Di ako makamove on.

21 0 0
                                    

Unang tanong;

Napakahirap po kalimutan ni first love lalo na po kasi totoong minahal ko sya. Sa kanya ko po naranasan lahat ng una. Medyo matagal na rin po ang nakalipas, akala ko po nakamove on na ako pero di pa po pala. Kasi nung nagkita kami ulit nabuhay po yung damdamin na akala ko matagal ng patay. Nahihirapan po ako kasi sa tingin ko back to square one nanaman ako. Ano po ba ang maipapayo nyo sakin?

ANSWER:

Sabi nga sa kanta ng EHeads “Marami ang namamatay sa maling akala”. First love never dies, utot mo. Tao nga namamatay yung first love pa kaya na yan? Traydor mo ngang kaibigan madaling makalimot puso mo pa kayang duguan? Tiwala lang. Makakalimot ka din matuto ka lang tumingin sa harap at wag sa likod.

Ikalawang tanong:

Marami na po kaming nabuong plano. Ayos na po ang lahat pero namatay sya. Sobrang sakit po. Pwede nyo po ba akong tulungan na mawala na po yung sakit sa puso ko kasi parang diko na po kaya eh.

ANSWER:

Unang una sa lahat gusto kong sabihin ay condolence, magpakatatag ka. Walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo. Matuto ka din tumawag kay Lord di ka mabibigo. May mas magandang plano pa ang nakasulat para sa buhay mo. Pagsubok lang to upang mas mahubog ka para sa hinaharap. Ika nga “There’s a rainbow always after the rain” Cheer up!!

POINT OF VIEW

Pwede bang wag na nating pag usapan pag ex na? Ex na nga diba? Ibig sabihin tapos na kaya bakit ka pa mag aaksaya ng oras at panahon mo para sa walang kwentang ex na yan?

Ang mga taong hindi na parte ng buhay mo tantanan mo. Pero sige dahil gusto nyo at mapilit kayo ituloy natin to.

Ang mga taong nabubuhay sa nakaraan ay hinding hindi mabubuhay sa kasalukuyan. It’s all in the past and if it’s hunting you, problema mo na yun kase hinahayaan mo. “Life is a matter of choice” wag mong hayaan na malugi ka sa laban ng buhay.

“Time machine” yan ang hinihiling ng karamihan. Ngunit para san pa? para itama kunware yung pagkakamali mo? Wag na uy.

Binigyan kana ng chance pero iba ang ginawa mo kaya harapin mo kung ano man ang consequence nun ngayon. “Once is enough, two is too much, three is dangerous” ika nga nila.

Second chance? Oo lahat ng tao may karapatan para dyan pero diba para san pa? Para masaktan ka lang ulit? Para ulitin lang yung sakit? Kasi kahit anong gawin mo, pag nag fail na yung unang attempt kahit bigyan ka ng second chance may lamat na. Kumbaga sa percentage 25-75 nalang ang labanan. 25% ang tiwala sayo ng partner mo at 75% naman na ang takot nya na masaktan ulit ng dahil sayo.

Masakit na yung taong dating lahat ng oras nya na sayo pero ngayon wala ka nalang. Nasasaktan ka kasi kagagawan mo din. Hinayaan mong masaktan ka.

Feelings is a choice. At yun ang pinli mo, oo di mo maiiwasan masaktan pero pinili mong magpalamon sa sakit na yan. Nagpaapekto ka masyado.

Hindi ako naniniwala sa break up na hindi kayang panindigan. Sige sabihin na natin na hindi ikaw ang nakipagbreak, pero pumayag ka. Katulad nga ng sinabi ko dun sa “Pinagpalit ako sa panget” ang relasyon ay binubuo ng dalawang tao.
Wala kang karapatang umiyak kung wala ka namang ginawa para manatili sya.

Sa pagmomove-on, dapat tinutulungan mo rin yung sarili mo di yung puro ka reklamo. Wala naman kasi ibang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw lang eh.

Kahit anong ngawa ng ibang tao sayo kundi ka marunong makinig, kumabaga pasok sa isang tenga labas sa kabila, wala lang din kwenta diba?

Wag mo naman ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Please lang pakawalan mo na yung sarili mo kasi ikaw lang din ang mahihirapan.

Di mo malalaman kung kaya mo ang isang bagay kung dimo susubukan. Kaya mo naman syang kalimutan kung gugustuhin mo lang. Tulungan mo ang sarili mo para dikana kaawan ng ibang tao.

Dimo malalaman ang halaga ng isang bagay o tao kundi sya mawawala sayo. Kalokohan. Edi sana kung nung una palang nag umayos kana edi hindi ka ginagambala ni pagsisisi diba? Gaano nga ba katangkad si pagsisisi kaya laging nasa huli? Try mo sya ilagay sa unahan kundi ka tawaging joker diba?

Pero walang halong biro. Lahat ng desisyon mo pag isipan mo muna, malaki man yan o maliit kasi di natin alam kung gaano kalaki ang impact nun sa future natin.

Kundi mo nararanasan masaktan dimo maiisip na hanapin ang tunay na kaligayahan. Tama naman diba? Hindi kana maghahangad ng kahit ano pa pag kuntento at masaya kana.

Di mo malalaman na hindi pa pala talaga sya yung para sayo kung hindi ka nya nasaktan kaya dapat ka padin magpasalamat sa kanya kahit pano.

Walang taong nagiging tunay na masaya ng hindi nararanasan ang tunay na sakit. Lahat ng tao nasasaktan kahit gaano pa kaganda at kagwapo narereject din sila. Magkaibang dahilan at paraan nga lang pero kahit na. Normal lang sa tao ang masaktan. You can’t avoid pain.

“Bakit ganun? Kung kelan mahal mo ko di ako ready pag ok nako wala kana.” Yan ang dialogue ng mga tanga. Oo tanga sila kasi nagpabebe sila tapos ngayon wala na hahabol habol sila.

Ang pabebe kasi nasa lugar yan. Di sa lahat ng oras at panahon nakikipaglaro ang pag-ibig sa mga pabebe. Siguraduhin mong hahabulin ka di yung manghihinayang ka. Utak men!!! Nasayo na noon pinakawalan mo pa. At sabi ko nga, NOON kaya wala ka ng karapatan ngayon.

Babalikan mo pero ang tanong, asan sya? Ayun masaya na sa iba. Ikaw kumusta kana? Eto ngayon nganga.
Once something, now strangers with memories. Sabi nga ng Parokya ni Edgar “Sayang ako’y nanghihinayang kasi naman tatanga tanga ako noon.”

Personal Experience:

Hindi ko pa kasi nararanasang magmahal ng sobra kaya hindi ko padin masyadong naiintindihan yung mga taong kinukulong ang kanilang sarili sa nakaraan.

Pero naranasan ko ng maiwan, maiwan ng taong pinaka-kailangan ko, ng taong dapat kasama ko sa bawat achievement at pagbagsak ko. Iniwan kami ng papa ko, oo bilang ako sa mga wasak na pamilya.

Masakit syempre, halos gabi gabi din ako umiiyak yun. Pero alam mo ba? 5yrs na syang wala sa pamilya namin, still alive ang kicking padin naman kami. Lihim na umiiyak ang bawat isa pero ganun talaga eh. Kasama sa buhay yun.

Walang problema na ibinibigay ang Diyos na hindi kaya ng tao. Kelangan nyo lang magtulungan para makaya nyo.

Madaling magpanggap na masaya ka sa harap ng iba pero pag mag  isa ka nalang di mo maiiwasang mag-emo.

Sa pagmumunimuni ko naisip ko na time’s up! Pagod na akog masaktan kaya ayoko na. Gusto mo bang malaman kung ano yung mga step na ginamit ko? Malay mo makatulong din sayo diba? Nagbabakasakali lang naman.

Una: Pagtanggap, kausapin mo yung sarili mo na wala na talaga at tumigil na sa pag-asa. “God give His hardest battle to His strongest army” sabi nga ng iba. Di lang naman ikaw ang may ganyang problema sa mundo, madami kayo pero kinakaya nila, eh ikaw magpapatalo ka ba?

Pangalawa: Pagpapatawad, wag mong ikulong ang sarili mo sa galit kasi ikaw lang din ang mahihirapan. Huwag kang mamuhay sa galit, wag mong sirain ang buhay mo ng dahil sa galit. “Mapupunta sa impyerno ang mga taong hindi marunong magpatawad” sabi nga sa Bibliya. Choose your fate pare! May pagkakataon pa para bawiin kahit pano ang mga araw ng pagluluksa mo.

Pangatlo: Pagngiti, masyadong malawak ang mundo, maraming pagsubok pa ang naghihintay sayo ngunit kung sa una pa lamang ay sumusuko kana pano mo pa mararating ang finish line? Sa buhay no cheating! Mahirap magshort cut kailangan mo talagang pagdaan lahat ng pagsubok. Pero isipin mo nalang yung championship belt na naghihintay sayo sa dulo.

Tulungan mo ang sarili mo, talikuran ang nakaraan. Maraming tao ang nahirapan magmove on pero kinaya nila kaya sana kayaanin mo din. Malakas ka diba?

Bucket?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon