Queenie's P.O.V
Happy Mother's Day sa lahat ng Nanay! Aru! Its May 13 today at nag se-Celebrate ng Mother's day ang lahat! Syempre kami din.
Kasama ko ang buong pamilya ko. Ang Nanay ko, Lola ko, Si baby, Tita at Tito ko.
"Alin ang mas masarap? Kenny Roguers sa Bulacan o dito sa SM Megamall?" Tanong ni Tita Jerica
"Both" Sambit ko.
"Diba may Book Fair ang Psicom Queenie?" Tanong saakin ng Tita ko.
"Ah, Opo meron po sa Megahall trade 1 daw" sabi ko.
"Saan ba yun? Hindi ko alam yun" Sabi ni Tita.
"Tanong nalang natin sa Guards mamaya" Sabi naman ni Tito Arsie, na asawa ng tita Jerica ko.
Ng matapos kaming kumain ng Lunch. Dumaan muna kami sa SM Store para bumili ng damit ni Baby, na anak ng tita at tito ko.
"Tara na, Punta na tayo sa Book Fair mo" Sabi ni Tita Je, (Short for Jerica)
Nag tanong sila sa Guard at ng makapunta na kami.
"Kayo nalang ng tito mo ang pumunta sa loob, May entrance palang 50 pesos eh" Sabi ni Tita Je.
"Eh. Sige" kumuha na kami ng ticket at pumasok na.
Number 1298 pa ako! Tapos ang book signing 300 palang! Hala sya! Yung book selling nasa 1,000 na.
"Queenie, Ang dami palang tao, Nakapila ba lahat yan?" Tanong ni Tito saakin.
Syempre hindi ko alam, first time ko kaseng pumunta sa ganito. So tinanong namin sa mga nakapila din at, oo nakapila raw lahat yon.
"Ayos lang ba sayo na ikaw lang mag isa?" Tanong ni Tito Arsie, Naiinip na siguro to. Pero ayos lang naman kaya ko.
"Opo, ayos lang po" sabi ko.
"Text mo nalang ako pag tapos na kayo ah? Balikan nalang kita" sabi ni tito, tumango lang ako at lumabas na sya.
May maingay na dalawang babae sa likod ko kaya mukhang mabait naman, nagtanong ako sakanila.
"Excuse me, Para saan yung pila doon?" Tanong ko.
"Para sa book signing" sabi nito.
Holy shems, wews.
At dahil ang tagal namin, naka kwentuhan ko sila at sama sama kaming bumili ng libro, pero dahil nga hindi sila mag papapirma, iniwan nila ako sa isang babae.
"Hello po" bati ko sakanya, mukha syang mabait at maganda sya.
"Hello beh, Anong pangalan mo?" Tanong ni ate saakin.
"Queenie po, kayo po?" Sambit ko.
"Joy, first time mo ba dito?" Tanong ni ate Joy saakin.
"Opo eh, Ako nga lang po mag isa hehe" sabi ko.
Syempre medyo hiya pa tayo. Napatingin ako sa stage, may dalawang lalake na nasa stage. Yung isa may edad na yung isa naman Gwapo at binata.
![](https://img.wattpad.com/cover/98467794-288-k366837.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary ng Umaasa (Short Story)
Short StoryHanggang dun nalang ba ang lahat? Aasa nalang ba ako hanggang sa magsawa ako at tuluyan nang sumuko? Dapat ba akong mag LET Go? Or should I stay STRONG?