Chapter 13: I Can't Be Tamed

8.5K 508 146
                                    

Pinasakit ng mga tao sa paligid ang ulo ‘ko sa mga sumunod na araw. Ang walang humpay na parinigan ng dalawa na ni minsan ata ay hindi man lang tumigil maliban kapag may bisita ang isa na hindi nila kilala. Idagdag pa si Ali na kung titigan ako ay hindi na mahiya dahil siya naman ang may kasalanan ng lahat ng ito pero siya pa ang may ganang manlisik ang mga mata.

“Mainit nga! Lakasan mo ‘yung aircon!” dinig ko’ng sigaw ni Ricci nang papunta akong muli sa kanilang kwarto na nagpasapo ng aking ulo. Kailan ba talaga sila titigil? Nakakapikon na!

“Nilalamig ako e! Ospital ‘ko ‘to kaya ako ang masusunod!” dinig ko’ng sigaw ni Zie. Marahas ko’ng binuksan ang pinto, pinapakita silang dalawa na nakaupo at magbabatuhan na ng unan na parang mga bata.

Napabuntong hininga ako sa kanilang dalawa at marahas na naglakad papasok.

Natigil sila sa kung ano mang gagawin nila pero huli na ang lahat dahil pikon na pikon na ‘ko! “Magbabatuhan kayo?” sarkastiko ko’ng tanong at ngumiti lang sa akin si Ricci na para siyang isang estudyante na nahuli ng teacher niya na nag-iingay.

“Babe, hindi naman e–“

“Amina, ako babato sa inyo!” singhal ‘ko at hinigit ang unan nilang dalawa pero masyado silang malakas dahil parang wala lang sa kanila ang paghila ‘ko. “Magbabatuhan kayo ‘di ba?”

“Camreigh… kalma nga.” Awat sa akin ni Zie at marahang hinawakan ang baywang ‘ko saka niya ako pinaupo sa tabi niya. Nangilabot agad ako sa malamig na tingin sa akin ni Ricci nang umupo ako doon habang si Zie ay pinipigilan ako sa nagpupuyos ko’ng inis sa kanilang dalawa.

“Ano ba kasi pinag-aawayan niyo?” singhal ‘ko sa kanila at pilit na iniba ang usapan dahil ang matitigan ng ganyan ni Ricci ay hindi ‘ko ata kakayanin. Masyado akong nalilibang ngayon sa ideya na laging andyan lang si Ricci and I can make or unmake his day in just a snap of a finger.

Masyado akong nalibang sa ideya na kaya ko’ng ibalik ang dating relasyon ‘ko sa iba habang ginagawa ‘ko ang lahat ng mga gusto ko’ng gawin. Pero hindi pala dahil ang bumalik sa dating kami ni Ricci ay mahirap. Kahit ang bumalik lang sa pagkakaibigan ay mahirap and I don’t think that will ever happen.

“Ask your boyfriend, doc.” Walang ganang sagot na naman ni Ricci. Kumilos na siya mula sa pagkakahawak sa unan ay inilagay niya na ito pabalik sa kama at tulad noong isang araw ay binagsak niya ulit ang ulo niya sa unang nang humiga siya.

Ayan na naman tayo sa usapang ulo. #PantasyaChronicles

“Zie?” bumaling ako sa kanya at binigyan ng nagtatanong na tingin.

“Look Camreigh, kasi gusto niyang lakasan ‘yung aircon. E nilalamig ako at siya naman naiinitan. E paanong maiinitan e naka-16 degrees na ang aircon! High cool pa!” pangangatwiran niya at agad ko’ng tinignan si Ricci para pakinggan ang opinion niya pero ganon na lang ang pagkainis ‘ko na parang wala na siyang pakialam sa mga nangyayari at nakatulala na lang sa kisame at sapo ang kanyang ulo gamit ang kanyang dalawang kamay na nasa likod.

“Ricci, anong masasabi mo?” tanong ‘ko sa kanya at nakita ‘ko mula sa pagkakagilid niya ang nakakalokong pag ngisi na parang may nakakatawa sa sinabi ‘ko at umiling pa siya, ganoon pa din ang pwesto.

“Interview ba ‘to sa isang news channel? Prisinto? Interrogation–“

“Ricci isa pa ako sasapak sa’yo!” singhal ‘ko at magsasalita pa sana nang tumingin siya sa akin at ang mga malamlam pero matatalim niyang mata ang bumaon sa akin. Nanlamig ang kung ano sa loob ‘ko at hindi ‘ko mapigilan na kagatin ang labi ‘ko para lang mapanatili ang pagkakatitig ‘ko sa kanya.

The Mistress of the Game (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon