Scene 1: 1st Day of School....Waaaahhhh!

36 1 1
                                    

Okay guys... this is the first scene...

medyo true-to-life sya, but not all of it. Syempre dinagdagan ko nga konti...

Enjoy Reading! :) Hope you like it!

Scene 1:

Naranasan nyo na ba ‘tong moment na to?

First day of school (3rd year). First time mo syang naging classmate ngayong highschool. You don’t even know what his attitude is. But at the moment you saw him, you’ve already got a crush on him. And you don’t know how it happens. It’s just that, it happened.

*Flashback*

Ang cute naman nya. Pero di ko sya crush no. Ngayon ko lang sya naging classmate eh.

“Uy Alyana, crush mo sya noh? Kanina ka pa tingin nang tingin sa kanya eh.” Tanong sa’kin ng bestfriend kong si Sheena.

“Uy hindi ah! Baliw ka talaga!” sabi ko kay Sheena. Di ko naman talaga crush si Chris.

“Aminin mo na kasi!” sabi ni Princess. Isa ko pang friend.

Pinagtutulungan talaga ako ng dalawang ‘to no.

“Alam mo ba, may nalaman kami tungkol kay Chris!” sabi sa’kin ni Sheena.

“Eh ano naman, wala naman akong interes sa kanya no. 1st day na 1st day pinagtitripan nyo talaga ako!” pabirong galit na sabi ko sa kanila. Ayaw talaga akong tigilan eh.

“Crush ka daw ni Chris!” sabi sa’kin ni Princess.

“Sus, naman! Kalokohan yan noh, ngayon nga lang kami nagkita eh. Ano sya, baliw!” sabi ko sa kanila.

“Yun nga eh, nabaliw na kaagad sya sayo unang kita pa lang nya sayo!” sabi nilang dalawa sa’kin.

“Tumigil na nga kayo, di na kayo nakakatuwa” sabi ko sa kanila.

“O, sige punta muna kaming canteen, di ka ba sasama?” tanong nila sa’kin. Mukhang effective yung kunwaring galit na pinakita ko sa kanila.

“May baon ako eh, sige kayo nalang. Balik kayo agad ah!” sabi ko sa kanila. Wala kasi akong kasama pag wala sila. I’m sure naman na babalik agad yung dalawang yun.

 

*end of flashback*

So ayun na nga ang 1st day kong nakakaloka. Weh? Di nga? Crush raw ako ni Chris?

Baka naman pinagtitripan lang ako ng dalawa kong kaibigan. May itsura kasi si Chris at balita ko na maraming nagkaka-crush sa kanya since 1st year sya.

Napakachismosa ko naman. Hindi ah, yung mga kaibigan ko lang naman ang nagsasabi ng mga ganun sakin, Wala naman akong pakialam kung nakailang girlfriend na yun. Basta the thing is –wala akong gusto kay Chris. Tapos.

*Flashback*

“Alyana!” Huh? Sino kaya yung tumatawag sa’kin.

Lumingon ako sa likod ko. Wala namang nakatingin sa’kin. Hmm..baka guni-guni ko lang yun.

“Ahhh!”

“Sorry, nagulat ka ba sa’kin?”

 

Haaayyy..si Chris lang pala. Bigla-biglang sumusulpot sa tabi ko…

Wait. Wait. Wait.

 

TABI ko? As in sa TABI ko talaga?

“Hindi naman.” Matipid kong sagot sa kanya. At pinagpatuloy ko na yung pagkain ko ng recess.

“Ba’t mag-isa ka? Nasan mga kaibigan mo?” tanong sa’kin ni Chris.

Mmmm…curious ba talaga sya kung bakit ako mag-isa?

“Ah, nasa canteen, bumibili lang. Padating narin sila”sabi ko sa kanya.

“Tama ba, Alyana Rivera, pangalan mo diba?” tanong nya sa’kin.

“Ah, oo” sabi ko sa kanya.

“Ako nga pala si Chris, ngayon lang tayo naging mag-classmate no?” sabi nya sa’kin.

“Ah, oo nga eh” sabi ko sa kanya.

“Ang tahimik mo naman, di ka ba nagsasalita, o ayaw mo kong kausapin?” sabi nya sa’kin.

“Ah, hindi hindi naman sa ganun. Tahimik lang talaga ako.” Sabi ko sa kanya.

“Ah so ganun ba. Ngayon alam ko na.” sabi nya sa’kin.

Dumating na mga kaibigan ko. Pero bakit ayaw pa nilang pumasok? AHA! Tinitignan nila kaming dalawa ni Chris. Hmmm…aasarin nanaman nila ako eh. Tinignan ko sila ng masama and then nakuha nila yung ibig kong sabihing pumasok na sila sa classroom.

“Ah, yan na pala mga kaibigan mo. Sige alis na ko, Next time nlang ulit. Nice meeting you Alyana!”

At nagpaalam na si Chris sa’kin.

“Ehem! What did we just saw earlier?” tanong sa’kin ni Sheena.

We need an explanation.” Sabi ni Princess.

Tong mga to parang mga imbestigador.

“Wala yun noh! Nakipagkilala lang naman si Chris then ayun, dumating na kayo.” Sabi ko sa kanila.

“Sabi sayo eh, crush ka nung Chris na yun.” Sabi sa’kin ni Princess.

“Bahala nga kayo jan.” sabi ko sa kanila.

And then dumating na si Ma’am Arellano, adviser namin para idiscuss ang iba pang house rules and regulations na paulit-ulit na lang pag 1st day.

Half-day lang kami nun kaya dumeretso muna kami sa mall para mag-lunch, malapit lang kasi yun sa school naming.

And that’s my 1st day of 3rd year in highschool.

First time na may lumapit sa’kin at makipagkilala sa 1st day ng klase.

What a day! I just said to myself.

*Readers: Some of it are based on true happenings while some are just…you know, gawa gawa ko lang kaya, it’s somewhat like a story na’rin.

Next time nalang yung ibang scenes ha..

Flashback MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon