Chapter 2: The Master & The Mistress

8.8K 484 90
                                    

“Camreigh, what is this issue?” sigaw sa akin ni Zie kinabukasan matapos ko’ng maging isa sa mga speaker sa event na ‘yon. Nagtaas lang ako ng kilay sa kanya habang namumula siya sa inis na nagpunta sa akin. Initsa niya sa ibabaw ng mesa ‘ko ang tablet niya na nakalagay sa isang sikat na site ng newspaper at ang headline ay ang pagiging kabit umano ni Ali bago naging misis ni Ricci. Hindi ‘ko alam kung ikinasal na sila dahil kahit naman nagmanman ako ng paunti unti sa kanila ay hindi ‘ko pa din alam ang bawat detalye ng buhay nila nitong mga nakaraang taon.

“Anong gagawin ‘ko dyan?” tanong ‘ko kay Zie na napahilamos sa kanyang mukha.

“Camreigh issue ito and you got a picture in front of the newspaper! Hindi mo ba naisip na baka may media or paparazzi sa lugar na ‘yun? Are you being reasonable for what you did? Alam ko’ng gusto mong gumanti sa kanila pero hindi sa ganitong paraan! You are risking yourself and the hospital!”

“Anong gusto mong paraan ang gawin kung ganon Zie? Gusto mong maging mabait ako sa kanila? Gusto mong pakisamahan ‘ko sila at pagtaksilan ‘ko sila tulad ng ginawa nila sa akin noon?” tanong ‘ko sa kanya at tumayo sa kinauupuan ‘ko para harapin siya. “Zie, I lost my children because of Ali and Ricci. I lost the chance of being a mother because of them and because of the people who helped them. Marami sila. Kahit sa mga kaibigan namin noon ay madaming nagtakip para kay Ricci at nalaman ‘ko lahat ng mga ‘yan nang palabasin na wala na ako. I lost my life at sa tingin mo kakalma pa ako gayong nakikita ‘ko silang masaya? Walang sasaya, Zie.”

“Lillian–“

“Camreigh.” Pagtatama ‘ko sa kanya at napasapo siya sa kanyang noo saka ito hinilot bago sa akin muling bumaling.

“Camreigh, I understand how you feel. I understand how much hatred and pain you’ve been enduring to stay alive but believe me, that hatred won’t do you any good. When you told me about the story of Ali, you told me that she was eaten by her hatred and the ways you act right now… you’re being Ali.”

“I’m not being Ali.” Tanggi ‘ko at nag-ayos ng tayo. “I’m being a woman who got deprived, a woman who got abused and a woman who got so much love to give but they chose to break.”

Tinapos ‘ko ang pag-uusap na ‘yon at hindi na pinakinggan si Zie sa kanyang mga sasabihin. I know from the start na walang makakaintindi sa akin dahil hindi naman sila ang nawalan. Hindi sila ang namatayan at mas lalong hindi pag-asa at pangarap nila ang gumuho ng mawala ang mga anak ‘ko. Ako at tanging ako lamang ang makakaintindi sa nararamdaman ‘ko. No one can ever understand the heart and the mind of a mother.

Sa aking pag-alis mula sa aking opisina at pagbaba sa lobby ay nakita ‘ko ang pamilyar na grupo na dati ko’ng kinabibilangan. Nag matuire na silang lahat at tila may kanya kanya nang trabaho. Parang kinukurot ang puso ‘ko nang makita ‘ko si Brent na nakangiti habang naka-akbay sa mga kaibigan niyang sina Aljun at Andrei na kasama ang bestfriend ko’ng si Kreezia, si Sab na may kargang isang maliit na bata na naka-alalay naman si Kib sa gilid at si Prince na kaakaby si Ronachelle.

Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan silang paakyat sa kung saang palapag at maingay pa din silang nagtatawanan. Kailan kaya ulit ako makakatawa ng ganyan? Kailan ulit ako makakangiti ng wala nang sakit na iniinda? Kailan ulit ako makakangiti ng wala nang galit na kinikimkim? Mangyayari pa ba ‘yon? Darating pa ba ang panahon na ‘yon?

Naramdaman ‘ko ang pagpatak ng aking luha at agad ‘ko ‘yong pinalis at nang tumingin ulit ako sa kanila ay agad na bumaon sa akin ang mapanuring mata ni Brent. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy na sa aking paglalakad sa kabilang direksyon para maiwasan sila. Para akong kriminal na kinakabahan sa bawat oras na dumadaan at pagkakataon na nakakasalubong ‘ko sila dahil sa kaba sa aking dibdib.

The Mistress of the Game (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon