3~ ⇨Mysterious⇦

9 1 0
                                    

"Hoy ikaw bata ka! Kung shaan shaan ka nagshushushuot eh! Henehelo mo 'ko sha paghahanap eh." Susuray suray na lumapit sa akin si Pia. Napailing nalang ako nang makitang mukhang nalunod na sa alak 'tong magaling kong kaibigan.

"Aba't ngingiti ngiti ka dyan! Bakit? May ginawa kayo ni Eli no?" Nagtaas baba ang kanyang mga kilay at tinutusok ako ng mapang-asar niyang mga tingin.

"Tara na. Umuwi na tayo. Ilang bote ba ang nilaklak mo ha?" Ini-akbay ko ang braso niya sa balikat ko at pinulupot ko ang kaliwang braso ko sa bewang niya. May kabigatan si Pia kaya medyo nahihirapan ako sa pagtulong sa kanya sa paglalakad.

"Ikaw ah! Magkwento ka naman tungkol sha inyo ni Eli mo. Dali na Khellsh." Umirap nalang ako at pinagtyagaan siyang alalayan kahit na ang bigat bigat na niya. Sakto namang nakita ko si Imrah kaya nakahinga ako ng maluwag.

Tinawag ko siya at mula sa pagkangisi ay nakita ko ang bahagyang pagseryoso ng mukha niya nang makita ang kalagayan ni Pia, pero kaagad din namang bumalik sa pagkangisi nang makita ako na nahihirapan na sa pag-aalalay dito sa kasama ko.

"Oww. Nabibigatan ka na ba? Tsk tsk tsk. Baboy talaga ang timbang ng babaeng 'to." Iiling iling na sabi ni Imrah at nagulat ako nang bigla niyang binuhat na parang sako si Pia. Kung gising lang si Pia ngayon ay malamang nagkagera na naman dito. Buti nalang at naknock out na siya.

"Tara na." Nanguna siya sa pagpunta sa kotse niya. Kahit na maingay at mahangin 'tong si Imrah, maaasahan naman siya kapag kailangan namin ng tulong. Dun lang talaga kami sinwerte sa kanya.

Maayos naman kaming naihatid ni Imrah at laking pasalamat ko sa kanya dahil hinatid na niya hanggang sa kwarto si Pia. Pagkatapos nito ay umalis agad siya. Tatapusin pa daw niya ang party sa bar mansion nina Eli at maghahanap siya ng chics. Tsk. Boys.

Matapos kong i-lock ang pinto ay pumunta na agad ako sa kwarto ko. 'Di na 'ko nag-abala pang magbihis at halos pikit mata ko nang padapang ibinagsak ang katawan sa kama. Dala na siguro ng antok, ilang segundo pa bago ko maiproseso sa utak ko ang naramdaman ko.

Kinapa kapa ko ang nabagsakan ko at halos manigas ang buong katawan ko nang mapagtantong hindi ito unan. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. I was about to scream at the top of my lungs when he suddenly spoke.

"Hi Khelly." He smiled and looked directly at my eyes. Just like last time, may parang hypnotizing effect ang mga mata niya at tila hinihigop ako nito papalapit sa kanya.

"A-anong ginagawa mo d-dito? P-paano ka nakapasok?" Taranta kong tanong sa kanya at aalis na sana sa pagkakapatong nang bigla niyang pinulupot ang mga braso niya sa aking bewang.

"'Di mo gugustuhing malaman." Nakangisi niyang sabi at umirap naman ako. Tuwing magtatanong ba 'ko sa kanya, ganyan lagi ang klase ng pagsagot niya?

"Let me go, Milfordd. Kung hindi, sisigaw ako dito. Manipis lang ang dingding dito kaya maririnig ang mga sigaw ko." Pagbabanta ko sa kanya at tila 'di siya natinag dahil suot niya pa din ang ngisi niya.

Nagulat ako nang bigla niyang pagpalitin ang posisyon namin. Ako naman ngayon ang nasa ilalim at siya na ang nasa ibabaw ko. Hinawakan niya ang mga braso ko sa magkabilang gilid ng ulo ko. Ang mga hita ko naman ang pumapagitna sa mga tuhod niya.

"Tatahimik ka o hahalikan kita? Choose." Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. As much as I want to think badly towards him, hindi ko magawa. I don't know why.

"'Di ka makapili? Palitan nalang natin." Tumingin siya sa taas na parang nag-iisip at 'di nagtagal ay ibinalik niya ang paningin sa akin.

"Hahalikan kita o hahalikan kita? Choose." Nanlaki ang mata ko. I should be scared by now pero the way he said it, it's just so sexy that--- eehh. What am I thinking?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black Swan's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon