4. Invisibility

83 3 0
                                    

naglalakad ako sa gilid ng kalsada. sa suot ko, mukhang papunta ako ng school namin. pero bigla nalang may lumikong kotse papunta sakin. nabunggo ako. namatay. dumating sina mama at papa. umiiyak si mama. pati na rin si papa. pinapanood ko lang sila. pati ang katawan kong duguan.

Sports Festival. Start na ng Games.

hindi ko alam na naka assign pala ako maging part ng medic team sa Soccer. ang kaso nga lang, kagrupo ko si baekhyun at ang tatalong babae kahapon. ayoko na muna maghanap ng gulo kaya naman kinausap ko ang leader ng medic sa basketball. sa una nag-aalinlangan pa syang isali ako, pero pumayag naman sya agad.

"sino ba yan?" narinig kong nagbubulungan sila sa likod ko.

"kaklase natin yan. yung nakaupo sa gilid sa may likod."

"ahy oo ba? hindi ko napansin."

mas mabuti na yun, at least totoong hindi nya talaga ako napansin. kesa sa ibang taong nagkukunwaring hindi ako nakikita. ahy naku! masasanay din ako no!

"kyyyaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!"

sigawan ang audience ng maka puntos ang juniors. teka nga lang. si ZHANG LAY ba yun?? (O_____O)

"Kyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!"

mas lumakas ang sigawan ng  mga babae ng kumayaw si Zhang Lay sa kanila. grabe. hindi lang pala sya magaling sumayaw, pati na rin sa basketball. package talaga silang lahat.

break time. natapos ang half part ng game.

"ang galing mo talaga lay-ssi!" sabi ng kaklase ko habang binibigay sa kanya ang tubig.

"hehehehe.. hindi naman masyado."

"ang gwapo mo talaga!" sabi naman nung kaklase ko ring iniabot ang towel. ahy? anung konek nun sa game?

"salamat. ^_____^" tiliin sila ng ngumiti sya. ang lalim kasi ng dimple nya at isa yun sa mga physical asset nya.

ako, dito lang sa gilid. nag-aantay na may mainjured. (-___-)

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

"prrrrrrrt!!"

last game na. lamang ng tatlong puntos ang batch namin. magagaling din naman kasi yung sa seniors. SUJU tawag sa kanila. (A/N: ayoko pong ilagay na SUPER JUNIOR. mawawalan ng sense yung pagiging nasa senior year nila HAHA XD)

nasa batch namin ang bola. pinasa dun sa isa. pagkatapos ay dun naman sa isa. ishoshoot na sana nya ng may biglang humarang sa kanya. pinasa nya sa isa. si Zhang Lay. slamdunk ang gagawin nya. naging slow motion ang lahat. pati ako napahigpit hawak ko sa towel sa excitement. tapos bumalik sa normal na motion. at nakita namin sa sahig si Lay. nakadapa. hindi maigalaw ang mga paa.

dahil na rin sa sobrang pagkabigla, nakisunod nalang ako sa pagtakbo ng medics team papunta sa kinalalagyan ni Lay. namimilipit sya sa sakit. namaga yung kanang paa nya. sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko alam kung paanong na sprain sya.

"alis!"

hindi ko namalayang nakatayo lang pala ako dun habang pinapanood si Lay. hindi ko rin naman kasi maigalaw mga paa ko. para bang may biglang sumagi sa isipan ko, habang pinagmamasdan ko sya. masyadong malakas ang pagkakatulak sakin kaya napaupo ako sa sahig. nakalimutan ko rin kung ano iniisip ko kanina. tumayo ako at akmang tutulungan sila ng..

"alis nga sabi! nakakaharang ka sa daan!"

"p-pero.. kagrupo nyo rin ako.."

"pwes hindi ka namin kailangan!"

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

hindi ka namin kelangan!

umuwi ako diretso sa condo pagkatapos ng pangyayaring yun. nakasalubong ko pa nun si baekhyun at tinanong ako kung saan ako galing. bakit daw wala ako sa soccer field. sinabi ko nalang na masama pakiramdam ko kaya dumiretso ako ng clinic. hindi na nya ako tinanong pa, at hinayaan nalang akong umuwi para makapagpahinga.

nag-eecho pa rin sa pandinig ko ang sinabi nila. ang mas nakakabigla pa, nakita ko si Oh Sehun sa taas kung nasaan ang ibang audience. nakangiti sya.

hindi naman siguro dahil sa na injured ang barkada nya diba? sigurado ako dun, kasi sakin sya nakatingin.

bakit ganon? wala naman akong naalalang ginawang masama sa grupo nila ah. sigurado din ako, planado rin yung pangyayari kahapon. imbes na umiyak ako dahil sa sunod sunod na kamalasan ko, napapakunot nalang noo ko. pilit sinosolve ang puzzle, pero wala talaga akong maisip na posibilidad kung bakit ganun sya sakin.

nahiga ako, para maclear utak ko at pag-isipan ulit simula sa simula.

sino ka ba para maging kaibigan sila.

sino ka ba ha? wag kang magsalita na para bang kilala mo ako.

sino ba yan?

na para bang alam mo kung ano nararamdaman ko.

ahy oo ba? hindi ko napansin.

nakakaharang ka sa daan!

 hindi kita kilala.

hindi ka namin kailangan.

pero ito lang ang naiisip ko. ilang segundo pa, umiyak na ako. lahat ng kinikimkim ko, hindi nagtagal, nailabas ko rin.

multo ka, dba.

bakit ko nga ba niloloko sarili ko? invisible nga ako diba. multo ako gaya ng sabi ni baekhyun. 

kaya dapat hindi ako maapektuhan ng sobra. ganyan naman talaga pag multo diba?

hindi nakikita ng ibang tao.

walang pakiramdam sa mga sinasabi at ginagawa ng ibang tao.

walang pakialam sa mundo. palakad lakad lang. walang patutunguhan.

"haay! may i rest in peace! amen!"

nanginginig na sabi ko. mangiyak ngiyak parin kasi ako e.

pagkatapos ng madramang episode. pinahid ko luha ko. naghilamos ako at nagbihis panglabas. ayoko din naman magkulong sa kwarto kaya magpapahangin muna ako.

binuksan ko ang pinto pero parang walang nangyari. nagmukha akong nagbubukas ng invisible door. pero ang alam ko nahawakan ko yung doorknob. tsk. tsk. malabo na ata talaga mata ko.

*second attempt*

huh? grabe naman.. naduduling na rin ata ako. tsk!

*third attempt*

namamalik mata ba ako? dinahan dahan ko ang pag hawak sa doorknob. sinigurado ko ring maayos ang tingin ko. pero..

hindi malabo mata ko.

hindi ako naduduling.

hindi ako namamalik mata at mas lalong hindi ako nananaginip.

hindi ko mahawakan ang pinto. lumulusot ang kamay ko sa doorknob.

AAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!! tuluyan na ba akong naging invisible?????? OMONA!!!!

XOXO Academy: First ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon