When I met you.

212K 2.5K 590
                                    

Sabi nila, Masaya ang magmahal. Ano nga ba yang pagmamahal na iyan? Letse yan 'e. Ang alam ko lang naman na pagmamahal e ang pagmamahal ng Diyos. Ako nga pala si Cynthea. Bookworm, at may sariling pananaw sa buhay. Kense ko na, ngunit hindi ko pa nararanasang magmahal ng opposite sex. Nagmahal na ako, pero ang tinutukoy ko ay ang aking supportive parents at si Papa God.

Isang araw, sa tindahan tumambay ang barkada.

 "Cynth, wala ka bang balak magboyfriend? Kita mo, ikaw na lang ang single sa grupo e." Sambit ni Louise.

 Napa-isip ako bigla, bakit nga ba wala pa akong boyfriend? May mga nanliligaw naman sakin. Tila ba natauhan ako sa sinabi ni Louise.

"Naiinggit nga ako sainyo e. Sa tingin mo ba choosy ako?" sagot ko.

"Hindi ka naman choosy 'e, marunong ka magmahal pero ang problema, natatakot ka." sagot ni Louise.

Nasaktan ako sa sinabi ni Louise ngunit tama siya. Agad akong tumakbo at pumunta sa bahay na parang batang umiiyak.

"Cynthea, kung nasaktan ka sa sinabi ko.. Pasensya ka na, hindi ko sinasadyang masaktan ka." ang text na aking natanggap mula kay Louise.

"That's okay, you're right. Why don't we go to the mall now? Isama mo na rin si Kate." ang aking reply.

Kami'y naglalakad sa mall, nang nakaramdam si Kate ng pagiihi. Ihinatid namin siya sa Comfort Room. Habang kami ay nasa labas ng comfort room, may dumaang lalake galing sa Men's CR. Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso;para bang, lumulundag lundag ito. Hindi ko alam kung bakit ko narandaman ang weirdong bagay na yun. Hindi ko alam ay todo na pala ang titig ko sakanya. Para bang, nalove at first sight ako. Oo alam ko, ang corny pero kasi.. KINIKILIG AKO E! Nang pumunta kami sa Timezone, laking gulat ko nung nandoon yung lalakeng nakita ko kanina. Tumatakbo takbo kami, at VIOLAAA! Nagkabanggaan kami. 

"Miss, Sorry." sabi niya saakin.

"Okay lang, di mo naman siguro sinadya." sabi ko naman.

At ayun, pumunta kami ng foodcourt para lang makapagusap. Syempre sumama yung lalake; at nagsimula na niyang ipakilala ang kanyang sarili. So pinakilala ko din ang aking sarili at pinakilala ko din si Kate at si Louise. Daniel pala ang kanyang pangalan. Naks! Parang Daniel Padilla lang ang amats 'e. Ilang araw palang kami magkasama ni Daniel, ang tingin ko na sakanya ay kaibigan mula pagkabata. As in ganun katagal. Ang saya ko kapag kasama ko siya. PAGIBIG na ba 'to? 

Makalipas ng ilang linggo, nagtapat sakin si Daniel sa kanyang nararamdaman. Hindi ako makasalita. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Hanggang sa tinanong niya ako..

"Mahal kita. Ganoon din ba ang nararamdaman mo saakin?" tanong niya.

"Uhh.." tameme kong sagot.

"Wag kang magalala 'di kita sasaktan. Tuturuan kitang magmahal ng gaya ko. Hindi ako tulad ng ibang lalake dyan na walang ginawa kundi magpaiyak ng kababaihan." sambit niya.

So sa sinabi niyang yun, tila nawala ang takot ko. Inamin ko na rin sakanya kung ano ang aking nararamdaman para sa kanya. Minarkahan ko ang araw na iyon sa kalendaryo; 'twas April 3, taong 2010. Pangalawang araw palang naming magkasintahan parang antagal tagal na namin e. Alam niyo yun, walang hiyaan. Talagang comfortable kayo sa isa't isa. Every week may oras kami sa isa't isa. Lagi kaming naguusap, hindi kami nawawalan ng communication

Hanggang sa sumapit ang aming 1st Anniversary. Sobrang saya ko nung nagabot siya ng regalo; at nang binuksan ko eto isang maliit na pillow ang aking natanggap. Kiniss ko nalang siya sa pisngi at sinabing, "Thankyou for being the best boyfriend. Maraming salamat at tinuruan mo akong magmahal." 

Ang Love Story ni Cynthea.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon