Chapter 1

6 0 0
                                    


Hinubad ko ang natitirang saplot ko sa katawan at tumalon sa tubig. Gosh! I really love this! Nagpatuloy ako sa paglangoy hanggang sa napansin kong medyo malayo na pala ako sa batong tinalunan ko kanina.

Napatingala ako sa langit. It's been almost a year and a half mula ng tumira ako dito. This is my safe haven.

I felt tired that's why I decided to rest for a while. Lumangoy ako papuntang tabing ilog ng napansin kong may kung anong nakahandusay doon. Kahit na nangangatog ako sa takot, I still approached the unknown specie.

"Stop it Aleena! Sarili mo lang ang tinatakot mo. Malay mong carcass lang yan ng mga isda dito sa ilog?" I muttered.  Habang papalapit ako, naaninag ko na kung anong nandon. Tanging liwanag ng buwan lang kasi ang nagsilbing ilaw ko doon.

Damn it. Baka mapahamak ako nito. Think Aleena! Wala ka pa namang saplot sa katawan ngayon!

Umiling ako. "Don't worry. I got this. I didn't learn martial arts for nothing" bulong ko sa sarili ko.

Nang makalapit ako, agad kong napagtanto na hindi ito bagay. Isa itong tao! Mahabaging langit! Bakit may bangkay dito!?

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para maaninag ang mukha niya.

Pag sinuswerte ka nga naman! Mukhang may ulam na ako para ngayong gabi! Napangisi ako. Gusto kong sapakin ang sarili ko ngayon.
"Umayos ka nga Aleena!" I whispered to myself.

Napansin kong humihinga pa siya. I came up with 3 plans on my head.

Plan 1: Pabayaan siya at tumawag nalang ng ambulansiya.

Plan 2: Hihintayin kong magising siya saka ko itatanong kung may maitutulong ba ako.

Plan 3: Dalhin siya sa bahay at gamutin ang sugat niya.

Napailing ako. Plan 1 and 2 isn't good. Pano pag may mga gustong pumatay sa kanya that's why he's in this state?

Pag tumawag ako ng ambulansiya, maaring malaman rin ng mga taong papatay sa kanya na buhay pa siya. Pag naghintay ako ng oras dito baka rin maabutan siya ng mga gustong pumatay sa kanya. It's not impossible.
Kung tatawagan ko naman ang pamilya niya, ako naman ang mapapahamak. I guess plan 3 is better.

Umihip ang malakas na hangin, kasabay non ay ang pagmulat ng mata ng lalaking kaharap ko ngayon.

Kumunot ang noo niya ng makita ako.

"W-who are you?" Pabulong niyang tanong

"Well, I-I'm --" agad akong natigil sa pagsasalita ng magtanong siya ulit.

"W-why are you n-naked?"

Agad namang umakyat sa mukha ko lahat ng dugo ko sa katawan ng tinanong niya iyon.

Di ko napigilan ang sarili kong sapakin siya kaya napangiwi siya ng tumama ang kamao ko sa tiyan niya.

Agad naman siyang nawalan ng malay. Tsk.

I silently cursed. Libo-libong enerhiya ang kinailangan ko ng itinayo ko siya. Ba't ba naman kasi ang bigat-bigat niya?

Hindi ko alam sa kung paano ko siya nadala sa bahay ko ng hindi rin ako nawawalan ng malay.

Nang maihiga ko siya sa kama, agad akong nagsuot ng damit. Mahirap na, baka magising ulit siya.

Nang makita ko siyang nakahiga sa kama, saka ko lang napagtanto that he's such a mess. Ang gulo ng buhok niya. May ilang sugat rin siya sa mukha at katawan.

Kumuha ako ng bimpo at lumapit sa kanya. Bigla akong pinanlamigan ng makita ang dugo na dumadaloy mula sa kanyang ulo.

"Shit. Shit." Nagmadali akong kunin ang cellphone ko at agad na nag dial ng number.

"You have to help me!" Usal ko ng masagot niya ang tawag ko

"Huh?"

"Basta punta ka dito dali! It's an emergency."

"Baka nakakalimutan mong it's 2 am for fsake!" aniya

I sighed. "Fine. Basta first thing in the morning, punta ka dito"

Agad ko naman inendcall ng makita kong bamaling yung ulo siya sa kabila.

Focus Aleena! Remember all the things taught to you when you were a nursing student.

Huminga ako ng malalim bago ko tanggalin ang sapatos niya then next is his polo.

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at isang clean cloth.

---

Napadilat ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Tumayo ako at naghilamos.

Pumasok ako sa guest room para tignan siya.

Halos mapatalon ako ng nakita ko siyang naka upo sa kama habang sinasapo niya ang ulo niya.

"Are you okay?" tanong ko.

Saka lang siya tumingin sakin. Hindi niya siguro ako napansin kanina.

I feel like I was sucked into an abyss the moment his dark brown orbs met mine. Para akong hinihigop ng mga matang iyon. His eyes looked so emotionless. Halos di ako makahinga. I was literally breathless.

Nabalik lang ako sa katinuan ng magtanong siya ulit na kinalaglag ng panga ko.

"Who the hell am I?"

del Guerra Empire Series (Zeus Walter) : Remembering UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon