Prologue

409 10 1
                                    

nanaginip ako kagabi..

.

.

.

.

isang masamang panaginip.

.

.

.

.

namatay ako.

.

.

.

.

car accident.

.

.

.

.

umiiyak si mama. kahit si papa, unang pagkakataong nakita ko syang umiyak sa harap ko.

.

.

.

.

masakit.

.

.

.

lalo na ang panoorin lang sila.

.

.

.

wala na rin naman akong magagawa.

"catch!"

paglingon ko, wala nakong makita. natatakpan kasi ang mukha ko nang panyo ni BYUN BAEKHYUN. pwede naman kasi ibigay ng maayos para naman kahit papano, maging gentleman sya tingnan. yun nga lang, it's not his style. his style is to bully me. and only me. hindi naman ako ganoon kahirap o kapangitan para ibully nya. sadyang mahal na mahal lang nya talaga ang awayin ako.

pero kaibigan ko yan. simula nung lumipat ako ng High School para sa junior year ko, sya agad yung nagtangkang kausapin ako. at kahit isang buwan na ako dito sa XOXO ACADEMY, hindi pa rin ako kilala kahit na mga kaklase ko. hindi naman ako nerd. mas lalong hindi ako weird. mahiyain lang po talaga ako at hindi friendly.. ohhh~ kaya pala.

"umiiyak ka na naman."

"hindi ako umiiyak. lumuluha ako."

"weh? ung panaginip mo na naman ano?"

hindi ko yun panaginip kagabi. gabi-gabi napapanaginipan ko yun. paulit ulit nalang. walang labis walang kulang. di ko rin maiwasan ang maiyak pagkagising ko kahit sanay na ako. kapag naaalala ko yun, kapag naaalala ko ang mukha nina mama at papa, sumisikip dibdib ko at hindi ko namamalayang, umiiyak na naman ako.

nagsimula yun nung iniwan ako nina mama sa bahay para sa isang business project sa America. ako na ako lang talaga naiwan sa bahay namin. ni anino ng daga hindi makita. bagong lipat din kami kaya wala ako masyadong kakilala sa mga kapit bahay namin. isang buwan mahigit na rin un, kaya siguro palagi akong nananaginip ng masama. nakakalungkot talaga mag-isa.

"dun ka nalang kasi sa bahay tumira. gusto mo tabi pa tayo sa pagtulog. sigurado akong magiging maganda ang panaginip mo." sabi nyang nakangisi.

"manyak ka talaga."

"matagal na babes." sabay kindat na nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko.

"ba't ka ngumingiti? siguro iniimagine mo na ung mga gabi natin nuuu? ayiiiii!"

pinulot ko ang pinakamalapit na malaking bato na makukuha ko at ibinato sa kanya sabay sabi ng baliw.

"aray! bat ka ba kasi ngumingiti?! pinapaasa mo tuloy ako." hindi sya nalulungkot o nasasaktan okay? naka evil smile po sya.

"wala.. masaya lang ako kasi nakilala kita. kahit may pagkamanyak at baliw ka, nagpapasalamat pa rin ako. kung hindi dahil sa'yo siguro hindi ako nagtagal dito. walang gustong kumausap sakin kundi ikaw lang kaya nagpapasalamat din ako dun kasi kinaibigan mo ako."

nakangiti ako and everything habang nagpapasalamat ako for the first time sa kanya habang sya, expressionless. napakaseryoso.

"may nakakalimutan ka ata.."

"baek..?"

"multo ka, hindi ba?"

XOXO Academy: First ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon