Chapter 22: Article 40 of the Family Code

8.8K 501 195
                                    

“Kuya, where have you been?” tanong ‘ko isang araw kay Kuya nang makabalik siya kung saan at dala niya ang kung anong dokumento sa kanyang kamay.

“I went somewhere with attorney to process some papers.” Kibit balikat niyang sagot bago umupo sa couch ng condo ‘ko na nagpasingkit sa aking mata.

“Papers? For what? A new house? Property? And why is attorney involved?”  sunod sunod ko’ng tanong na hindi niya agad sinagot at mas piniling kumuha sa kinakain ko’ng chips sa may center table. “Kuya you’re hiding something from me.”

“Wala.” Inosente niyang sagot pero hindi ako agad naniwala. Ang kanyang ikinikilos ay hindi nagpapanatag ng kalooban ‘ko. Kapatid ‘ko siya kaya alam ‘ko kung may tinatago siya sa akin o wala.

“Kuya spill the beans bago ‘ko pa malaman sa iba. You know I’m having trust issues right now kaya wag ka na dumagdag pa.” nagtaas ako ng kilay sa kanya at tanging pag nguso lang ang iginawad niya sa akin at parang nanghahamon pa na tumingin sa akin. “Kuya this is not funny! You tell me right now what you have done.” singhal ‘ko na nagpangisi sa kanya.

“I told you Lillian, I processed some papers–“

“I know but what are those papers for goodness sake!” sigaw ko’ng muli na nagpahalakhak na sa kanya. “If you’re not going to tell me ay tatanungin ‘ko si attorney tungkol dito! So you better tell me bago ako magalit ng husto!” pagbabanta ‘ko na mas nagpangisi sa kanya saka inilahad sa akin ang hawak niyang brown envelope.

“See for yourself.” Kompyansa niyang sagot sa akin.

Dali dali ko’ng kinuha ang envelope at binuksan ito para makita ang isang marriage certificate at nakalagay doon ang pangalan namin ni Ricci. What the fck?

“Kuya what have you done? Bakit may ganito? You registered us as married couple?” singhal ‘ko na nagpahalakhak sa kanya.

“Calm down bunso. Ang babies mo baka kung mapano.” Mahinahon niyang sabi at nag-ayos ng upo. “I want Ricci to marry you and with this hindi siya makakawala. Just for emergency purposes kung sakaling tatakbo siya.”

“Kuya, Ricci will never run away from his responsibilities, alam mo ‘yan.” Lumamlam ang aking mga mata at napahilot sa aking sentido. “This marriage certificate is not necessary dahil hindi naman niya tatakbuhan ito…”

“I know bunso but what if? You should always think ahead of time. You never know when this paper will change everything in your advantage.” Nagtaas siya ng kilay na inilingan ‘ko.

“Ricci will never do such a thing. Kahit na sinasamahan niya pa si Ali sa mga check-ups ay alam ko’ng hanggang don lang ‘yon. He will never do such a thing. Malaki ang tiwala ‘ko don.”

And that’s what I thought six years ago. That what I thought about Ricci being faithful to me pero hindi naman pala talaga ganoon. Hindi namin napag-usapan ang papel na ‘yon dahil hindi kami nagkita sa araw na ‘yon at kinabukasan ay nangyari na ang aksidente. Nakakatawa na ganoon ang pananaw ‘ko sa kanya.

And for a fleeting moment, I thought they deserve to be forgiven and to have another chance in life just like how I’m planning to have my own but all those chances and plans are all put into waste now. Sinayang nila ang pagkakataon na ibinigay ‘ko sa kanila. The tiny trust that I invested in them was once again wasted by their ruthless actions.

“Are you sure about this?” sambit ni Brent sa tabi ‘ko na mas ninenerbyos pa sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at tumango habang nakaupo kami sa sala ng bahay nina Tita and Daddy. Kasama ‘ko sa sala si Kuya at si Tita na ngayon ay matyagang nag-iintay kay attorney na ni-park lang ang kotse sa labas.

The Mistress of the Game (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon