Chapter nine
[She's with Jason]Jerrimae's POV
So ito naglalakad kami and guesse what, nandito rin si Jason nandun pala sya kasama yung SG secretary hindi namin napansin kanina. At yung secretary ay yung maarteng babae na sumabay samin maglakad kahapon. So SSG pala sya? Hindi halata, at hindi bagay sa attitude nya.
Pagpasok namin nakita namin yung teacher na nagmamanage dun sa SSG yung parang may hawak sa kanila.
Kumunot yung noo nung babae nang makita nya si Jason. Napatingin naman ako kay Jason napansin kong wala sya pakialam sa expression nung teacher pero langya nakita ko ang sama ng titig nya sakin kaya bigla akong umiwas.
Pinaupo nya kami. "Lately napapadalas ang pagbisita mo sakin dito ah?" sabi nya habang nakakunot ang noo at nakatingin kay Jason. Ah so dumadalaw lang pala sya kala ko kung ano? Pero nakakapagtaka kasi may sugat sya sa labi at may konting pasa sa mukha.
"Hindi naman po kasi ako ang nagsimula." sabi ni Jason. Ay sorry mali ako nakipag away pala sya. Hahaha ang slow ko talaga.
"Hindi ka pwedeng makiusap na wag nanaman itong paratingin sa dad mo."
"Okay. Then tell him, at ako nalang ang magpapaliwanag sa kanya ng nangyare. Tsaka pwede ba hayaan nyo na ko, wala rin namang mangyayare kahit kausapin nyo ko."
"We dont give special treatment here, Mr. Jayaige." sabi nya kay Jason. Nagsmirk lang si Jason.
Habang nakaupo nilibot ko yung paningin ko. Nakita ko yung isang para side na nakasulat yung mga officers nakita ko na ang pangalan pala nung president ay Jerrimiah. Langya kalapit ko pa ng pangalan.
Sabi nung teacher lumabas daw muna sila Jason at yung babae at lalaki dahil kami daw muna ang kakausapin. So ayun ipinaliwanag namin na hindi kami yun una nagtalo pa, sabi nila kasama parin kami pero ipinaliwanag nalang namin na nalate kami at napadaan.
So ayun okay na. Yung president nagsorry samin at yung secretary naman wala, wala manlang ginawa inirapan pa kami.
Lumabas na kami at nakasalubong ko si Jason. Umiwas nalang ako ng tingin at naglakad. Pero nagulat ako nang bigla syang tumigil sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya. "We're not yet done, baby." sabi nya sakin sabay kindat tapos smirk. Para syang nang-aasar. Aish! Binilisan ko nalang maglakad.
"Nakakaasar may masamang kutob ako dun sa sinabi ni Jason kanina."
"Ano naman yun." sabi ni Kayla naglalakad kami papunta sa class room.
"Di ko alam basta masama."
"Kaya nga e, para syang may binabalak." sabi nya.
"Kaya nga naasar ako. Ang sarap nyang bangasan para matangal yung nakakainis na pagngisi nya." inis na sabi ko.
"Hays! Bakit kasi kailangan ko pa syang makasalubong? Kung maaari nga ay di nalang natin sya makita." asar na sabi ko
"Wag mo na akong idamay. Ikaw nalang! Tss. Ang pogi pogi nya kaya. Gusto ko sya makia minu-minuto." sabi nya habang nakahawak pa sa mukha at kinikilig. Para syang tanga pinagtitinginan na sya, para kasi syang nagde-day dream habang naglalakad.
"Tss. Ang sama sama ng ugali nun e. Nakakaasar! Kung pwede lang yung buong mukha nya nalang yung natamaan ng ballpen, para wala na syang mukha maihaharap sa mga nilalandi nya." sabi ko na nanggigil
"Ang sama mo namam Mae. Sayang naman yung kagwapuhan nya no?."
"Tsaka balik tayo sa topic natin, feeling ko hindi nya palalampasin yung nangyare. Tsaka diba scholar ka?"
BINABASA MO ANG
Mr. Serious Vs Mr. Playboy [ON HOLD]
HumorMr. Babaero vs Mr. Seryoso Jerrimae Centijo Isang simpleng babae. Bata pa lamang sya ay iniwan na sila ng kanyang ama, kaya ang nanay nalang nya ang syang nagtaguyog sa kanya. Nagpursigi ang kanyang ina para lamang mapagtapos sya sa pag-aaral dahil...