Gab's point of view
Nandito ako ngayon sa library at tinuturuan ko si Chloe tungkol sa mga nakaraang lessons namin. Madali lang naman siyang turuan.
Pagkatapos ko siyang turuan ay dumiretso na kami sa classroom. Dumating na si Sir at nagsimula na rin ang quiz..
Finally Chloe got a perfect score. Magaling naman kasi siya at madaling turuan kaso di lang siya nagfofocus. Laging hawak yung phone laging may katext kaya nawawala sa focus..
"Ate! I got a perfect score , thank you! Dahil jan ililibre kita kahit anong gusto mo.",natutuwang sabi niya..
Talaga?? Libre?? Kahit anong gusto ko?? Really?? Ano tatanggapin ko ba?? Nakakahiya naman eh pero may pinag - iipunan akong libro eh na matagal ko nang gustong mabili. Sayang naman kaya sige kunin nanatin yung offer niya. Minsan lang magkaroon ng kaibigan na ganyan.
"Sige"
Pumunta kami sa canteen at umorder na. Sandwich lang at juice ang akin nakakahiya naman kasi.
"Ate sigurado ka yan lang sayo?? Kung may gusto kapa order kalang",sambit niya
"No thank you",sagot ko..
Nakakabusog yung sandwich na kinain ko grabe sobrang sarap. Yum!
Tumingin ako sa orasan at oras na ng next class namin. Tiningnan ko si Chloe nakababad nanaman sa phone niya at tumatawang mag-isa."Ehem! Chloe baka naalala mo may klase pa tayo. Halika na at baka mahuli pa tayo",sabi ko..
"Ate? May sinasabi ka??",pagtatanong niya..
"May pasok pa tayo ano kaba halika na at malalate na tayo",pagsagot ko..
Naku itong si Chloe talaga kung pwede ko lang kunin yung phone niya at sirain ko ito. Gagawin ko para makapagfocus na siya sa studies niya..
Tumakbo nalang kami at baka malate kami. Finally andito na kami thank God at wala pa ang aming teacher. Umupo nalang ako sa tabi ni Chloe.
Napansin ko nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na nakikita si Roxy. Ano na kayang nangyari sa kanya??
Baka busy lang siya. Pero mamaya ay hahanapin ko siya para kumustahin..Nagsimula na ang klase namin at as usual andali nito para sakin. Tiningnan ko si Chloe at kitang kita ko ang mga pumupungay niyang mga mata. Siguro puyat ito kakacellphone. Sa tingin ko nga di niya na ito binibitawan.
Natapos ang aming klase at lumabas na ako. Si Chloe ay nagpaalam na may pupuntahan daw kaya hindi kami sabay na uuwi. Habang naglalakad ako papunta sa gate ay nakasalubong ko si Roxy na maraming dala dalang papeles. Naku ang hirap sigurong maging secretary lalo na kung si Mr. Pathetic Boy pa ang president.
Kitang kita na kanyang mga mata na pagod na siya. Kaya nilapitan ko siya para tulungan.
"Need help?",pagtatanong ko..
"No I can handle this by myself",sagot niya.
Naku nag-inarte pa..
"Halika na at tutulungan kita para makapagpahinga ka na din",sambit ko.
"Sige na nga",naiinis na sambit niya..
Kinuha ko ang ilan sa mga papel na hawak niya. Grabe ang bigat ng mga ito. Paano niya nakakayang buhatin ito?? Habang naglalakad kami ay kita ko na kay Roxy ang pagod niya. Pagod na talaga siya. Kaya kinuha ko pa ang iba pang papel na hawak niya.
"Thank you",ang narinig ko.
"Wala yun oh andito na pala tayo sige pumasok kana at susunod nako",sambit ko.
Pumasok ako sa SSG Office at nakita kong nakaupo si Mr. Pathetic Boy sa kanyang silya nakita ko rin ang pagkabigla niya nang makita si Roxy na hinang hina.
"Hey nerd what did you do to my sister??",galit na sabi niya nakatingin sakin.
Naku talagang napakapathetic talaga nitong lalaking to ako na nga ang tumulong ako pa ang masama..
"Kuya its not her fault, its your fault pinagbuhat mo ba naman ako ng pagkadaming papeles. Buti nga at nandyan si Gab para tulungan ko",galit na sabi ni Roxy..
"Ah ako ba may kasalanan?",natatawang sabi ni Mr. Pathetic at sabay kamot sa kanyang batok.
Aalis na sana ako ng bigla akong harangin ni Mr. Pathetic.
"What??",tanong ko..
"Sa oras na malaman kong may ginagawa kang kabaliwan at damay dito ang kapatid ko. Lagot ka sakin",pagbabanta niya sakin..
Ako pa talagang pinagbantaan niya huh. Napakapathetic talaga pasalamat siya at presidente siya nang school kung hindi kanina ko pa siya sinapak.
Nagpaalam na ako kay Roxy na nakahiga at hingal na hingal. Lumabas na ako ng SSG office at naglakad na pauwi.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Kelly. Hindi ko siya binalingan ng tingin pinapatuloy ko ang paglalakad ng bigla niyang hawakan ang braso ko.
"Anong nangyari sayo?? Mukhang pagod na pagod ka?",nag-aalalang tanong niya..
"Bakit ba ano bang pakialam mo huh??", naiiritang tanong ko.
"Bahala ka na nga diyan",naiiritang sambit niya..
Ano bang pakialam niya?? Ugh baliw talaga yung kelly na yun. Napakamisteryoso..
Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad at bigla kong naalala konti nalang pala ang stocks nung librong gusto ko ngayon kasi ang araw ng pagrelease nila at baka maubusan nako nun. Nagmadali akong maglakad. Finally andito nako sa bahay nagmano ako kay mama at dali daling pumasok sa aking kwarto at nagbihis na kinuha ko ang aking natitirang pera at bumaba na para mag abang ng jeep..
Sa wakas at nandito na ko sa bookstore. Dali dali kong hinanap ang libro at hindi ko iyon nakita kaya nagtanong ako sa saleslady at tinuro niya iyon sakin nako nag-iisa nalang iyon. Tumakbo ako para makuha ko ito kaagad. Saktong hawakan ko ito ay may isang kamay na kumuha doon. Kainis tumingala ako para makita kung sinuman iyon. MR. PATHETIC BOY siya nanaman. Naku naman.
"Ano ba! Nauna akong humawak dito kaya akin to!",halos pa sigaw ko na itong sabihin..
"Please Shut up! Akong nakakuha kaya akin to! ",galit na sabi niya.
"Please give it to me",halos magmakaawa nako para makuha ang libro..
"No! This is mine now..
"No! Its mine..
Pinag-agawan namin ang libro hanggang sa mahagis ito at maladpad sa medyo malayo layong parte ng bookstore. Tatakbo na sana ako para kunin ito ng biglang may biglang sumigaw.
"Hey Gab! Nice to see you again",sigaw nito..
Tumakbo ng mabilis si Mr. Pathetic Boy kaya siya ang nakakuha ng libro.
Ugh bat kasi dumating yung babaeng yun. Linapitan ko ang babae familiar ang mukha niya pero ko hindi ko maalala."Gab its me Alex yung kaklase mo nung elementary,remember".
Ah oo nga pala si Alex siya yung muse namin. Maganda siya kaso di kasing ganda ng ugali niya.
Teka bakit nandito siya??
Author's note: Sorry po sa late update. Medyo busy po. Keep on reading po thank you po.
*****
Chapter 4 done..
Sorry po sa typos and grammar..
Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Gab??
Alamin..@MsLibra_Girl Thursday,
April 27,2017 11:18:00 pm
BINABASA MO ANG
I'm His Secretary
Fiksi RemajaSi Gab ay isang nerd na batang babae na hindi magkaroon ng anumang kaibigan dahil sa kanyang itsura. Siya lamang ay simpleng babae na may simpleng buhay. Ngunit Isang araw, isang tao, isang pangyayari and magbabago ng kaniyang buhay. Mula sa isang...