Unang tanong:
Nakaraming boy friend na po ako pero hindi ko mahanap yung true love na sinasabi nila kaya ang ending ayun, lahat ng mga past relationship ko failed. May mali po ba sakin? Ano po yun para mabago ko. Inaasahan ko po ang tugon nyo. Salamat po.
ANSWER:
Sa tingin ko lahat ay mali hahahahaha. Mali ka, mali sya, mali yung sitwasyon, mali yung oras at mali ang puso’t isip nyo pareho.
Dalawa yung tingin kong mali (1) baka nililimitahan mo yung sarili mo, o (2) madami kang expectation sa kanya kumbaga may criteria kana. Pag di nya nameet yung isang basihan mo iniiwan mo na agad kasi sa tingin mo hindi sya yun kasi nga di nya nagawa yung gusto mo. Eto lang masasabi ko, walang perpektong tao.
Pangalawang tanong:
Meron po ako ngayong girlfriend. 5yrs na kami. Masasabi ko po bang sya na ang true love ko? Na sya na ang destiny ko?
ANSWER:
Hindi ikaw ni ako ang makakapagsabi kung sya na talaga, kundi si Lord lang. No one knows but God ika nga. Pero kung nararamdaman mong sya na ang binigay para sayo edi sya na- sana lang nga ay tama yung pakiramdam mo.
POINT OF VIEW:
Mahahanap mo rin ang tamang tao para sayo sa tamang panahon. Di kasi lahat ng bagay pabilisan.
Matuto kang maghintay at wag magmadali. Sabi nga ng karamihan “Ang bagay na mabilis makuha ay mabilis din mawawala sayo.”
Pero alam mo ba ang sagot ko dyan? Malamang hindi diba? Pero ito sige na. Para sakin, ang mga bagay na mabilis mo makuha ay depende sayo kung gaano katagal mawala kasi nasa pagpapahalaga mo yan.
Life is a matter of choice, paulit ulit nalang ako. Pero totoo nga, kung anong pinili mo, panindigan mo.
Medyo nalalayo na tayo diba? Haha gusto ko lang ipasok, na ako yung tipo ng tao na hindi naniniwala sa ligaw.
Malandi? Hindi rin, sadyang alam ko lang ang kalakaran ng mga lalaki. Mga best foot forward sila, mga pakitang tao lang. Pagkaharap mo kinabog pa si Mr. Dream boy pero pag nakatalikod di mo na pala makilala.
Mga uto utong Maria Clara na kinikilig naman ang mga babae. Yun lang, nailaban ko pa yun diba? Haha, sigurista ako? Siguro.
Ok mabalik tayo.
Madaling maghanap ng boy friend o girl friend, pwede kang humatak sa tabi tabi ng kung sino at sabihing kayo na. Ang mahirap lang ay patagalin kung anong meron kayo.
Yes, katulad nga ng sinabi ko: Nasa pagdadala yan ng dalawang tao kung paano tatakbo ang kanilang relasyon.
Wag kang pumasok sa relasyon kundi ka sigurado o naninigurado ka lang. Magulo ba? Dapat yung sakto lang.Kasi kung alam mong masasaktan ka bakit jojowain mo pa sya diba? Kung alam mo naman na hindi sya yung hinahanap mo bakit papatulan mo pa? Para ano lang? Para saktan sya? Wag ganun boy!! Tao rin yan, nasasaktan pag naloloko at napaglalaruan.
Haist ang gulo ko na. Nalalayo na tayo sa tamang topic. Humuhugot lang talaga ko.
Ganon ang magic ng pag-ibig, kahit di nya sabihin sayo mararamdaman mo. Walang bibig ang puso pero meron silang mutual understanding.
Minsan nga mas magaling pang umindi ang puso kesa utak. Kase sa puso isasa-alang alang mo rin yung damdamin ng iba, kung may masasaktan at maapakan ka.
Pero pag utak na ang pinag usapan madalas pansarili na lamang. Di porket pinana ka ni Kupido ibig sabihin sya na agad yun. Malay mo, kasangkapan lang pala sya para mas tumatag at tumibay ka. Wag kang atat.
Maigi nang mabigo ka nang may ginawa ka kesa mabigo ka nang nakanganga ka. At least alam mo sa sarili mo na may ginawa ka-na sumugal ka. Hindi ka naging Juan Tamad na naghihintay lang na bumagsak ang bunga ng mangga.
Ang paghahanap ng true love, wala namang kasiguraduhan yan eh. Para kang nagpray pero dimo alam kung tutuparin ba ni Lord yung pinagpray mo kasi nga di ka rin sigurado kung para sayo ba talaga yon?
Siguro yung paghahanap sa true love ay isa rin sa misyon nating mga tao. Dahil sa bilyong tao sa mundo pilit mong hahanapin kung sino sa mga yon ang nakatadhana sayo. Wala kang clue.
Pag ang taong gusto mo ay gusto kadin edi wala ng thrill ang buhay. Mawawala ang rainbow at babalik sa black and white ang boring mong buhay.
Hindi naman kasi pwede na kung sino nalang ang nagmamahalan mula una ay sila nadin hanggang huli.
Ang panget naman non diba? Kasi kung mula una alam mong sya na talaga edi nakafocus kana sa kanya. Hindi mo na magagawang tumingin pa sa iba kasi alam kong sya na ang para sayo.
In short maaga kang matatali. Mawawalan din tayo ng maraming experience. Siguro di natin mararanasan ang maraming broken heart na syang nagpapatatag sa mga tao.
Hindi susi ang pagmamadali sa tunay na pag ibig. Kasi hindi ito hinahanap kundi hinihintay. Hihintayin mo ang taong pinili ng Diyos na maging kapareha mo sa buong buhay mo.
Pag dumating yung tao na yon. Wala ka ng hahanapin pa. Masasabi mo nalang na she's/he's the one.
Mapapaclap nalang yung pilik mata mo kasi alam mo sa sarili mong si Lord ang nagbigay sa kanya kaya masaktan ka man alam mong mas marami mo yong saya.
Pero kung pasaway ka at di marunong maghintay, edi sige go! Isugal mo yung kaawa awa mong puso. Push mo yan teh! Pag umiyak ka bahala ka. Basta ako sinabihan kita.
Personal Experience:
Wala pa sa isip kong maghanap ng true love kasi alam kong darating sya. Kusa syang darating pagtama na ang lahat.
Sa tamang oras, tamang panahon at tamang tao.
Pero bago sya dumating kelangan ko munang ayusin ang magulo kong buhay. Para pag dumating sya wala na kaming ibang gagawin kundi magmahalan at mamroblema ng konti paminsan minsan.
Kasi ang problema di na mawawala sa tao. Parang ito na ang kambal natin mula ng isilang tayo dito sa magulong mundo.
Nakakahiya naman kasi kung dumating si Mr.Right na ang gulo gulo ng dadatnan nya diba?
Sa paanong paraan kaya sya darating? Mala telenovela o horror ba? Hahaha. Willing ako maghintay para sayo kasi alam kong worth it ka.
Hay! Baby destiny dumating kana.
BINABASA MO ANG
Bucket?
Short StoryMaraming bagay na gusto mo pero di mo makuha. At may mga bagay naman na ayaw mo pero pilit binibigay sayo. May mga tanong na walang sagot. At may mga sagot na walang tanong.