April 5, taong 2011. Pumunta kami ng Mall ni Daniel kasama si Louise, di ko mabilang tawa ko sa araw na iyon. Hanggang sa umuwi na ang barkada at kaming dalawa nalang ni Daniel ang natira. Niyaya ako ni Daniel sa kanilang bahay, agad kong tinext ang nanay ko.. "Mom, baka umuwi na ako ng late. Pupunta kasi ako sa bahay nila Daniel e, anyway wag kayong magalala ihahatid niya ako paguuwi na. Loveyou!"
Habang nasa daan kami, humanga na naman ako kay Daniel dahil sa kanyang ugali. Hindi niya kasi pinagmasamaang loob yung mga batang gala sa kalye e. So ayun, nakarating na kami ng bahay nila. Si Daniel ang unang pumasok sa kanilang bahay sapagkat sinabi ko sakanya na magpapahangin muna ako. Pero ang totoo nun, nagiipon pa ako ng lakas ng loob para humarap sa parents niya. Hanggang sa may confidence na ako; pumasok ako ng bahay nila.. Tangina! Natapilok ako. Shit, nakakahiya naman. Buti nalang nakahawak ako sa may pintuan kung hindi, basag ang ulo ko. Habang naglalakad kami papuntang Dining Area..
"Anong nangyare?" patawang tanong ni Daniel.
"Hoy Babe, hindi to nakakatawa. Tumigil ka.. Haha!" sagot ko.
Tawa kami ng tawa habang naglalakad. Nakakaloka talaga tong babe ko. At ayun na nga, nag beso-beso kami ng mom niya. Agad kaming nagusap, at tingin ko gusto ako ng mom niya.
"Tita, asan po yung Daddy netong si Daniel?" tanong ko ke tita.
"Nasa Europe anak, nagtratrabaho." sagot niya.
Anak? Feel na feel ko talaga nung sinabi niya yun. Kilig na kilig ako. Habang kumakain kami, tawanan dito tawanan diyan. Nagenjoy talaga ako. at may nasabi si Tita..
"Daniel, anak.. sana wag mo kaming iwan ha?" kombinsi ni Tita.
"Bakit po? San siya pupunta?" tanong ko.
"Wala. Haha! Si Mommy talaga oh." sagot ni Daniel na tila may tinatago.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ni Cynthea.
Teen FictionSi Cynthea ay hindi pa nakaranas magkaroon ng kasintahan. Hindi pa ito nagmahal kahit minsan, kumbaga'y Virgin siya in terms of love life. Nang makilala niya si Daniel;gwapo, matalino at mabait. Mababago kaya ni Daniel ang pananaw ni Cynthea patungk...