Chapter 4

10 0 0
                                    

“Hello Steph. Andito ako ngayon sa school. Punta ka naman dito. Sobra talaga akong depressed. Kailangan talaga kita ngayon. Pleaaaassseee.”

Toooot. Toooot. Tooooot.

Iyon lang ang sinabi niya at binaba agad? Hindi man lang ako nakapagsalita. Ano bang nangyayari sa lalaking ‘to at pinapapunta pa niya ako ng school. Ang demanding ah. At saka, anong oras na kaya oh. Ala-una na. Ano ba yan! Nakakainis naman oh. Istorbo na nga sa tulog papapuntahin pa ako ng school ng dis oras ng gabi. Haaaaayyy… may magagawa pa ba ako? Buti na lang talaga mahal ko siya.

Nagbihis lang ako ng pants at ready na akong umalis. Kaso, mukhang gising pa si Kuya Eric. Ang sipag talaga mag-aral nito.

“Kuya, gising ka pa?”

“Ay oo, tinatapos ko lang ‘tong project ko. Malapit na kasi pasahan nito. Teka, bakit nakapants ka? Lalabas ka ba? Anong oras na ba?”

“Ala-una na kuya. Sobrang busy ka ata dyan, hindi mo na namalayan ang oras.” Naku! Anong gagawin ko? Paano ba ako makakaalis nito? “Ahhhmmmm… Kuya, naalala mo ba iyong kinukwento ko sa’yo na lalaking mahal ko? Paano kasi, tumawag siya sa akin at pinapapunta niya ako ngayon ng school. Mukha pong may problema eh. Depressed daw siya ngayon at kailangan daw niya ako. Please kuya, payagan mo sana akong pumunta. Pleaaaassseeee.” With matching beautiful eyes pa yan.

“Bakit hindi mo na lang papuntahin dito? Bakit nagtapat na ba sa’yo iyong tao at pati dis oras ng gabi eh pupuntahan mo?”

“Eh hindi pa naman kuya. Malay mo di ba eto na yung pagtatapat niya sa akin. Sayang naman iyong pagpprepare niya sa school di ba?” Talaga? Hindi ko ‘to naisip kanina ah. Very good kuya, binibigyan mo ako ng ideya. ^_____^

Ayan na… Napapaisip na si kuya. Papayagan na niya ako.

“Sige. Pero dalhin mo cellphone mo. May load ka ba?”

“Meron po.”

“Good. Tawagan mo ako pag may nangyaring hindi okay ha. Mas magandang maingat pa rin tayo. Baka kung anong gawin sa’yo nung tao na un. At take note, pakilala mo muna sa amin bago mo sagutin. Kikilatisin ko pa yan. Kahit na sa mga kwento mo eh kilala ko na siya, iba pa rin pag personal kong ma-meet yan ha.”

Napalundag ako sa tuwa at niyakap ko pa si kuya. “Thank you kuya. Don’t worry. Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Mahal kita kuya. Mwaah.” Kiniss ko pa talaga siya sa sobrang tuwa.

“Naku, ikaw talaga. Dinadaan mo ako sa ka-sweet-an mo eh. Sige na, alis na. Wag ka masyadong magtagal dun ha. Ako na bahala kina Mama at Papa.”

“Thank you, thank you, thank you talaga kuya. Sige, bbye!”

Naglakad na ako papunta ng school. Buti na lang talaga malapit lang ang school sa bahay. Naku, pag nalaman nila Mama at Papa na lumabas pa ako ng ganitong oras, lagot talaga ako. Buti na lang hindi ko sila nagising pag-alis ko ng bahay. At buti na lang may supportive at protective akong kuya. Napaka-caring talaga nya.

Pagdating ng school…

“Wui! Andito ka lang pala banda. Kanina pa kita hinahanap at naka-ilang ikot na rin ako dito sa school. Ano bang nangyari sa’yo?”

“Wala naman.” Nakangising sagot niya.

Teka, bakit ganyan siya ngayon? Nakakapanibago naman. At bakit may nakapa akong takot na bigla kong naramdaman? Hindi ko na lang pinahalata sa kanya.

“Kaw naman. Ano un prank call?” Masigla ko pa ring sagot sa kanya.

“Sabihin na nating OO”

“Ano bang pinagsasasabi mo? Pinapakaba mo naman ako eh. Tsaka bakit ba ayaw mong lumapit dito sa akin? Ang dilim kaya dyan sa pwesto mo. Nagtatago ka ba?” Hanggang ngayon nakatayo pa rin ako malayo sa kanya. Hindi naman as in sobrang layo.

Pahakbang na sana ako papalapit sa kanya…

Nang may biglang…

Napabangon talaga ako bigla at pinagpapawisan ng malagkit.

Anong bang nangyayari sa’yo Steph? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin pinapatahimik ng nangyaring iyon? At bakit bumabalik ang mga panaginip mo na ganoon? Bakit ba kasi naalala mo pa siya kanina? Okay ka na eh. Okay ka na. Wag mo na lang masyadong isipin iyon nang hindi ka sundan pati sa panaginip mo.

Bumangon na ako ng tuluyan at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Pinapakalma ko ang sarili ko mula sa isang napakasamang panaginip at alaala.

Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos uminom ng tubig saka ko tiningnan kung anong oras na. Ala-una pa lang. Tiyak, hindi na ulit ako makakatulog nito. Natatakot ako na baka matuloy ang panaginip ko na iyon.  Ano ba yan? Anong gagawin ko? Bibisita pa man din sila Kuya kasama sila Mama at Papa dito bukas. Hindi nila kailangang malaman na napanaginipan ko ulit ang nangyari noong gabing iyon.

Bumalik na ako sa kuwarto. Dumiretso ako sa may bandang drawer ko. At kumuha ng gamot na matagal-tagal ko na ding hindi naiinom. Parati akong may reserba nito kahit na madalas eh inaabot na ng expiration date. Bumibili naman ako agad ng bago kapag ganoon. For emergency purposes, kagaya na lang ng nangyari ngayong gabi, iniinom ko ang gamot na ito para na rin sa akin. Para maagapan at maiwasan ang maaaring mangyari. Haaay… Siguro naman ay makakatulog na ako ng matiwasay nito.

Is this what you call LIFE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon