I bit my lower lip and groaned. My head hurts like hell and I don't know what to do. Sinubukan kong tumayo at maglakad palabas ng kwarto. Pumunta ako sa katabing kwarto kung saan natutulog si Pia. Naabutan ko siyang sumusuka sa toilet bowl. Matapos nito ay tumayo siya at halos hindi maipinta ang mukha niya.
"Ang sakit ng ulo ko." Mahina niyang sabi at may kung anong kinuha sa drawer niya. Lumapit siya sa'kin at binigyan ako ng isang gamot.
"Inumin mo din 'yan kasabay ng kape. Jusme. Ang sakit talaga ng head ko. Gosh." Huminga ako ng malalim at lumabas na sa kwarto ni Pia. Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa at hinintay siyang lumabas ng kanyang kwarto.
"Pia, paano tayo naka-uwi?" Takang tanong ko sa kanya nang magsimula na kaming mag-agahan. She grimaced and tsked.
"Ewan. Siguro nag drive ako pauwi kahit lasing. Wala akong matandaan eh. Ganoon talaga ako 'pag naka-inom." Sabi niya na para bang wala lang sa kanya na wala siyang maalala sa mga nangyari.
I don't know. Paggising ko kasi kaninang umaga ay wala akong maalala sa mga nangyari and it creeps me. The last part I remembered was when I clapped my hands for Kevin's group because of their performance. Pagkatapos nun, wala na 'kong maalala pa.
Hindi ko na kinulit pa si Pia at pumunta na sa kwarto ko. I opened my book and decided to just read and finish this book for today. Wala na naman akong gagawin eh.
I flipped the pages of the book when suddenly, a picture of red eyes and long fangs crossed my mind. Napatigil ako sa ginagawa at napalunok. What was that?
Muntik na 'kong mapatalon sa kinauupuan ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. I immediately grabbed it and looked at the name of the caller pero unregistered number ito. Nagdalawang isip pa ako bago tuluyang sagutin ito.
"Hello." My heart leaped out of my chest. Well, not literally. Kilalang kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na 'to and I swear, this moment is like a dream come true for me.
"H-hello, Eli. Napatawag ka." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. I heard Eli took a deep breath. Napakagat ako sa labi ko. Even the way he breathes is just so sexy. Darn.
"I j-just wanna invite you sa mini celebration ng grupo. Well, napili kasi ang grupo namin kagabi sa Lightstar." Napangiti ako. I knew it. Magaling sila at talagang kahanga-hanga kaya no doubt kung bakit sila ang pinili.
"S-sige ba. Where and what time." 'Di ko na alam kung ano bang itsura ko sa mga panahong 'to. I don't care. Basta kausap ko si Eli, solve na'ko.
"4 o'clock. My place." I nod my head kahit hindi niya nakikita. Biglang bumilis amg tibok ng puso ko. Only Eli can do that to my heart.
"Okay. I'll go there." Sagot ko at napalunok muli. Umupo ako sa kama ko at hindi pa rin pinapatay ang tawag. I want to talk to him more pero nakakahiya naman kung magfi-feeling close ako agad.
"Uhm... Okay. Bye, Khelly." Again, I nod my head kahit 'di niya nakikita. I expected him to finish the call pero nagulat ako nang magsalita siya muli.
"And... I miss you." He said before hanging up. 'Di ko agad na-process ang sinabi niya. Nang marealize ito ay napatalon talon ako at impit na tumili. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at 'di mabura ang ngiti sa mga labi ko. For two years, first time kong makarinig ng sweet line na tulad nun mula kay Eli. Yes, kilala niya 'ko pero he doesn't know na I'm his fangirl kaya nagtataka ako kung bakit parang na-acknowledge na niya ang presensya ko. Maybe because of Pia? I don't know.
Agad akong naghanap ng dress at nang may mapili ay kaagad akong naligo. Paglabas ko ng banyo ay saktong pagpasok ni Pia sa kwarto ko na nakangisi.
BINABASA MO ANG
Black Swan's Tale
VampireIt's all been said and done. Part of the history, they say; part of his memories, he thought. Finding answers, finding truth, finding her. Young girl with a normal life and mysterious guy with the deep black eyes. What words will be said, what act...