Scene 2:
*flashback* (asahan nyo nang puro flashback to dahil it happened long time ago)
Kinabukasan…
Recess namin.
And then,
Mag-isa ulit ako. Hay nako naman, nawala na naman mga kaibigan ko. San ba sila nagpunta.
Nilapitan ako ni Chris.
“Uy kamusta na?” bati nya kaagad sa’kin.
Huh? Parang kahapon lang kami huling nagkita ah…teka, ano bang trip neto.
“Ok naman” sagot sa kanya.
“Okey ka lang ba?” tanong nya sa’kin na parang concerned na concerned. Weh?
“Oo naman, ba’t mo natanong?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang, para kasing malungkot ka eh, di pa kita nakikitang nakangiti since kahapon”
“Ah ganun ba”
“Wala ka sigurong kasama kaya ka malungkot” sabi nya sa’kin,
Oyy.hindi ah..ganito talaga ako, sobrang tahimik. Di ka ba sanay sa mga tahimik na tao.
“Hindi naman”
“O sige, sabi mo eh, sasamahan muna kita para di ka masyadong malungkot jan” sabi nya sa’kin.
“Kung okey lang sayo, di ka ba hinahanap ng mga kaibigan mo?” tanong ko sa kanya.
“Ayos lang sa kanila yun noh, lagi naman kaming magkakasama eh. Dito muna ko” sabi nya sa’kin.
Sigurado ka ah…siguradong mapapanis ang laway mo sa’kin. Hindi ako mahilig makipagkwentuhan….lalo na sayo no, kahapon lang tayo nagkakilala..
“Bahala ka” matipid kong sagot sa kanya.
“Ang talino mo pala, Alyana! Nasagot mo kaagad yung tanong ni Ms. Miranda kanina! Idol!” sabi nya sa’kin.
Ngumiti lang ako sa kanya. Nakakatuwa naman at kahit ganun kasimpleng bagay ay na-appreciate nya.
I’m starting to like him.
LIKe ha! Not starting to have a crush on him. Magkaiba yun!
“Paturo naman oh!” sabi nya sa’kin.
“Paturo ka dyan. Di ako tutor mo noh. Tsaka matalino ka rin naman ah” sabi ko sa kanya.
Totoo naman yun kasi top 3 sya last year sa kabilang section. Bukod sa looks meron din naman syang brains…
Did I just said he had looks! But still, di ko parin sya crush noh.
“Uy hindi ah. Mas matalino ka pa nga sa’kin” sabi nya sa’kin na parang nahihiya.
Tumawa nalang ako. Wala kasi akong masabi eh.
Pero humble naman sya kaya I think we’re going to be friends.
Nakakatuwa syang kasama.
Sinasamahan ka nya pag-mag-isa ka.
He doesn’t forget to ask you if you’re Ok.
Ang sweet diba?
Hoy Alyana! Nafa-fall ka na ba kay Chris? No way. Studies first muna.
Nababaitan lang ako sa kanya. First time in history to na may mag-approach sa’king guy at we just met yesterday eh parang long lost friends na kaming dalawa.
I just have a feeling deep inside me. Ang gaan kaagad ng loob ko sa kanya. Yes! May bago nanaman akong friend! Sana lang tumagal sya sa isang tahimik na tulad ko…hahah!
*end of flashback*
^__^ okay another day with HIM! Hmmm…a FRIEND of mine! New friend! Kahit kahapon lang kami nagkakilala…ang bilis noh? Well,,ganun talaga ang buhay…
Pero, I’m starting to like him na nga ba?
Honestly, friend lang talaga ang turing ko sa kanya. FRIEND!
*Readers: I hope you like it! Next time na lang po yung ibang scenes nina Alyana and Chris!
I’ll just remind you guys na mabagal po akong mag-update kaya i-expect nyo na! Have a great day!
XOXO XOXO XOXO
From: elmarieshane004
BINABASA MO ANG
Flashback Memories
Short StoryTotoo bang merong ganito? Na madadala ka ng mga pang-aasar ng mga kaibigan mo sa isang tao? In the first place, di mo naman talaga sya crush pero sa consistent na pang-aasar sa inyong dalawa ay magkaka-crush ka rin sa kanya? And then crush mo na ng...