2

5 3 0
                                    

"Halika na, lilipat yata tayo ng room." Wika niya nang matayo sya sa kinauupuan niya at derederetsong lumakad papasok sa building.

Pagpasok naming dalawa sa loob ay gulo gulo na nga ang mga upuan. Nang puntahan ko ang pwesto ko kanina ay wala na doon ang iniwan kong bag. "Ha? Nasan na yung bag ko?" Tanong ko sa hangin.

"Baka nalipat yon. Ugali talaga ng mga lower year na ipagtatapon yung mga bag na naiiwan sa classroom na gagamitin nila." Paliwanag niya sakin nang kunin niya ang bag niya na napunta naman sa pinakadulo ng classroom.

Nang makita ko na ang bag ko ay agad ko nang sinukbit yun sa likod ko at sumunod na sakanya. Mas mainam na rin ata na sa kanya ako sumunod dahil wala akong kaalam alam sa school na ito. Ni hindi ko nga alam na kailangan pa palang lumipat ng classroom eh.

Tahimik lang naming inilipat ang mga gamit namin sa susunod na classroom na gagamitin namin. At dahil mahaba pa ang oras na hihintayin namin para sa susunod na klase ay bakante ang buong silid. Malamang nasa labas ang lahat ng estudyante. Sa pinakadulo na kami nagpasyang pumwesto ni Kyle. Buti naman at may kilala na ko sa napakacrowded na paaralang ito.

"Lalabas muna ako ha." Paalam niya sakin. Hindi na ko sumama kasi dere-deretso na syang naglakad palabas. Parang nagmamadali.

Nang pagmasdan ko ang buong silid ay doble ang laki nito sa isang ordinaryong classroom at mukang mas madami ang estudyante sa susunod na klase. Umupo muna ako at binuksan ang bag ko para tingnan ang notes na ibinigay sakin kanina ni Kyle.

Pero halos magulantang ako nang makitang wala na ang mga notebook ko sa bag. Tatatlong notebook nalang ang naiwan sa bag ko. Nawala na ang ibang mga notebook ko na marami ng mga notes kasama na ang notebook na ibinigay sa akin ni Kyle.

"Nasaan na yon?!" Nag-aalala kong tanong at mabilis na lumabas ng silid para hanapin ang notebook.

Bumalik ako sa classroom na ginamit namin kanina at mabuti nalang wala pang tao doon. Hinanap ko sa buong kwarto ang mga notebook ko. Kilala ko naman ang cover ng mga yon at may mga pangalan naman yon kaya kampante akong makikita ko yun agad.

Pero wala! Sinuyod ko na ang bawat silya ng classroom pero wala akong nakitang mga notebook. Hanggang sa dumating nalang ang klase na gagamit ng kwarto kaya napilitan na kong lumabas.

Nag-aalala akong naglakad sa hallway habang iniisip kung saan mapupunta ang notes ko. Kakabalik lang sa amin ni sir kanina yung mga pinasa naming notes at kakabalik ko lang din non sa bag ko bago ako lumabas ng classroom kaya imposibleng bigla bigla nalang yung mawawala.

Sa sobrang paglipad ng isip ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Time na pala para sa susunod naming klase.

Nang pumasok ako sa classroom ay nandoon na ang lahat ng mga estudyante maging ang nakaasign na teacher sa subject na iyon. Nakatayo silang lahat ng pumasok ako sa loob. Mukang kakatapos lang nilang bumati sa guro. Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko ay sabay sabay namang naupo ang lahat kaya kitang kita akong naglalakad sa gitna.

"Bakit ngayon ka lang?!" Narinig kong sigaw ng teacher namin.

Ito na ang pinakainiiwasan kong mangyari. Ang masigawan ako sa harap ng napakadaming tao at napakatahimik na atmospher.

Humarap ako sa teacher namin at nabigla man ako pero itinago ko na din dahil kilala ko siya. Ewan, pero kilala ko ang teacher naming yun. Yumuko ako sa harap niya bilang paghingi ng tawad. Alam ko at alam ko na nasa akin ang atensyon ng buong klase. Sa dami ng bilang ng mga estuudyante ng oras na iyon ay hindi ko na napansin pa na nangangatog na pala ang mga tuhod ko. Nagsisimula na pala ang nararamdaman ko dahil sa pagsigaw niya sakin sa harap ng madaming tao.

Missing notesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon