Pinaharurot ni Caerus ang sasakyan para makaabot siya sa lakad nito.Hiniram kasi ng kapatid nilang si Dame ang sasakyan niya kaya pinayagan niyang ang kakambal na si Caerus ang maghatid sa kanya sa pupuntahan niya. Wala rin naman kasi siyang magawa dahil ginamit rin ng Dad nila ang chopper. At pareho namang coding ang dalawang spare cars nila.
Panay ang tawa ni Caerus habang sinusulyapan ang mukha niyang nakasimangot
"Chill bro. Makakaabot tayo. Trust me" Caerus said while smirking
"I trust you Cae, it's your driving skills that I doubt." sagot naman niya ng nakatuon ang atensyon sa kakambal na sumisipol pa.
Nakangisi ang kakambal habang nakatingin sa kanya.
"Eyes on the road man! You don't want your future bride to be sad right?" Kutya niya sa kapatid. Siya naman ang napangiti ng makitang kumunot ang noo nito.
"Shut up Zeus Walter. I'm not marrying that woman. Hindi ko pa nga siya nakikita." sagot naman nito sa kanya
Ngumiti lang siya sa sagot ng kakambal.
Napansin niya mas naging mabilis ang pagtakbo ng sasakyan.
Sa di inaasahan, nawalan preno ang sasakyan ng kakambal ng biglang mahagip ng isang ten wheeler truck ang Alterra nito.
"Fuck!" Aniya ng nakitang duguan ang kakambal na pilit paring iniikot ang manobela ng sasakyan na parang wala na sa huwisyo.
Nanlaki ang mata niya ng makitang sasalpok na ang sasakyan sa railings nga kalsada. "We need to jump out of the car Caerus!" sigaw niya sa kakambal.
Ng makita niyang wala ng malay si Caerus, pilit niyang kinalas ang seatbelt niya at bumaling sa kakambal. Kinalas niy ang seatbelt nito at binuksan ang pinto ng sasakyan at tinulak niya ito palabas.
Ang katawan ng kakambal nitong walang malay na nakahandusay sa gilid ng kalsada ang huling nakita niya bago tuluyang sumalpok ang sasakyan sa railings ng kalsada.
Dumalusdos ang sasakyan pababa. Nabasag rin windshield nito ng tumama ito sa kahoy. Napapikit nalang siya ng patuloy parin sa pagdalusdos ang sasakyan.
Napamulat ulit siya ng marinig na ang rumaragasang tubig. Napansin niyang lumulubog ang sasakyan sa tubig. Ininda niya ang sakit ng katawan at pilit na lumangoy patungo sa gilid ng ilog. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing gabay niya sa gabing iyon.
"This is one hell of a day" usal niya bago tuluyang mawalan ng malay.
~~~
A/N: This is new to me so pardon pag may mga typo and grammatical errors ito.VoMment.
Enjoy!
-Pixie
BINABASA MO ANG
del Guerra Empire Series (Zeus Walter) : Remembering Us
ChickLitZeus Walter del Guerra The man on the top of the pyramid. The King of kings. Mysterious. Devious. Calm. But an accident took everything from him including his memories. Will the girl who's staying by his side can help him heal? or will she cause him...