Pagkatapos nun, nagpahatid na ako ke Daniel sa bahay. Naalala ko, may project pala kami. asdfghjkl. Cramming na naman oh. at ayun, busy ako sa paggawa ng project nang magtext si Daniel.
Daniel: Hi baby!! Kamusta ka na? Ang saya saya ko kanina!!
Me: Teka lang text ka na lang mamaya. Busy ako kasi sa project ko sa school.
Daniel: Ehh mamaya na yan baby. Usap muna tayo. Miss na kasi kita ehhh :)
Me: Kailangan ko ngang matapos to, kasi nga malapit na ang due nito.
Daniel: Sige na baby, minsan lang naman ako man lalambing ng husto eh. Gusto kita makasama ngayon, ipagpabukas mo na lang yan. Please? :D
Me: Ano ba kase?! Bigyan mo naman ako ng oras sa sarili ko oh?! Hindi mo ba naiintindihan?! Project ko to! GRADES ko to!! PWEDE BA? ORAS NAMAN!! HINDI NAMAN IKAW LAGI SAYO IIKOT ANG MUNDO KO!! WAG MO NGA MUNA AKO I TEXT!!
Daniel: Sorry baby. Mahal na mahal po kita. Sige po.. Sorry.. Text na lang kita mamaya...
Daniel: Hi baby, hindi ko matiis na hindi ka itext. Gusto ko po talagang makausap ka. Gusto ko maging masaya ulit :D
Daniel: Hi baby, hindi ka parin nag rereply.. Kamusta na po project mo diyan?
Daniel: Baby... Di ka pa rin nag rereply.. Nag aalala na po ako sayo...
Daniel: Baby 10pm na... Dalawang Oras ka ng hindi nag rereply sakin, ui miss na po kita. I love you po...
Daniel: Uhm baby.. I love you. Sana po ok ka lang diyan. Andito lang ako palagi, malapit na kitang laging makasama :)
Me: Diba sabi ko sayo mag tetext ako sayo pag tapos na ko dito sa project ko?! Hindi mo ba naiintindihan yun?!!? Ano bang mahirap sa BUSY at hindi mo maintindihan?! Parang wala ng bukas eh. Ang OA mo naman! Pwede ba?! Matulog ka na lang!
Daniel: Sorry baby.. Ok po.. Goodnight po sayo. I love you.. Mag iingat ka palagi, lagi kitang babantayan. Andito lang ako, hindi ako mawawala sayo.Narealized kong mali ako sa aking inasal. Ang akin lang kasi, lagi na kaming nagkakasama. Walang oras na di kami naguusap.. Sana naman bigyan niya rin ako ng oras para sa sarili ko. Oras para matutukan ako ang studies ko. Itetext ko sana siya, pero sa tingin ko tulog na siya.. So natulog na din ako. Kinabukasan, mataas na ang araw.. Tenext ko si Daniel para humingi ng paumanhin para sa nangyare kagabe..
Me: Baby, gising na po. Sorry po kagabi sa mga nasabi ko. Busy lang talaga ako. Kain ka na po, papasok na ako..
Me: Gising ka na, papasok ka na. Text mo ko pag gising mo..
Me: Ui, bakit hindi ka pa nagtetext. Break na namin. Pumasok ka ba? Wala ka bang load? Ui... Text naman..Nakailang-text na ako sakanya, wala pa ring reply. Siguro ay pinaparanas niya sakin kung ano ang naranasan niya kagabi kaya naman ay di ako nagsawang magtext ng paulit ulit sakanya. Hanggang sa nagreply siya..
Daniel: Anak.. Si Tita mo 'to.. Iniwan na niya tayo.. Iniwan na ko ng anak ko at iniwan ka na rin ng kasintahan mo. Iniwan na niya lahat ng mahal niya sa buhay. Nasabi ba niya sayo na may taning ang buhay niya? Ngayon ang pangatlong taon na ibinigay ng doktor sa kanya, akala namin hindi totoo, wala naman kasi makakapagsabi ng buhay ng isang tao. Pero nagulat kami, hindi na rin kinaya ng puso niya. Ginigising namin siya kaninang umaga, hindi na siya nagigising. May huling text pa nga sayo, na hindi na send ito ang sabi niya sayo anak " Mag-iingat ka palagi, masaya ako sa pupuntahan ko, huwag kang iiyak. Pasensya hindi ko sinabi sayo, ayaw kong ipaalam sayo dahil ayaw kong mamroblema ka sa kalagayan ko, pati sa project mo, ayaw kong dumagdag. Hindi ko alam kung swerte pa kong sisinagan ng araw bukas. Araw-araw akong nagdadasal na sana bigyan niya ako lagi ng araw para makita ka, araw para makasama ka, sobrang mahal kita. Sayang, yung huling araw ko dito di man lang kitang nakausap. Pero naiintindihan kita.. Baka nga naman ikabagsak mo pa yan. Sorry talaga. I love you baby, promise me. Magiging matatag ka. Nasa tabi mo na ako ngayon."
At nagsimula ng tumulo ang mga luha ko, nagsisi ako kung bakit hindi ko siya napagbigyan kagabi. Agad akong nagpray kay God..
"Papa God, alagaan niyo po si Daniel. Sana po maging masaya siya dyan. Papa, Maraming salamat po dahil binigay niyo siya sakin. Patawarin niyo rin po ako sa inasal ko kagabi sakanya. Sana po ay maintindihan niyo ako. Salamat po. Amen"
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ni Cynthea.
Teen FictionSi Cynthea ay hindi pa nakaranas magkaroon ng kasintahan. Hindi pa ito nagmahal kahit minsan, kumbaga'y Virgin siya in terms of love life. Nang makilala niya si Daniel;gwapo, matalino at mabait. Mababago kaya ni Daniel ang pananaw ni Cynthea patungk...