Ipinagpalit ako sa mas maganda pa ako.

27 0 0
                                    

Unang tanong:

Meron po akong ex-girlfriend at sobrang kapal po nang mukha nya. Mahal na mahal ko po sya at umabot sa puntong kinalimutan ko po yung salitang dignidad at talagang hinabol ko po sya. Pero alam nyo po ba kung ano yung mas masakit? Pagkatapos nya po akong ibreak sa diko malamang dahilan pinagpalit nya po agad ako sa lalaking mukhang alien na may walong mata. Hindi po sa bitter ako nagsasabi lang ako ng totoo. Masakit lang po sa pride na ipagpalit sa mas gwapo pa ako. Ano pong dapat kong gawin?

ANSWER:

Move on. Di sya worth it kaya kalma ka lang. Tiwala lang pre! On the way na yung para sayo. Aso lang ang naghahabol. Aso ka ba?

Pangalawang tanong:

Nahuli ko pong may kabit yung boyfriend ko. Masakit po sobra. Pero may mas sasakit pa po pala dun, kasi nung pinapili ko sya kung ako o yung babaeng mukhang clown ay mas pinili nya pa po yung kapatid ni Joker. Ano pong dapat kong gawin?

ANSWER:

Malay mo naghahanda sya para sa birthday party. Hayaan mo sya. Magpaganda ka (lalo) at ipakita mo sa kanya kung ano ang sinayang nya.

POINT OF VIEW:

Likas sa tao ang pagiging mapanghusga lalo na pag agrabyado sya. Ayaw magpatalo at magmukhang mahina lalo na kung kasing panget ni Kokey ang karibal nya.

Hindi porket nakamove on na yung ex mo at ikaw ay naka-stock parin sa nakaraan, ay may karapatan ka ng manlait. Kasalanan mo naman yun eh. Try to evaluate yourself, di porket ikaw ang iniwan sya na agad ang may kasalanan.

May pagkukulang sya, may pagkukulang kayong dalawa. Kasi nga sa pag-ibig, dalawang tao ang nagpapatakbo nyan. Hindi pwedeng isa lang, dahil sa bawat desisyon may parte at ambag ang opinyon ng kapareha.

Mas maganda ka? Ang tanong, sigurado ka ba? Ang tao pag nasasaktan lahat ng nakikita nya panget lalo na yung taong dahilan kung bakit ganun yung nararamdaman nya.

May kanya kanyang ganda tayong taglay kasi nga nilikha tayo ayon sa wangis ng Panginoon ngunit di kasing perpekto Nya. Kaya bago ka manghusga humarap ka muna sa salamin.

Perpekto ka ba? Malaki nga ang ilong nya, sarat ka naman. Duling sya, kirat ka naman. May kanya-kanya nga tayong kapintasan kaya wag kang mag maganda.

Kung napatunayan mo ngang mas maganda ka edi congrats men!!

Kaya lang baka sadyang di sya tumitingin sa itsura kaya ayaw nya sayo. Baka ayaw nya ng pang Ms. Universe at gusto nya lang Ms. Under world.

Maghanap ka nalang ng iba, yung maa-appreciate yung kagandahan mo. May mga indigenous parin naman kasi na tao na sa panloob na ugali parin (daw) tumitingin. Mabuhay sila diba? Edi wow!!! Pero wag kayo mag-alala saludo parin ako sa inyo (kung totoo man).

Kasi nga sa pagmamahal, di lahat ng tao sa mukha nakatingin. May mga tao padin na mas mahalaga sa kanila yung katawan este ugali pala.

Wag mo nalang laitin yung bago nya kahit kalait-lait man, matuto kang magpigil para di kana magkasala pa. Wag kang gumanti, dahil pag gumanti ka ibig sabihin tinanggap mo ng talo ka. Hayaan mo lang syang manghinayang sa pagkawala mo.

