Chapter 2

0 0 0
                                    

Alexianelle's POV

Its been three days since that painful scenario in the house happened. Nandito ako ngayon kumakain sa cafeteria and of course, kasama ko si Lynne. At syempre nandito din si Lex. Tinanong ko nga sila kung bakit ayaw nilang mag-spend ng time na silang dalawa lang. Feeling ko kasi sinasadya na nilang pag-selosin ako. Sabi naman nila trip lang daw nilang kasama ako.

Kumakain lang kami ng biglang lumapit sa amin si Kuya Josh, kasama sina Kuya Ken, Kuya Brent, Kuya Aj, Kuya Lewis, Kuya Clark, Kuya Kyle, Kuya Dale, Kuya Keith, Kuya Joseph, at Kuya Bryan- sila ang mga barkada ni Kuya and also the members of the basketball team in our school.

I gave them an anong-ginagawa-niyo-dito look.

"Diba pwedeng makiupo sweetheart?" Tanong ni Kuya Ken. Sweetheart ang tawag nila sa akin dahil trip lang daw nila. Lol.

"Ahh, okay. Upo na kayo." Sabi ko at umusog ng konti para makaupo. Yung iba ay kumuha nalang ng silya sa ibang tables.

I saw some girls rolled their eyes. May disadvantage rin pala ang pagiging malapit mo sa mga boys, kasi napapaaway ka. Pero syempre wala akong paki no! Selos lang yang mga yan kasi friends(bodyguards) ko ang mga hot and handsome basketball players ng campus. Masanay ka nalang.

Ang ingay nilang lahat kaya kinuha ko ang aking phone at headset at nakinig nalang muna sa mga music hanggang sa matapos akong kumain. Nagpaalam na ako sa kanila at nauna ng maglakad. Nagmadali na ako kasi malapit na ang next subject ko.

Sa pagmamadali ko, may nakabangga akong tatlong guys. And OMG!!! Ang gu-gwapo lang bess!!! Pero no way! Sila kasi ang mga playboy ng school. Sayang talaga.

"Uh sorry." Nakayuko kong sabi. Syempre! Magalang ata lola niyo no!

"Okay lang miss beautiful." Sabi ng nasa gitna na sa pagkakaalam ko ay ang leader nila.

"Sige. Una na ako. Pasensiya ulit." Pagpapaalam ko kasi male-late nako.

Nagbye naman sila sa aking at nginitian ako nung nasa gitna. Actually silang tatlo ngumiti pero yung nasa gitna kasi parang nang-aakit.

Pagdating ko sa room, mabuti wala pa ang teacher namin. Umupo na ako at ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko na si Lynne.

"Girl, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa dapat dumating dito ah? Ba't nauna pa ako sayo" Sabi agad sakin ni Lynne.

"Ahh ano---"

"Good morning class."

Whoo!!! Saved by Ma'am Perez.

Binati namin lahat si Ma'am then the discussion started.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

{FAST FORWARD}


Yey!!! Tapos na lahat ng klase ko. Hmm!!! Stretching first. Nakakapagod talaga mag-aral pero para sa magiging pamilya namin ni Lex, kahit ano gagawain ko. Char! Ang feeling ko!!! Malabo naman iyon mangyari eh.

Lumabas na kami ni Lynne sa room and as expected, nandun si Lex naghihintay.

Ang hindi expected ay sinalubong ako nung tatlong mokong kanina pagkalabas na pagkalabas ko.

Lalagpasan ko na sana sila pero bigla silang nagsalita.

"Grabe! Snob ka na ngayon Miss?" Yung cutie ang nagsabi.

"Ahh sorry?" Yan lang nasabi ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin eh!

"Its ok Miss... By the way, I'm Ethan, Tan for short. This is Skyler, Kyle for short. At eto naman si Jarred, Red nalang itawag mo." Pagpapakilala sakin nung leader nila na si Tan. Okay!

"I'm Alexianelle. You can call me Xia." Syempre para hindi rude, nagpakilala narin ako.

"Alexianelle? Hmm. Nice name. It suits you." Wow first time nagsalita ni Red ah...

"Thanks." Sabi ko at nakipagkwentuhan nalang sa kanila. Wala namang masama diba?

Nasa kalagitnaan kami ng pakikipagkwentuhan ng maalala kong naghihintay nga pala sakin si Kuya. Everyday niya kasi akong sinusundo at hinahatid. Nakalimutan ko narin si Lynne at Lex. Magpapaalam na sana ako sa kanila ng biglang...

"Sweetheart???" May nagsalita bigla sa likod ko. Nilingon ko iyon at nakita sina kuya at ang iba pa niyang kabarkada including Lex.

Seryoso silang nakatingin kila Tan, Kyle and Red. O-kay?

"Ahh.. K-uy-a" Shete!!! Kinakabahan ako.

"Boyfriend mo?" Bulong sakin ni Tan kaya napatawa ako ng malakas. As in malakas. Natigil lang ako nung nakita kong lahat sila ay seryosong nakatingin sakin.

"Hindi ah." Bulong ko rin kay Tan tapos ngumiti.

Nawala nalang bigla iyong ngiti ko at napanganga dahil sa narinig ko kay Lex.

"Tara na SWEETHEART" Diniinan talaga niya ang salitang sweethear kaya napatango ako bigla. Nagpaalam muna ako kila Tan, Kyle, at Red bago naglakad kasama sina Kuya.

Yiee!!! Kinikilig ako!!! Hohoho!!!

Nagce-celebrate na sana ako sa kalooblooban ko ng biglang may bumulong sa tenga ko.

"Wag mong bigyan ng meaning yung ginawa ko. Gusto ko lang talagang makauwi na para makita ko na si Lynne." Syempre si Lex at wala ng iba pa ang bumulong non.

Nag-okay ako sa kaniya at binilisan nalang ang paglalakad ko.

Ouch ah! Sakit non. Ang saya saya ko na nga eh.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A_N
Lol! Yo!

Votes and Comments are highly appreciated.

If you want, please do follow me.

Love you all!

-Faye❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always The OneWhere stories live. Discover now