"Oh please, Khells! Kahit ngayon lang! Dati pa 'ko nagyayaya pero three months ago na yung huli mong pagsama sa'kin. Ang tagal na nun!" Iiling-iling kong ibinaba ang libro ko at tiningnan si Pia na kanina pa nag-aalburoto dahil sa pagtanggi ko.
"Bakit 'di mo yayain si Ishvi?" Tanong ko sa kanya at tinanggal ang reading glass na suot ko. She gaped at me and rolled her eyes.
"Seryoso ka 'te? Si Ishvi? Gusto mo 'kong yayain yung taong bato na 'yun?" Umiling nalang ako. Ang harsh niya palagi kay Ishvi ah.
"Eh si Ira?" Sinarado ko 'yung libro ko at nilapag sa mesang katabi ko. Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni Pia.
"Alam mo namang 'di nagkakalayo ang ugali ng dalawang 'yan di ba? At kung tatanungin mo 'ko kung bakit 'di ko yayain si Imrah, eh malamang! Kung anong kinatahimik at pagka-cold ng magkapatid na Ishvi at Ira, siya namang sobrang daldal at mahangin ng kuya nila." Mahabang litanya ni Pia. Nagkibit na lang ako ng balikat at nagtungo na sa banyo para magbihis. Narinig ko pa ang pagtatanong ni Pia kung sasama na ba 'ko sa kanya.
Pagkalabas ko ng banyo ay napangiwi ako nang tumili si Pia. Alam na niyang sasama ako kaya nagmadali siyang mag-ayos at magretouch ng make up niya. Matapos ng ilang minuto ay kaagad niya akong hinila palabas ng apartment namin at sumakay sa kanyang BMW na sasakyan.
Malayo palang ay nakikita ko na ang iilang mga taong lasing na at yung iba naman ay nagsisigarilyo at nakikipaglandian. Bumuntong hininga ako at sumimangot.
"C'mon girl! It's been three months since you last visited a bar. Mag-enjoy ka naman! Shems! Lalo na ngayon. Nandito ang asawa ko. You must be excited kasi malamang sa malamang ay kasama niya si Eli. Ayiiee." Sinundot sundot niya ang tagiliran ko at umirap lamang ako. Wala akong kiliti doon kaya magsawa siya kakasundot dun.
Mabilis kaming nakapasok dahil kakilala na ni Pia ang mga bouncer dito. Pumunta kami sa isang lugar na malapit sa mini stage. Umorder na ng mga inumin si Pia at kahit labag sa kalooban ko, pinapainom niya 'ko ng alak.
"I'm so excited! Maya maya lang magpeperform na sila Kevin sa stage. Like, OMG! Sana mapili ang grupo nila." Tumango nalang ako sa mga pinagsasabi ni Pia. Ngayong gabi kasi, manonood ang representative ng isang sikat na entertainment company sa performance ng mga banda dito. Isa dito ay ang grupo nina Kevin. Ang asawa kuno ni Pia. For two years ay solid fangirl ni Kevin si Pia.
"Ayy shet! Ang alam ko magpeperform din ngayon ang Covens eh. Hala. Magaling pa naman 'yun. Pero syempre mas magaling sina Kevin babes. Pero kasi kakaiba din ang Covens eh. Lalo na't nandun si Ethan." Mukha nang mababaliw si Pia kaya sinubukan kong inumin ang isang basong alak. Napangiwi ako matapos ko 'yong tunggain. Ang pait pala.
"Ayan na, ayan na! Shit shit shit! Ang gwapo ni Kevin nyeta! KEVIN ANAKAN MO 'KO MGA SAMPU!" I rolled my eyes at Pia. Tiningnan ko naman sina Kevin na nagsisimula nang tumugtog. Bakas sa kanila ang enjoyment sa ginagawa pero makikita mong bahagya din silang kinakabahan. Napagawi ang tingin ko kay Eli. For two years, I've been his fangirl too. But not like Pia, I support him secretly.
I'm still alive but I'm barely breathing
Just prayed to a God that I don't believe in
'Cause I got time while she got freedom
'Cause when a heart breaks, no, it don't break even
Napaawang ang bibig ko nang makita ang makisig na paghampas ni Eli ng sticks sa kanyang drums. Sa bawat hampas niya ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. I guess Pia's right. Mage-enjoy nga 'ko dito.
BINABASA MO ANG
Black Swan's Tale
VampireIt's all been said and done. Part of the history, they say; part of his memories, he thought. Finding answers, finding truth, finding her. Young girl with a normal life and mysterious guy with the deep black eyes. What words will be said, what act...