Alexa's POV
Author's Note (PURO POINT OF VIEW OR POV LAGI NI ALEXA ANG LAHAT OKEY?)Pag uwi ko sa bahay hindi mawala ang ngiti sa labi ko , bakit? Dahil buong araw kong nakatabi si Rence
Pagod man ang utak ko , ayos naman ang puso ko dahil 🎤"Kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito"🎤
"Alexa!!!" Nawala ang ngiti sa labi ko
"Bantayan mo tong Cake baka dapuan ng insekto , Papatulugin ko muna yung kapatid mo" Sabi ni Mama kaya agad naman akong sumunod
Mama ko ay nag bebenta ng Cake or Kahit anong pwedeng ibake , Yun ang hobby nya at yun na rin ang bumubuhay saamin ng kapatid ko
Iniwan na kase kami ng demonyo kong ama amahan! Simula nung nabuntis si nanay sa kapatid ko eh nambabae na si gago!
Habang nagbabantay ako ng cake ay tinitigan ko ito
"Ganda ng pagkaka design sana ganun din yung ugali nya .. Maganda" Bulong ko
Chineck ko nalang ang facebook account ko , Maraming notifications , Malamang mga pangalan nanaman ng Tropa ko yun!
"Ang bagal naman!!!" Daing ko dahil puro LOADING!!!!
Tumingin ako sa labas namin kung saan nandoon ang computer shop , Yeah! Nakiki connect lang kami sa tapat na computer shop pero! .. Nagbabayad kami noh! Kaya pwede kami mag protesta kapag mabagal ang internet hahahah!
Maya maya ay may nag Friend Request
Rence Manalastas
Maya maya ay lumabas ang profile picture
"PUTANGINA!!" Bulyaw ko at napatayo sa kinauupuan ko
Muntik pang matumba yung cake dahil sa gulat ko! O M G!!! INADD AKO NI SUPREMO!!!!
"OMG!!! YIIIEEEE!!!" Mahina na ipit na tili ang ginawa ko!'
"O M G LORDY KOO I LOVE YOU NA!!!"' Sabi ko at nagtatatalon sa tuwa
Iniscreen shot ko muna bago ko inaccept! Jusme mamamatay na ako sa kilig! Inadd nya ako !
***********
January 9 2017 (Monday)Habang flag ceremony ay nakatitig ako sa bracelet ko na kacouple ko si Paul
"Huy! Alam ko score nyo sa T.L.E" Sabi ni Trix , ngumiti ako dahil paniguradong pasado yun!
Maya maya pa ay natapos na ang flag ceremony , Bandang unahan ako nakaupo at nakatingin lang ako sa bintana habang hinihintay yung teacher namin
"O M G" bulong ko nang makita si Rence
May kasama itong babae na maikli ang buhok and take note! Naka pulupot ang kamay ng babae sa braso ni Rence! Naalala ko tuloy kahapon , Habang papauwi kami galing Robinson ay nakita ko syang naglalakad kasama yung 2 babae tapos nakahawak pa sa kamay nya
Nakita kong kinausap nila ang isa sa mga teacher at nakita kong ngumiti si Rence , kaya napangiti rin ako
Ang gwapo nya talaga lalo na kapag ngumiti kaso epal yung babaeng yun! Siguro Girlfriend nya yun! Ano ba yan! Malas ko may Gf na pala!
Napasimangot ako dahil wala akong pag asa , Dumating na rin ang teacher namin at nag klase na
********************
*RECESS*"Galit ka ba sakin?" Nagulat ako sa tanong ni paul saakin
"Hindi naman" Sabi ko at ngumiti ... Bakit nga ba wala na akong nararamdaman? Mahal ko pa nga ba sya?
BINABASA MO ANG
Diary ng Umaasa (Short Story)
NouvellesHanggang dun nalang ba ang lahat? Aasa nalang ba ako hanggang sa magsawa ako at tuluyan nang sumuko? Dapat ba akong mag LET Go? Or should I stay STRONG?