3

3 3 2
                                    

Dinala niya ko sa isang laboratory na nakalocate sa loob ng bahay niya na nasa underground. It was my first time na makapasok sa bahay ni Kyle at gulong gulo man ako ay sumunod nalang din ako sa kanya. Mukang marami ang nalalaman ni Kyle tungkol sakin at dapat ko ding malaman ang mga bagay na iyon.

Bumulaga sakin ang mga hightech na kagamitan sa laboratory niya. Mukang nag-i-experiment na talaga sya at may kinalaman dito ang lahat.

May napakalaking screen sa harap ko. Sa magkabilang gilid ng silid ay mga aquarium na kasing laki ng tao. Maraming tubes sa paligid at ibat ibang uri ng mga kagamitang mga scientist lang ang gumagamit.

"Ano ito Kyle?" Tanong ko.

Binuhay niya ang screen sa harap ko at nagpakita ang imahe ko. Mula sa bata hanggang sa paglaki.

"Afrodaiti.. gusto kong tanggapin mo ang bagong ikaw." Aniya.

Hanggang sa ipinakita niya ang trahedyang sinapit ko sa screen. Naaksidente sa kotse. Dinala sa ospital. Pinilit sagipin ng mga doktor pero nawalan din ng buhay. Binurol at inilibing.

Kamuntik na kong matumba nang makita ko ang sarili kong nakahiga sa kabaong at pinaglalamayan ng mga tao.

"Hindi.." wika ko. "Pa..patay na ko?!?"

Tumingin si Kyle sa screen. "Siya ang totoong Afrodaiti." Aniya. Napabaling ako sakanya na punong puno ng pagtataka. "Namatay siya. Pero muli ko siyang binuhay." Tumingin siya sakin, "at ikaw na yun Daiti.."

"Ako??"

"Isa kang clone." Wika niya. "At yung mga notes mong nawawala ang gagamitin ko para matapos ko ang pagdadownload sayo ng buong memorya mo. Kaya wag mo ng hahanapin pa ang mga notes na yun Daiti.. matutulungan ka non para mawala ang mga katanungan mo sa isipan mo. Magtiwala ka sakin."

"Hindi.." umiiling kong tugon. "Kung patay na ko, wala ka nang karapatang buhayin ako ulit!"

"Daiti.."

"Walang clone!!! Wala nang Afrodaiti, Kyle. Matagal na kong patay!" Lumapit ako sa machine na ginagamit niya upang matapos ang pagdadownload ng memory ko para ihinto iyon pero napigilan niya ko.

"Wag! Daiti wag!!" Niyakap niya ko sa likod habang umiiyak at hinawakan ang kamay kong pipindot sana sa stop button. Alam kong umiiyak siya dahil ramdam ko ang pagtulo ng mga luha nya. Mukang dinedicate niya talaga ang buhay niya sa experimentong ito kaya talagang iiyakan niya.

"Yun ang gusto ni Afrodaiti.. ginawa ko lang ang gusto niya.." paliwanag nito.

At mula sa aquarium na nasa gilid ng kwarto na walang laman ay lumitaw ang imahe ng totoong Afrodaiti.

"Gusto kong buhayin mo ko ulit Kyle. Ibalik mo ang lahat ng aking alaala para maiayos ko ang naging walang kahulugan kong buhay. Aayusin ko yun sa pangalawa kong pagkakataon na maibibigay mo sakin. Please Kyle, ibalik mo ang alaala ko at ang buhay ko."

Napapabuntong hininga nalang ako sa mga narinig ko.

"Afrodaiti.. wag kang magagalit. Sa halip, ayusin natin ang buhay nating dalawa. Itama natin ang mga pagkakamaling nagawa natin noon. Pakiusap. Ikaw ang inaasahan kong mag aayos ng buhay ko. Hindi man ako naging mabuting nilalang, inaasahan kong magiging mabuti ka. At gagamitin mo ang buhay mo sa ikabubuti ng mundo natin. Umaasa ako sayo Afrodaiti." Wika pa ng totoong Afrodaiti sakin.

Nang marinig ko ang sinabi niyang iyon ay hindi na ko nagtangka pang itigil ang pagdadownload ng mga memoryang gustong ibalik sakin ni Kyle. Makakatulong din naman yun sakin. Gaya ng sinabi ni Afrodaiti, upang maging mabuti akong indibiwal. Hindi lang para sa ikabubuti ko kundi ng mga taong nasa paligid ko.

Lalo na ni Kyle.

Hindi ko napigilan at naiyak nalang ako sa mga nangyari. Kahit mahirap tanggapin na isa lang akong clone, kailangan kong tanggapin.

Napasalampak ako sa semento habang umiiyak.. nang maramdaman kong muli ang pagyakap sakin ni Kyle. Ang yakap niyang nakakagaan ng pakiramdam. Si Kyle.. ang kaisa isa at kauna unahang tumulong hindi lang sakin..


Kundi samin ni Afrodaiti.



-END
/seventwentysixx

Missing notesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon