Seven | "mahal mo'ko?"

11 0 0
                                    

uhmmm... ahhh'.. sandali, alam ko 'to eh', napag-aralan ko 'to kanina. Putapets naman! nakalimutan ko! Tsk!

"CC! ayoko na! nakalimutan ko ulet. Review naman"

"nope. you have to answer those questions first."  may pairap-irap pang nalalaman 'tong si Cc.

"Cc please, understand me naman, hindi mataas ang IQ ko."

"Answer"

AHHH! ayoko na! Hindi ko maintindihan magturo ang best friend ko. Hindi nya ineexplain ng mabuti, hindi nya iniitindi kung naintindihan ko ba or what?!

"Mr. Boromeo ka di ba?" napatingin ako at nakita ko si GP.

"o---"

"GP! please balikan mo na'ko. please ayoko na, di ko kaya pag wala ka. please! kailangan kita Y^Y" hinawakan ko ang kamay nya at nagmakaawa na talaga ako. Tiningnan nya lang ako at walang reaksyon ang mukha.

"Di kita kailangan" ha! /('o')\ pap-paano? paano na yun?

"Mr. boromeo, nahulog mo Id mo oh' mag-ingat ka na sa susunod." inabot nya yung ID ni Cc at tumalikod na.

"san-sandali!" hinabol ko sya at hinarangan sya at.. -_-, lumuhod ako sa harap nya.

"I really need you, please help me. Bukas na ang exam ko at konting-konti pa lang ang alam ko." nakatingin lang sya sa'kin at parang wala talagang awa ang pinapakita ng mata nya.

"sabi ko nga di ba? di kita kailangan" nilampasan nya lang ako at nagtuloy-tuloy na siguro mag lakad. Nanatili naman akong nakaluhod doon at tumungo na lang.

"please?" ayokong maexpell dito, hin-hindi ako makakapagtrabaho sa company ni papa pag nangyare yun, eh', company ni papa ang pinakaimportante sa'kin.

*flash back*

"mama, inaaway nanaman ako ni papa oh," tumakbo ako kay mama at niyakap ko agad sya. Niyakap naman nya ako at tumatawa.

"haha, bakit anak? ano ginawa ni papa sa'yo?"

"He's scaring me" tumingala ako kay mama at nakita ko sya. Sobrang ganda nya talaga pag nakangiti sya. Ang ganda ganda nya.

"are you scared?"

"not anymore, now that I see you :)"

that time, I loved her so much. I really do. Makita ko lang sya masaya na ako. Maramdaman ko lang yung yakap nya nawawala na yung takot ko. Marinig ko lang boses nya comfortable na ako but that changed when she left..

(6 years ago)

"ma! ma nasan ka?" I searched the whole house but even my dad was not here. Lumabas ako at nakita ko silang dalawang ni papa nag-uusap sila at may dalang mga malalaking bag si mama. Tiningnan ko lang sila at nakita kong parang umiiyak si mama kasi pinapahiran nya ng kamay nya ang mga mata nya kaya tumakbo ako sa kanila.

"MAMA!! PAPA!!" agad nila akong tiningnan at pinunasan agad ni mama lahat ng luha nya.

"ma, ba-bakit ka umiiyak? ano po itong mga bag?" niyakap ko agad si mama at nakita kong lalong tumulo ang mga luha nya at may isang luha na tumulo sa noo ko.

"mama!" inalis nya ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinulak nya ako papunta kay papa.

"ma-mama, ba-bakit? papa! ano po-- MAMA!!!!"

"Hindi ko na kayo kailngan ng papa mo, wala na kayong pera" walang na kayong pera, those words , nag echo sya ng nag echo sa isip ko.

"O_O, pe-pero ma, an- bak- mama," nagsimula ng tumulo ang luha ko sa mga pisngi ko. sobra akong nasaktan.

Say you like Me (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon