INTRODUCTION muna.

10 1 0
                                    

Kung gusto mo nang sagot sa mga tanong mo, susubukan kong matulungan ka. Hindi ko piniprisinta ng 100% ang babasahing ito dahil alam ko namang walang perpekto. Ang mga bagay na sa tingin ko ay sapat na, maaaring para sayo ay hindi pa pala.

Pagkat bilang tao ay nilalang tayong magkakaiba. Maaaring magkalapit ngunit hindi magkatulad. May kanya-kanyang katangian ang bawat indibidwal. Katangiang para sayo lamang nakalaan.

Pag hindi mo nagustuhan ay maaari mo naman itong sarhan at di na muling buksan pa. Walang pumipilit sayo. Maaari mong gamitin ang iyong karapatang pantao; ang karapatang mamili.

Hindi ako kasing galing ng mga manunulat na kilala mo. Isa lamang akong tipikal na baguhan at walang ni katiting na espesyal sa akin.

Para sa aking pananaw lamang kaya't huwag nyo po akong husgahan. Wag kang susugal sa larong sa simula palang alam mo ng talo ka. Para ka nadin nag exam kahit alam mong nasa class card mo na ang kulay pula.

Mayroon akong pitong senaryo na pawang kathang isip ko lamang na ibinase ko sa realidad. Mga pangyayaring maaaring pinagdaanan, pinagdadaanan o pagdadaanan mo.

Sawi sa pag ibig? Gumising kayo. Mahaba pa ang laban ng buhay para lamang magmukmok sa isang sulok at gugulin ang mga panahon mo sa walang kwentang kalumbayan ng dahil lamang sa taong nang iwan sayo.

Wag mong hayaan na maging miserable ka habang sya ay nagsasaya. Matuto kang tumayo at talikdan ang pagkatalo. Umiyak ka? Oo sige, pero siguraduhin mong iyon na ang huli at hindi kana kailanman magsasayang ng luha ng dahil sa kanya.

Wag mo syang bigyan ng dahilan para pagtawanan ka.

Ang pag-ibig ang pinakamasakit laro at emosyon ang pinakabulok at madayang manlalaro.

Bucket?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon