2-2-17

12 3 1
                                    

Ngayon Araw Wala namang especial .. may misa kami kaya nagpalate ako pero nung papagpasok ko dun pa lang nagstart Ang misa 😃 so umupo na lang ako Kasama sila Annabel at Patricia ... Nagkwentuhan lang naman tapos nagtanungan Kung may gawa na ba Silang assignment ... Napapansin ko nga eh Silang dalawa talaga Yung close 😐 Minsan nga iniisip ko extra lang talaga ako eh Kase pag nagaaway sila ako Yung nakikipag USAP na magbati nasila 😑

Kanina Kase Silang dalawa Yung naguusap ... Tapos nakikinig lang ako ... Paminsanminsan nagsasalita ako ... Kaya Lang nung nagkwnto ako Hindi man lang pinatapos Yung sasabihin ko biglang papasok na parang Wala akong sinasabi .... Syempre na offend ako nun .... Tumahimik na lang ako ... Tapos makikinig sila ng music ng naka head set sila kaya OP ako ... Mayamaya nanonood sila ng M/V ng GFriend ... Nakinood na lang ako kahit na nakaheadset sila ... 😶 Tapos Yung IBA naming classmate nakikinood na lang den tapos kinakausap nila ako ... Sumasagot na lang ako parang halata Kase na OP na ako eh ...

Hindi na talaga ako nagsasalita nung SA last subject na kami ... SA ISIP ko 1 Ora's na lang makakauwi na ako ... Kahit na kinakausap nila ako Hindi ko sila pinapansin ... Kase parang kanina Hindi nila ako kinakausap tapos ngayon ... Kaya tumatango na lang ako SA kanila bilang pagsagot ko pero napansin na nila na Ang tahimik ko kaya tinanong nila Kung Galit ba ako .... Umiling na lang ako .... Kase Hindi naman ako Galit SA kanila eh nagtatampo lang ako na nabadtrip 😔 nung natapos na Yung last subject tinatanong nila ako ult Kung Galit ba ako pero umiling lang ako tapos Sabi ni Annabel baka nawalan na SA mood ... Nanguna na akong maglakad SA kanila tapos tinanong nila Sakin Kung tuloy pa ba na mag movie marathon pero Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad Hanggang makalabas na ako , Nakita ko si daddy kaya dumeretso na ako dun tapos sumakay na SA motor ... Sabi ni Annabel "hala , Hindi mo pa den kami papansinin ?? " Hindi ko an sinagot na parang walang narinig ... Tinanong ako ni daddy Kung bakit pero Sabi ko Wala ... Paguwi ko umakyat na ako SA kwarto para magaayos Kase Alam ko na pupunta sila ... At pumunta nga sila ... Tahimik lang ako ... Tapos sinabi nila "Galit ka talaga ??" Kaya ngumiti na ako ... Kaya nalaman nila na OK lang ako ... Pero ngumiti lang ako para Hindi na awkward SA kanila Kase NASA Bahay ko sila .. pinakain ko muna sila ... Habang nagsasandok ako ng kanin tinanong ako ni Pat Kung bakit Ang tahimik ko pero Sabi ko Wala lang ako SA mood 😶 mayamaya lang habang kumain kami may sinasabi si Pat Tapos natawawa sya habang nagkukwento tapos si Annabel natatawa na lang den tapos ako ngumingiti lang kaya Lang napatingin SA akin si patty ... Napansin nya na Hindi ako tumatawa kaya sinabi ko na lang na Hindi na ako natatawa pero nakangiti ako ...  Pagkatapos umakyat  na SA kwarto .... Manonood kami ng the red shoes ... Habang nag loading , napansin na talaga nila ako kaya tinanong ni Pat SA akin "bakit Ang tahimik mo ngayon ??" Hindi ko na nasagot Kase biglang pumasok si Joshua at nanggulat ... Tapos SA sobang bagal ng internet Hindi na namin tinapos panoorin Yung the red shoes kaya nanood na lang sila ng BTS  ... Si Annabel gamit Yung iPhone ko tapos si patty nanonood SA CP ko .... Tapos ako nakikinood na lang SA kanila ... Si Pat nanonood ng guess tapos nahuhulaan ko naman kaya Lang Hindi ko na Nakita Kase naharang na ni Annabel magkatabi lang Kase sila tapos ako NASA kama ... Kaya humiga na lang ako tapos nagkukwento si patty Kay Annabel ... Tapos tawa sila ng tawa ... Na OP na talaga ako kaya natulog na lang ako ... Pag gising ko Wala na sila ... Nagulat nga ako Gabi na pala ... May Nakita ako na papel tapos nung binasa ko 'umuwi na kami -patty -annabel' ... Natawa ako Kase pag pumupunta sila Dito lagi ko Silang tinutulugan ... Bigla na lang pumasok SA ISIP ko Yung sinabi ni Pat kanina na Ang tahimik ko kaya napaisip ako ... Totoo Yung sinabi nya ... Kahit ako napansin ko Yun ... Ang boring ko na ... Wala akong maisip na joke para mapatawa sila katulad ng ginagawa ko dati ... Pag sila Kasama ko may nakukwento naman ako kahit papano ... Pero ngayong mga Araw napansin ko na Hindi na eh ... Nawalan ako ng sense of humor ko ... Tapos masyado akong seryoso na Hindi na ako natatawa SA kwento nila ... Siguro nga sobrang na offend ako kanina ... Masyado akong sensetive pero hindi ko na lang pinapahalata 😔😔😔

Ayaw ko ng ganito ... Pero Wala naman akong maisip na gawin ...

diary koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon