Chapter 1 - New student

125 3 0
  • Dedicated kay Sydney Pollard
                                    

New student ★

GRACE POV

PAAAAAAAKKKKKKKKK!!

"Uwaaaaaaaaaaa!!! asdghjkl.."

"Hoy! kung ayaw mong mapalo nang wala sa oras gusiming ka na at maaga pa ang klase mo!! Jusko namang bata ka. Pinapasakit mo nanaman ulo ko nito!! Hala! Sige! Bumangon ka na dyan kung ayaw mong kurutin ko pa singit mo!" sermon sakin ni lola. Tss! kita namang natutulog ng mahimbing yung tao bubulabugin pa nila. Buti na lang at sanay na ako sa pamenermon niya sakin ng ganyan. Ikaw ba naman sermonan niyan pag gising mo sa umaga, tuwing kakain ka, kapag maliligo ka, isama mo pa tuwing nagbibihis ka! Oh di baaaa? sarap pakinggan, parang musika lang na wala sa tono. *insert evil laugh.

"Babangon na poooo .. Tsaka lola, pwede bang tuwing gigisingin niyo ako pwede bang wala ng kasamang palo? kasi kawawa na ang pwet ko kapapalo niyo." kulang na lang irapan ko sila pero baka tusukin lang nila ang mapang akit kong mata hmpp!

(A/N pagbigyan na po natin siya. HAHA!)

"Oh sige, kung ayaw mo ng palo at kurot,

IHUHULOG NA LANG KITA SA KAMA PARA DAMANG DAMA MO!!!!!

( O . O ) wtf?

"A-ahaha. Ano ba naman kayo lola, biro lang po yun .. Kahit ilang beses niyo akong paluin at kurutin ayos lang po .. mas bet ko yun!" sabay takbo sa baba.

Aba! Double Deck po ang kama ko at nasa taas pa ako!

×××××

*Crimson Elite Academy

habang naglalakad ako papuntang building namin, madaming clown ang nagkalat sa daan habang nakikipag chikahan. Mas dumami ang future clown sa school na ito ah. Haha!

"narinig niyo na ba yung balita?"- girl 1 na mukhang sinampal ng ilang beses sa pula ng pisngi niya.

"Oo. Sino kaya yung swerteng babae na yun. Biruin mo ang Ice Prince ng Hilfiger University napa ibig niya." - girl 2 na parang naka inom ng sandamakmak na suka sa sobrang pagnguso.

"Huhuhu. Wala na talaga akong pag asa pang mapa ibig ang mahal kong prinsipe." girl 3 na pinapunasan ang luha *kuno* niya.

Psshh. Basta talaga lalaki updated lagi. -___-

Papalakad na sana ako nang bigla kong natanaw sa malayo ang best friend ko, mukhang sineryoso ang sinabi niya sakin kagabi na mag boboy hunting siya. Psh!  ..

"Graaasssyaaaaaaa! Wititit!" sigaw niya habang patakbo siyang papunta sakin kaso napansin kong hinihingal siya kaya sinenyasan ko na lang siyang maglakad.

"Bat ka pa kasi takbo ng takbo e alam mo namang ang lawak lawak ng school natin!" sermon ko sakanya.

" Nakakailang kasi maglakad mag isa lalo na kapag maraming payasobels ang pakalat kalat. Kala mo may piyesta lagi muder." Naiinis pa niyang sabi sakin. Di na talaga nagbago tong babaeng to. Maingay at laitera pa rin kahit kelan buti na lang di ako nasama sa panlalait niya.

Nagtataka ba kayo kung bakit grasya tawag niya sakin? pwes! alamin niyo!

Haha di joke lang. Ahem! Ahem!

My name is Hillary Grace Castro

17 years YOUNG! Oo young talaga dahil hindi ako mukhang OLD my dear! Haha. Ang height ko naman ay ------- Eh!!! Wag na kasii!!! Basta pang petite siya! *insert smiley. My vital statistic is 36-26-36. I'm sexy and I know it. *wink END OF THE STORY.

Ang childish kong boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon