1. The First Class

130 5 0
                                    

tinakbo ko ang third floor ng building ng school namin para lang makipaghabulan sa orasan. nakalimutan ko kasi na may subject pa kami pagkatapos ng lunch break dahil kay baek. inaaway na naman kasi ako! anlakas magbiro! multo daw ako?! kinabahan tuloy ako. akala ko pa naman totoo since wala ngang gustong makipagusap sakin as if i were invicible.

pagdating ko ng classroom, wala pa naman teacher namin. pagkaupo ko saka din sya dumating. phew! buti nalang. may araw talaga sakin yang byun baekhyun na yan! g r r r!

"attendance. Byun Baekhyun."

"present!"

bigla akong napalingon sa likod ko pagkarinig ko nang boses nya. hindi ko namalayang andito na pala sya. pagkakaalam ko hindi sya umalis sa kintatayuan nya nung bigla akong tumakbo papunta dito. di ko siguro namalayan sa sobrang pagmamadali. mas mukha pa nga syang multo e! bigla biglang susulpot!

BYUN BAEKHYUN. kilala nyo na sya.

"Do Kyungsoo."

"present!"

DO KYUNGSOO. pinakacute. maliit kasi sya kumpara sa mga naunang natawag. pero wag na wag nyong gagamitin ang "cute" na word. mas gusto nyang tawagin syang "handsome" ok? isa sa mga asset nya ang mata nya.

"Huang ZiTao."

"may praktis daw po sila mam kaya hindi sya makakapasok."

HUANG ZI TAO. magaling sa martial arts. kaya sya absent ngaun kasi malapit na ang sports tournament ng school namin. sya ang representative.

"Kim Jong Dae."

"absent! joke."

KIM JONG DAE. ang joker ng klase. hindi sa magaling syang magjoke o mga havey ang joke nya.. sadyang may pagkasinungaling lang talaga sya. trending din ang pangalan nya sa oras ng kalokohan. pag may gusto kang pagtripan, o mangchika ng hindi naman totoo. JongDae ang tawag dun.

"Kim Jong In."

"present."

nakarinig ako ng konting ingay sa right side ko pagkasabing present ni Jong In. paglingon ko, ung tatlo babae nakatitig kay Jong In.

KIM JONG IN. maitim man ang kulay, heartthrob pa rin. bow.

"Kim Minseok."

"present po!"

KIM MINSEOK. soccer player-slash-siopao ng klase. soft and fluffy kasi yung cheeks nya, sabi nila. ang alam ko may praktis din sila ngaun e. ewan kung bakit nasa classroom yan.

"Kim Suho."

"present!"

KIM SUHO. ang class president namin. matalino. mayaman. kagwapuhan. un nga lang kulang sa height.

"Oh Sehun."

"andito po!"

"english please."

nag aalinlangan pa si Sehun nun e kaso wala syang magagawa. nakakatakot dn kasi si Ms. Lee minsan.

"presthent.." mahinang sabi ni Sehun pero dinig na dinig pa din. humahagikgik ang klase dahil dun. pinatahimik dn naman sila ni Ms. Lee. kawawang thehun.

OH SEHUN. hirap sambitin ang letter "S"

"Park Chanyeol."

"wala pa po.."

"asan daw?" tanong ni teacher.

".............."

PARK CHANYEOL. pinakamatangkad. crush na crush nya si Dara na isang Senior. hula ko nang-iistalk na naman un.

XOXO Academy: First ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon