Habang iniisip ko Kung bakit Ganon Ang ugali ni faith naalala ko Kung paano ba namin sya patunguan ... Napapansin ko na parang pinagtutulungan na namin si faith .. tapos pag so daddy Naman ipagtatanggol si faith naiinis kami ... Pero ngayon nagiging malinaw na Ang lahat SA akin ... Pinairal ko Ang inggit Kay faith at Ang inis ko dahil lagi na Lang sya kinakampihan ni daddy ... Ngayon ko Lang naisip na si faith nangangailangan Ng pagmamahal ... Bakit ba Kasi Hindi ko magawa na mahalin so faith ?? Mapride na ba ako ?? Coward na ba ako ?? SA tingin ko nga oo ... Takot ako SA responsibilidad .. takot akong sumugal ... Alam Kong may maibubungang maganda ang gagawin Kong pagsasakripisyo pero bakit Hindi mo magawang sumugal ?? Bakit ba Kasi Ang duwag ko ?? Alam ko na Ang solusyon pero Wala akong ginagawang kilos ... Nagpapatangay na Lang ako SA agos Ng Buhay ....
Lumalala na Ang ugali ni faith at kasalanan namin yon .. Hindi na sya gumagalang SA Amin na matatanda SA kanya , gumagalang Lang sya kapag nandyan si tita Anna .. pero kahit si Lola Hindi na sya takot ... Sumasagot sya Ng pabalang .. nangangatwiran kahit Mali sya ... Hindi sumusunod SA utos .. at mapangasar den .. Marami pang IBA
Kanina habang nagdadasal kami tinry ko na kausapin si faith ... naisip ko Kung ibababa ko Ang pride ko baka sakaling may pagasa pa ako na baguhin Ang lahat Kase SA totoo Lang Hindi na ako Masaya SA pamilyang toh ... Nakakasawa na ... Walang love .. balak kong kausapin si faith para Sabihin Mahal ko sya , kahit na ganon ko sya pakisamahan , saka humingi Ng tawad SA lahat Ng ginawa ko SA kanya ... Pero nung lumapit ako SA kanya at hinawakan Ang balikat nya ... Hindi ko magawa , Hindi ko Kaya , naduwag nanaman ako ... Naluluha ako nung tinignan nya ako SA mata ... Hindi ko na tinuloy ... Hindi ko pa Kaya ... Hindi pa ako handa .. 😢😢😢
"Faith Mahal Kita .... Mahal Kita kahit na ganyan Ang ugali mo ... Kahit inaaway Kita .. sorry SA lahat Ng kasalanan ko sayo .. sorry Kung Hindi Kita maipagtanggol ... Pero gusto Kong magbago .. Sana maging matapang na ako para masabi ko na sayo toh ... "

BINABASA MO ANG
diary ko
Randomwag mo nang basahin Kase paepal lang toh .. walang kwenta toh .. sariling trip ko toh ...