Scene 3: The Group Project
“Alright class, may mga tanong ba tungkol sa project natin?” tanong sa’min ng Filipino teacher naming si Mam Gemma.
“Okay kung wala ng tanong ay maiwan ko na kayo.” Pagpapaalam nya sa’min.
Ang first project namin sa Filipino ay gumawa ng presentation tungkol sa buhay ni Rizal, before kami magstart sa Noli. Lahat ng tungkol kay Rizal ay dapat naming isama sa presentation.
Kasama na dito ang pagkabata ni Rizal, ang kanyang pamilya, ang kanyang edukasyon, at pati mga pag-ibig ni Rizal. Marami namang grupo kaya hinati-hati namin kung anong magiging topic ng bawat grupo.
Napunta sa’min ang mga pag-ibig ni Rizal, mula sa una nyang pag-ibig hanggang sa pinakahuli nyang pag-ibig.
Kasama nga pala sa grupo si Chris, ang bago kong kaibigan.
“Ui, ako na bahala sa powerpoint presentation naten, magsend nalang kayo sa’kin ng mga information at mga pictures! Ako na bahala sa grupo naten.” Pagmamalaking sabi ni Chris sa’min.
“Uy, sigurado ka? Ang sipag mo naman!” sabi ko sa kanya.
“Oo naman, ikaw pa!” sabay kindat nya sa’kin. Inaamin ko nagulat ako sa ginawa nya, di ko maintindihan kung anong ibig nyang sabihin.
“O sige, sasabihin ko na sa inyo kung anong hahanapin nyong information. Ibigay nyo nalang sa’kin ASAP” sabi ni Chris sa buong grupo. Ayun tulala pa rin ako sa sinabi nya sa’kin kanina.
“Uy, Alyana, nakikinig ka ba?” tanong nya sa’kin na nakangiti.
“Ha? Ano ulit yon?” haayyy…ang shunga shunga ko talaga. Bakit nga ba hindi ko narinig yung sinabi nya.
“Hindi ka nga nakikinig. Magtanong ka nalang.” Sabi nya sa’kin. Nakangiti pa rin sya sa’kin na mukang nang-aasar.
At natapos na nga ang meeting ng bawat grupo about dun sa project. As usual, marami nanamang hindi makikipag-cooperate. Sanay na ko sa mga kaklase ko no.
Haayyyy nakooo….bakit ba wala ako sa sarili ko kanina. Di naman ako ganto dati ah. Ang sungit sungit naman ni Chris! Haayyy,,sabagay ako rin ‘tong di nakikinig habang nag-eexplain sya. I realize na ang galing pala nyang mag-lead ng grupo. Kaya pala nakuha nya yung leadership award last year. Hindi kataka-taka. Sa lahat ng mga naging ka-grupo ko ever since, ngayon lang may nag-volunteer na gumawa ng first step sa project, kadalasan kasi ako lang halos ang gumagawa ng sinasabing “GROUP” project. Mukang nagbago ang ihip ng hangin.
~LUNCH BREAK~
“O, mag-isa ka nanaman?” tanong sa’kin ni Chris habang kumakain ako ng lunch sa classroom.
Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
“Di mo ba ko tatanungin?” tanong nya sa’kin.
“Ha? Anong itatanong ko sayo?” pagtatakang tanong ko sa kanya.
“About dun sa project. Di ba hindi ko nasagot yung tanong mo kanina?” sabi nya sa’kin.
“Ah, ayun ba. Tinanong ko na kay Sheena, don’t worry, alam ko na.” sabi ko sa kanya.
“By the way, di mo sila kasama maglunch ngayon, nag-away ba kayo?” tanong nya sa’kin na nagtataka.
“Hindi ah, dun sila sa canteen nagla-lunch. Wala kasi silang baon kaya bumili nalang sila.” Explain ko sa kanya.
“Ah, ganun ba. Teka lang ah, babalik ako.” Sabay alis nya. Anung meron? Bigla-biglang dadating tapos aalis agad.
Kasalukuyan akong sumusubo ng ulam ko nang biglang…
“I’m back, pinag-intay ba kita?” nanadya ata ‘tong manggulat ah. Ayan tuloy, di sinasadyang nabulunan ako.
“Uy, okey ka lang ba? Mukang nabulunan ka yata. Eto, tubig ko oh, inumin mo muna, baka mapano ka dyan.” Sabay abot sa’kin ng tubig nya at ininom ko. No choice, wala kasi akong tubig ngayon, nakalimutan kong magdala sa pagmamadali ko kanina. Buti nalang nandyan si Chris.
“Okey ka na ba?” tanong nya sa’kin na para akong batang matapos bilhan ng laruan ay tumigil na sa kakaiyak. Bakit ba concern na concern sya sa’kin?
“Oo, salamat nga pala ah.” Nahihiyang sabi ko sa kanya. Nakakahiya kasi, nabulunan pa ko sa harap nya tapos pinainom pa nya yung tubig nya sa’kin.
“Wala, yun. Basta ikaw” sabi nya sa’kin.
Bago pa ko makapagsalita, ay sinundan nya agad yung sinabi nyang yon.
“Oo nga pala, pwede bang sumabay sayo ng pagkain?” tanong nya sa’kin.
Gusto ko sanang itanong kung bakit, kung nasan yung mga kasama nya, bakit di sya sumabay sa mga kaibigan nya pero naisip ko na hahaba pa yung usapan kaya di ko na tinuloy.
“Oo naman, ba’t hindi?” sabi ko sa kanya. Na nakangiti. Na parang gusto ko pang magkasabay kaming kumain. Hala, anong nangyayari sa’kin? Bakit parang….haaayyy ewan.
Habang kumakain kami ay pinag-usapan na namin kung anong gagawin namin sa project. Sabi nya, sya na raw ang bahala sa powerpoint. Syempre tutulong din ako no, ako na magsesearch mostly ng mga infos at pics. Asa namang tutulong yung mga kagroup namin. Sabi nya, ako raw yung leader, pero kung titingnan, mas muka syang leader kesa sa’kin. Takot kasi sa kanya mga kagroup namin na hindi nakiki-cooperate. Samantalang ako, hinahayaan ko lang silang di tumulong. Ako naman bahala sa grade na ibibigay ko sa kanila!
Buti nalang nandyan si Chris. Sure na kong tutulong talaga sya dahil sya ang acting leader sa grupo. Di na tuloy ako ganon ka-pressure ngayon pagdating sa mga projects dahil alam kong tutulungan nya ko sa project namin. 1ST project na kasama ko sya.
BINABASA MO ANG
Flashback Memories
Cerita PendekTotoo bang merong ganito? Na madadala ka ng mga pang-aasar ng mga kaibigan mo sa isang tao? In the first place, di mo naman talaga sya crush pero sa consistent na pang-aasar sa inyong dalawa ay magkaka-crush ka rin sa kanya? And then crush mo na ng...