Chapter 2 - Meeting them

72 4 5
                                    

★ Meeting them ★

Grace POV

dinala ako ni Elize dito sa boutique nila in MOA. Sila pala ang nag mamay ari ng FOREVER YOUNG. Grabe pagkakita ko pa lang sa boutique nila nahalata ko ng pinag gastusan nila ito ng milyon milyon.

Nalulula nga ako sa presyo ng mga damit nila e. Pinaka mababang presyo ata nila dito sa tingin ko ay isang libo. Kaya nga nung una ay tinatanggihan ko siya kasi nga nahihiya ako. Pero sa bandang huli ay napilit pa rin niya ako. She decided na bilhin yung latest dress sa boutique nila. Take note! ~ Limited edition and it cost her 15 thousand pesos!

Well di ko naman maitatangging nararapat lang na ganun kamahal yung dress na kinuha niya. It was an elegant tube dress na may nakapalibot na diamond sequence sa gilid niya. Revealing ng konti ang likod nito na may malaking Ribbon/Bow sa likod na kulay itim. Hapit na hapit ito sa katawan ko showing my curves. Sa pinakababa naman nito ay ruffles na 5 layers at kulay itim ang linings nito. Simple yet elegant ang dating niya. Cream color ang pinili ni Elize dahil bagay daw sa kulay ko. Mas pumuti daw ako at lumabas ang makinis kong balat.

(A/N wala po akong kaalam alam tungkol sa fashion at sa mga damit. Ini imagine ko na lang po siya at dinidescribe sa alam kong salita. HAHA!)

Pagkatapos niyang bilhin yung dress ay niyaya niya akong umupo sa bench para makapag pahinga muna saglit.

Habang nagpapahinga kami ay bigla na lang may mga nagsitilian na babae. Napansin kong may dinudumog ang kababaihan sa left side namin. Hindi ko rin naman makita kung sino ang dinudumog nila dahil sa dami ng mga babaeng umaaligid sakanila.

OMG! Nandito ang mga Hilfiger Warriors! Uwaaah!!

pagkasigaw ng babaeng yun ay biglang napatingin sa gawi nila si Elize. She smiled at mukhang natatawa pa. I asked her "may nakakatawa ba Elize?" sagot naman niya sakin "just wait at malalaman mo rin." So naghintay nga ako gaya ng sabi niya.

Nang magsi alisan ang mga babaeng dumumog sa sinasabi nilang Hilfiger warriors ay natanaw ko ang limang kalalakihang di ko inakalang makikita ko sa tanang buhay ko. Ang ga'gwapo nila! Kahit nasa malayo pa lang sila ay mahahalata mong galing sila sa mayamang pamilya sa porma at way ng paglalakad pa lang nila.

Hindi ko namalayan nakalapit na pala sila sa amin. Ganun na ba ako katagal nag iimagine? O.o

"Hi Elizabeth!" masayang bati nung apat. Yung isang di bumati sakanya ay lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Ihhh! Ang sweet!

"Guys, gusto kong ipakilala sa inyo ang nag iisang kaibigan ko na babae." then tumayo siya at hinila ako palapit sa kanya.

"Her name is Hillary Grace my classmate and my single friend in our school. Guys be nice to her okay?" sumagot naman yung apat ng "Okay!" na nakangiti. Samantalang yung isang lalaki na humalik sa pisngi ni Elize ay ang sama ng tingin sakin. Luhh! May di ba maganda sakin?!

Ah oo nga pala ako yung di maganda "-_____-

"Btw Grace I want you to meet my boyfriend Chris Villaforte" sabay turo sa boyfriend niyang nasa harapan namin. "And his friend Tucker Francisco, Tuck for short." Sabay kaway naman niya sakin. "Ridge Sebastian." sabay tango sakin so tumango rin ako sakanya. "Drake Chavez." pasimple naman siyang kumindat sakin. Ohh.. playboy alert ~ ngumiti na lang ako sakanya. "And last but not the least my boyfriend's bestfriend Sam Lee." lumapit siya sakin at bigla niya akong niyakap.

LUB DUB. LUB DUB. LUB DUB.

Gosh! Behave ka nga dyan grace. baka mahalata niyang kinikilig ka sakanya! Oh puso ko! Makisama ka naman please. Huhu!

Ang childish kong boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon