P R O L O G U E

10 2 1
                                    

The lights are making me dizzy and the music's too loud. The smell of smoke, sweat, liquors and different perfumes are lingering in my nose. Lumunok ako nang sunod sunod dahil sa nararamdaman ko. All I can see are blurred visions of people partying like there's no tomorrow. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ng taong 'di ko kilala na hinahatak ako ngayon. Ginawa ko 'yun para maiwasan ko ang pagbagsak ko sa sahig. I closed my eyes and tried my best to walk straight. Nang maramdaman ko ang pagbitiw ng taong humihila sa akin ay unti-unti kong binuksan ang aking mga mata.

A pair of deep black eyes met my gaze. Napaawang ang bibig ko nang makita ang kabuuan ng mukha nito. Just like a while ago, tila mayroong kung ano sa mga mata ng taong 'to ang humihila at nag-uudyok sa akin na titigan ko pa ang mga ito. Pinanliitan ko siya ng mata at nag-iwas ng tingin.

"Phew! Muntik na 'yung kanina ah? Okay ka lang ba, Miss?" Nakangiting tanong nito sa akin. Umiling-iling ako. Sino ba naman ang magiging okay matapos ang nangyari kanina?

"Oh. I see. By the way, umuwi ka na. Delikado na para sa'yo kung mananatili ka pa dito." I am about to nod my head nang maalala ko si Pia na nasa loob pa rin. Tsk. That woman!

"Yung kaibigan mo? Hayaan mo na 'yun. Nasa mabuting mga kamay siya. I swear. Now, go home and rest." Ginulo niya ang buhok ko at kumindat. Kumunot ang noo ko nang makitang naging kulay lila ang kanang mata nito. Pagkurap niya ay bumalik ito sa dating kulay. Ibinuka ko ang aking bibig para tanungin sa kanya ang tungkol dito nang biglang may humila sa kanya mula sa likod.

Napatili ako nang makita ang isang lalaki na may pulang mata, matatalas na mga pangil, mahahabang kuko at labas na mga ugat sa leeg hanggang sa noo ang nambubugbog sa lalaking kausap ko lang kanina. Napapikit ako nang may nakakasilaw na liwanag ang lumabas. Binuksan ko muli ang aking mga mata at nakitang nakangisi ang lalaking kausap ko at tumayo sa sahig na parang walang nangyari.

"A-ayos ka lang b-ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Kinagat nito ang ibabang labi at marahang tumango. Nanlaki ang mata ko nang lumapit ito at bigla akong niyakap.

"T-teka. B-bakit mo 'ko n-niyayakap? Nasaan na yung s-sumugod sa'yo? Ba't n-nawala?" Nauutal kong sabi. I heard him chuckle at napaawang ang labi ko nang halikan niya ako sa noo.

"Go home, Miss. Tomorrow, you'll forget about this. You'll forget about me. I promise." Bulong niya. Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ng lalaking ito? How can I forget what I saw a while ago?

The guy smiled devilishly and murmured some words I don't understand. The next thing I knew, I woke up at my bed without any idea what happened to me last night at the bar.

Black Swan's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon