Chapter 25: Meet her family

2.7K 111 8
                                    

Dedicated to: IcerevineDon

Zyron's POV

Ngayon pala iyong araw na imemeet ko iyong family ni yassie. Sinabi niya din sa akin na wala na daw papa niya mama na lang niya at kapatid iyong kasama niya.

Inayos ko na damit ko.

Im wearing a polo shirt and pants. And also contact lens na din ang gamit ko. Sa kakabasa ko kasi ng libro kaya lumabo mga mata ko.

And finally tapos na akong magayos.

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba ng hagdan.

"Ma alis na po ako"

Sinabi ko na kasi kay mama na may gusto akong babae at ipapakilala niya ako ngayon sa parents niya.

"Kaya mo iyan anak"

"Ma ipapakilala ko din po siya sa inyo"

"Of course anak"

"Sige ma"

Kinuha ko na iyong kotse ko at pinaandar na.

Nanginginig iyong kamay ko. Kinakabahan ako baka di ako gusto ng mama niya.

Andito na ako sa harap ng bahay nila. Simple lang ang bahay nila walang paint pero nakafinishing iyong pader.

Kumatok ako.

*tok *tok *tok

May nagbukas ng pinto. Kinakabahan talaga ako.

"Magandang umaga po"

"Magandang umaga rin" nakakatakot naman mama niya

"Ah nandiyan po ba si yassie"

"Yassie may bisita ka"

"Opo ma"

Nakita ko naman si yassie na lumabas sa kwarto niya ang ganda niya talaga.

"Upo ka muna"sabi ni a

"Upo ka iho" sabi ng mama niya.

"Para sa inyo po" sabi ko tas binigay iyong flowers nakakaba talaga nanginginig pa iyong kamay ko

"Sige maiwan ko muna kayo at maghahanda lang ako ng meryenda"

"Sige po"

Pumunta na ngang kusina ang mama niya.

"Hwag kang kabahan mabait si mama "

"Flowers para sa iyo " sabi ko

"Nakakakaba talaga eh baka di ako gusto ng mama mo" sabi ko ulit

"Think positive salamat pala dito sa bigay mo"

Dala dala na ng mama niya iyong pagkain.

"Ako na po" sabi ko bilang pagtulong

Binigay naman niya ito.

"Nako salamat iho"

"Walang anuman po"

"Ma ipapakilala ko po pala si zyron sa inyo"

"Hello po Ako po pala si Zyron James Lopez Manliligaw po sana ako kay yassie"

"Nako eh mayayamang tao pala ito anak eh"

"Ma?"

"Sige pinapayagan ko kayo pero kapag sinaktan mo ang anak ko magtutuos tayo"

"Ma naman eh tinatakot mo naman siya"

"Naniniguro lang anak"

"Promise po di ko po siya sasaktan"

"O siya sige magmeryenda na kayo"

"Salamat po"

Umalis na mama niya.

Hooooo nakahinga ako ng maluwag. Grabe nakakakaba pala.

"Sabi ko sa iyo mabait si mama eh"

"Mabait nga mama mo"

"Oh kain ka muna gusto mong magtanghalian dito"

"Hindi ok lang naghihintay kasi si mama sa bahay pakilala din kita sa kaniya"

"Btw nasan papa mo?"

"Nasa ibang bansa busy sa work di na nga siya makuwi sa amin eh sorry baka di kita maipapakilala sa kaniya"

"Ok lang hwag ka ng malungkot" sabi niya

"Nako iho ginagawa lang nila ito para sa anak nila para magkaroon ng magandang kinabukasan ang anak nila nagtratrabaho silang mabuti kumakayod habang malakas pa kaya hwag kang magalit sa papa dahil busy siya magpasalamat ka sa kaniya dahil ginagawa niya ito para sa iyo nako magtanghalian ka na dito iho"

"Salamat po sa advice maraming maraming salamat po ulit una na po ako hinihintay po kasi ako ni mama"

"Ipakilala mo din sa akin mama mo ha alagaan mo ang anak" sabi ng mama niya

"Opo promise po punta po kayo bukas birthday po ni mama sige po alis na ako"

"Sige iho itratry ko"

"Ma hatid ko lang po siya"

"Sige anak Magingat ka iho"

"Salamat po"

Hinatid ako ni yassie sa labas. Bukas na bukas ipapakilala ko din siya sa parents ko masaya akong siya ang nagustuhan ko.

Im going to say sorry to my dad thanks to her mom kasi ngayon naintindihan ko na kung bakit siya ganoon.

"Punta ka bukas sa bahay pati na rin pala mama mo at kapatid birthday ni mama bukas punta ka ha sunduin kita"

"Sige"

"Bye sunduin kita 8 bili tayong gift kay mama"

"Sige"

Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na. Ang bait talaga ng mama niya.

*****************************

Musta po iyong update. Ok po ba iyong update ko?

NERDY GIRL MEETS NERDY BOY(BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon