Sobrang weird ng isang toh !! Ewan !! Hindi sya about sa BTS ..
Bale pet lover ako .. nagampon ako ng aso hindi ko lang marecall yung pangalan basta kulay puti sya .. tapos may dumating para kunin sya sakin .. ayaw ko syang ibigay sa kanila pero wala pa rin akong magawa kundi ang umiyak .. Alam kong masasamang tao yung kumuha sa aso ko ... Tapos non umampon ako ng pusa na kulay puti den . Naalala ko kasi sa kanya yung aso ko .. Hindi ko na den marecall yung pangalan nya pero parang Lay-do yun .. close kami, maamo sya SA akin .. pag may nangaaway sakin inaaway nya .. para talaga sya yung aso ko nun .. napaisip tuloy ako .. kamusta na kaya sya ?? Yung kumuha sa kanya naalagaan kaya sya ?? At may biglang dumating sa bahay .. Yung kinatatakutan ko dumating para kunin ulit ang alaga ko ... Inagaw nila sakin si Laydo pero hindi ko binibigay .. umiiyak nako .. biglang dumating sila tita .. Akala ko tutulungan nila ako pero hindi .. pinilit nila ako na ibigay na si Laydo .. kahit labag sa loob ko binigay ko na sya sa kanila .. pera yata ang usapan nila kaya gusto nilang ibigay ko si Laydo .. iyak ako ng iyak .. Hindi ko na kaya na mawala pa sa akin si Laydo kaya tumakbo ako at pinuntahan sya .. imbis na makuha nila si Laydo mas mabuti pang maging malaya na lang sya .. nung nakita ko si Laydo umiyak ako ng umiyak .. nakatali ang kamay at paa nya, namumula ang mata at ilong nya .. nakamulat ang mata nya pero hindi na sya gumagalaw .. patay na sya ?? Iyak lang ako ng iyak .. biglang nakahinga si Laydo .. nagulat ako pero tinanggal ko na ang tali sa mga kamay at paa nya at sinabi ko sa kanya na umalis na sya .. sinunod nya ako at tumakbo .. kahit magalit sila tita sa akin basta alam kong malaya si Laydo at malayo sa mga masasamang Tao yun .. tatanggapin ko .. masakit sa puso pero kakayanin ko ...
At nagising na ako .. feeling ko gusto kong umiyak .. hahahaha ang wierd ng panaginip ko noh ?? Ganun talaga !! Ang panaginip hindi mo talaga maintindihan minsan 😂😂
BINABASA MO ANG
diary ko
Randomwag mo nang basahin Kase paepal lang toh .. walang kwenta toh .. sariling trip ko toh ...