Ito nalang isipin mo: Niligtas ka ng Diyos sa tiyak na kapahamakan at kabiguan, dahil di magwo-work yung relasyon nyo kasi nga di sya yung para sayo. Imulat mo yung malalaking mata mo. Igala mo ang paningin at ialis ang focus sa taong dahilan kung bakit ka nasasaktan.

Hindi ang kagandahan at kagwapuhan mo ang kukumpleto sa buhay nya. Di ka sapat para sa kanya kaya please lang magtumigil kana. Wag mo ng ipagsisikan yung sarili mo sa kanya, bagkus ay humanap kana ng iba at mag move on ka.

Wag kang magpaapekto kung panget man ang pinili o ipinagpalit sayo. Una sa lahat, anong pakelam mo? Wala ka ng ganap sa buhay nya.

Pangalawa, nabibilang kana sa nakaraan nya kaya wala ng halaga ang opinyon at damdamin mo para sa kanya.

Pangatlo, akala ko ba lamang ka sa bago nya? Bakit naghahabol ka? Oo sige na, dedepensa ka. Pag maganda at gwapo wala na agad karapatan maghabol? Di naman sa ganun pero kasi para sakin pag maganda o gwapo ka may dignindad ka. May mukha kang iniingatan at pinapahalagahang mapahiya.

Wag mong ibaba ang lebel mo sa mga taong halos nagpapakamatay na para lang balikan sila. Nakakahiya ang mga taong ganun.

Ang panget ay para sa panget din. Para makamove on ka, subukan mo rin maging bitter pero wag mong sagarin, yung tama lang. Effective sya. Sabi nga ni Ramon Baustista “Reverse Bittering”. Kung may sapak ka naman sa utak, sundin mo si Andrew E. “humanap ka ng panget at ibigin mong tunay” para quits kayo diba?

Masakit pa sa ngayon pero tatawanan mo nalang to pagdating ng panahon. Totoo yun, at saka tiwala lang. Dadating din yung tamang tao para sayo, yung dika ipagpapalit kahit kanino lalo na sa panget. Hintay lang kay FOREVER21.

Personal Experience:

Ipagpalit sa panget ? diko pa nararanasan at ayoko ring maranasan dahil base sa kwento ng mga kaibigan kong batikan na sa ganung senaryo ay sobrang sakit daw.

Sa crush ko, oo naranasan ko na pala yun. Mas lamang ako dun sa nililigawan nya, pero anong magagawa ko. Hindi naman ako ang gusto nya, alangan naman pigilan ko sya, eh ni existence ko nga ata sa mundong ibabaw di nya alam.

Araw araw nakikita ko kung pano sila tuksuhin ng mga kamag-aral namin. At kung gano naman sila kasaya sa pangyayari na yun. Dakilang martir? Present!

Ayokong ako ang maging dahilan para mapawi ang matatamis na ngiti sa kanyang labi kaya tinigilan ko na sya hanggang maaga pa. “Prevention is better than cure”

Ayoko narin na masaktan pa ng tuluyan ang puso ko kaya hanggang may pagkakataon pang mag back out ay ginawa ko na. Durog na durog ako? Oo, ultimate crush ko lang naman sya. Pero hindi siguro talaga kami ang para sa isa’t isa.

Alam mo ba yung feeling na nasasaktan ka nya ng di nya alam? Yun mismo ang nararamdaman ko ngayon. Di naman naging kayo pero kelangan mo mag move on. Saklap diba? At ang mas mabigat pa di manlang ako nagkaron ng pagkakataon para umamin sa kanya. Ayan tuloy ang dami kong what ifs sa utak. Haist.

Masakit na alam mong lamang ka pero sya parin ang pinili nya. Isang malaking sampal diba? Pero ok lang yan. Move on na tayo.

Kung talagang gusto nila ang isa’t isa ay pakawalan mo na, wag mong hayaan na ikaw pa ang maging kontrabida sa love story nila.

Bucket?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon