ko. "Hindi mo ba ipapasa yan?" Tanong niya sakin.

Missing notesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon