Binabati ko ang mga UPang flames na nagbabasa nito ngayon lalong lalo na sa 1AM-04! EhMerGehd. Kawaii kawaii! Sa mga silent readers paramdam naman kayo dyan :*
Enjoy reading! ♥
----
Tanga daw ako kapag pinakawalan pa kita. Gago ako kapag sinaktan kita. Baliw daw ako kapag pinagpalit kita. E sira-ulo pala sila! Paano ko gagawin yun? Akin ka ba? - Anonymous
★ The Warriors ★
SAM POV
(Secret hideout/School)
"Pre, kamusta pala yung paghatid mo dun sa kaibigan ni Elizabeth? yung Grace ba yun?" intrresadong tanong sakin ni Drake. Psh! Alam ko na tinatakbo ng utak nitong lalaking to e. It's either gusto niya akong pag tripan o di kaya type niya yung babae. Nandito nga pala kami sa secret hideout na ni request ko kay Tito, para mapag tambayan naming magbabarkada tuwing walang ginagawa.
"None of your business." sagot ko na lang sakanya. Kapag kasi kwinento ko pa sa kanya magiging mahabang usapan pa to.
"HAHAHAHA MUKHANG TINAMAAN ANG LINTEK! May pa your scent seems familiar ka pang nalalaman! Magamit nga minsan baka sakaling effective sakin." pataas taas pa niyang kilay na sabi sakin. Gagu talaga to kahit kelan. Babaero pa rin. Haha. Ewan ko ba kung paano ko siya naging kaibigan.
Dun nga pala sa tanong niya, hindi ko ineexpect na ang long lost first love ko ay kasama ko na pala at kagabi ko lang iyon nalaman. Kaya pala napansin kong may resemblance silang dalawa. SIYA na pala yun. Tama nga ako, her scent seems so familiar. Amoy baby powder pa rin tulad nang dati. Kahit pawisan na siya ay amoy baby pa rin.
God! Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya kagabi habang mahimbing siyang natutulog. Pinayagan ako ng lola niya na puntahan siya sa kwarto saglit para mag paalam kaso naabutan kong tulog na siya nun. Mahigit isang/dalawang oras din ang nilagi ko dun dahil nakipag kwentuhan pa ako sa lola niya at tinanong tungkol sa kung bakit sila na lang na dalawa ang magkasama at kung nasaan na sila Tito at tita.
Kwinento sakin ni lola na nung 6th birthday ni Hillary ay nagpasya silang mag pamilya na pumunta ng Baguio. Sobrang lakas daw ng ulan nang araw na yun kaya mas kumapal ang hamog. Then on their way hindi napansin ni Tito na may kasalubungan na pala silang 10 Wheeler truck. Pilit na iniwasan ni Tito na mabunggo ang sasakyan nila .. pero bigo siya. Tanging si Hillary lang ang nakaligtas sa aksidenteng iyon at nagtamo sakanya ng trauma na kalaunay naging permanent amnesia of her 6 years of existence. Kaya kahit anong gusto kong pagpapakilalang gawin ko sakanya ay hinding hindi na niya maaalalang may isang "Cham cham" na naging bahagi ng buhay niya.
Kumikirot ang puso ko tuwing naaalala ko ang bagay na yun. Sobrang sakit! Di ko na naiwasang umiyak sa harapan ni lola nun. Biruin mo bang yung first love mong inalaagan at prinotektahan nung bata e hindi ka na pala maaalala ngayon?! Damn it!
Hillary was my everything back then. At that time I was only 8 years old, nakatira sila sa village malapit sa amin.
I met her one time nung nag si'swing siya mag isa sa playground ng village. Walang gustong makipag laro sakanya dahil mukha daw siyang witch. But they didn't know na kaya ganun ang itsura niya ay dahil hinabol siya ng aso nung araw na yun kaya para siyang nakipag gyerahan sa itsura niya. Bat ko alam? Cause I saw it with my own 2 eyes that's why nakipag lapit ako sakanya and told her that I'll protect her sa mga aaway sakanya. She was my first in everything, first crush, first love at first sight, first heart break and so on.
"Mukhang ang lalim nang iniisip natin ah?" putol ni drake sa pag fa'flashback ko.
"Pabayaan mo na siya pare, ngayon lang naging ganyan si captain mula nang makilala natin siya. Busy yan sa lovelife niya ngayon. Hahaha!" pantritrip sakin ni Tucker habang naglalaro sa Xbox ng 2k14.. Yung dalawa naman busy sa sarili nilang gawain, si Cris seryosong naglalaro ng dart at mukhang malalim ang iniisip habang si Ridge naman busy kakakain ng Nova at Potato chips.
BINABASA MO ANG
Ang childish kong boyfriend
Dla nastolatkówNormal lang ang buhay ko noong hindi ko pa siya nakikilala. Pumapasok sa eskwela, nagkukulong sa bahay, nagbababad sa Facebook, nag-aaral atbp. Hindi ko inaasahan na magbabago ang takbo ng buhay ko sa isang pangyayaring di ko inaakalang magbibigay n...