Nine | "Leche ka! Mamatay ka na!"

24 0 0
                                    

Ano ba to... ang sakit sakit ng ulo ko... Nasusuka ako. Ang sakit ng tiyan ko. That "mamamatay na ata ako" feeling? ramdam na ramdam ko siya ngayon. Ano bang meron sa balot na yon? Parang pati ata large intestine ko maisusuka ko. *ERRRRR*

"sige" huh? bakit narinig ko boses ni gp? si gp nga ba ito? bakit parang ang bango naman niya ata ngayon kung mabango si gp? SANDALI! buhay pa ba ako?

Sinubukan kong bumangon at hinarap ko ang mukha ko sa mukha niya. Tama nga ako si gp nga. ang pesteng babaeng to na nagpakain sa akin ng lecheng balot na yun. Pero bakit parang ang bango niya ngayon at.. bakit siya nakapikit?

dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya kaya binati ko siya,.

"HAAAAAY!" ERRRRR! nasususka talaga ako. nanlaki bigla ang mga mata niya at... OMYGAD!

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" huh? o_____o

"aray! ang sakit sa te.... ARAAAY! FUCK! Could you stop..... *bog* *plak* *boom*"

*black out*

*blink* * blink*

aray. ang sakit sakit ng buong katawan ko (_ _ "), ano bang nangyari sa akin at parang hindi ako makabangon? SH!T ang sakit sakit talaga, lalo na tong likod ko. Potaena! Natatae ako, hindi ako makatayo.

Minulat ko ang mga mata ko. Nasisilaw ako, teka... Sandali lang kasi, chill lang kayo wala ako sa hospital nasa kwarto ko lang ako. Wag kayong manguna kayo naman eh -____- Ge' ang korni ko puta!

Dahan-dahan nagbukas yung pintuan at nakita kong may pumasok na babae. May bago nanaman kaming katulong? Ilan na ba katulong namin dito sa bahay? Parang ang laki-laki naman netong bahay namin at parang araw-araw ata nagdadagdag si papa.

"Hi sir. Kamusta na po kayo? ^__^"

"Umalis ka nga! tawagin mo si manang nene ayoko sa'yo ang panget mo"

"huh? p-pero sir.. ako po..." hindi ko na siya pinatapos at pinutol ko na ang sinasabi niya at nagsalita na ako. Pacute ng pacute leche! Ang panget panget naman.

"Anong gusto mo? Sabihin ko pa ng ibang language yung sinabi ko? I told you ALIS! I need manang nene I don't need an ugly girl like you"

humahagulgol na tumakbo palabas yung katulong sa kwarto ko. Eh kayo kaya,  magpacute sa inyo ang isang mukhang chocolate sino ba matutuwa? Ano ba yan, lalo akong natatae sa mukha niya leche!

Maya-maya nagbukas na ulit ang pintuan at nakita ko na si manang nene. Hays, parang ang tagal kong hindi nakita si yaya :))

"Oh ano det-det? Ano nanaman problema mo?" lumapit siya sa akin at umupo sa kama ko.

"parang tanga yung katulong na pumasok dito kanina. Sino yun?"

"Sino? si amanda? haha. Ikaw talaga, hindi ka na nagbago. Ayun, umalis na at nagresign na. Kakasimula lang nun dito kahapon eh tapos... Naku ikaw talaga" ginulo niya ang buhok ko at tumayo. "sandali, kukuha lang ako ng twalya at pupunasan kita"

Pumunta sa CR si yaya at ng pagbalik nya may dala siyang maliit na plangana at twulya. Umupo naman ako at  hinubad ang T-Shirt ko. "yaya, hindi ka ba nagsasawa sa akin?"

bigla syang napatigil sa pagpunas nya ng likod ko at nagsalita siya "para na kitang anak det-det. Bakit naman ako magsasawa sa'yo? Kaibigan ko ang papa mo kaya hindi rin kita maiwan kasi ang laki ng utang na loob ko sa papa mo"

Napangiti na lang ako sa sinabi ni yaya kasi kahit papaano meron naman nagmamahal sa akin. Alam mo yon? yung pagmamahal na nararamdaman mo lang sa isang ina, nanay lang kasi ang kayang magbigay nun at si manang nene ang nagbigay sa akin nun ever since umalis na yung hudas na asawa ni papa sa buhay niya. osige na! namen.

Say you like Me (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon