Nakakainis ka Crush

38 2 0
                                    

Una kong encounter kay crush ay nung second year pa lang kami. Second sem nun.

Halos magkakaklase kami ng mga ka-block ko sa lahat ng subjects.

Minsan may mga nakakahalo din na ibang course sa ibang subjects namin, dahilan upang ma-OP sila.

Sa isang minor subject namin siya nakaklase. Magkaiba kasi kami ng course.

Nung pagpasok niya sa room naagaw niya attention ko.
Mahaba pa buhok niya nun. Tapos tinatali niya pa ng san rio. Para na tuloy siyang may fountain sa ulo. Naweweirduhan nga ako sa kanya. Tapos may sobra siyang buhok sa likod at nakaponytail yun at mukhang buntot ng pagi.

Maingay ang klase nun kaya ginawan kami ng seating arrangement kahit college na kami.

Naaalala ko pa yung pangyayari nun na halos mahulog ako sa aking kinauupuan sa gulat.

"Uhm.. Mr Morales.. Dun ka maupo sa likod ni Ms. Cortez"

Naglakad siya papunta sa likod ko.
Di ko alam pero parang bumagal yung takbo ng oras. Natulala ako nun.

"Uy, Trisha. Tulala ka dyan" sabay tabig sakin ng katabi ko
"Ah.. Wala wala"

At yun..

Makalipas ng ilang araw nagpagupit din siya ng buhok.

At

Ang gwapo niya...

Dun ko na ata naconfirm sa sarili ko na crush ko na nga siya.
Araw-araw halos magkaugat na pwet ko sa upuan. Nakakaconscious kasi knowing na nasa likod ko lang siya.
Araw-araw din ako nag-aayos na nung una eh hindi ko naman ginagawa.

Kaso nakakainis lang kasi hindi lang pala ako ang nagkakagusto sa kanya.
Marami kami.

"Whaaa ang pogi talaga ni Carl"
"Uy akin siya. Whaaa kanina nag hi siya sakin ahaha sayo hindi *behlat*"
Mga kaklase kong may gusto sa kanya.

Araw-araw ang ingay niya sa klase. Madalas nga siya mamention ni Prof. Nagkakasundo kasi sila ng mga ka-course naming lalaki din. Pero kahit nga mga babae samin nakakakwentuhan niya. Ang friendly niya kasi.

Ako na lang ata hindi niya nakakakwentuhan. Medyo nerdy kasi ako.

Everytime na may quiz lagi yan walang papel. Lagi ako niyang kinakalabit sa likod para humingi ng papel.

"Uy, ate penge wamport"
"Uy ate wan hol daw"
"Uy ate wan hap daw"
Ganun lagi siya.

Actually lahat ng nasa row namin ganun sakin -_-

Nakakainis ka crush bat hindi ka na lang magdala ng papel?

Araw-araw nun ina-'ate' niya ako -_-
Pero naniniwala ako na mas matanda siya sakin.
Kailan niya ba ako tatawagin sa pangalan ko?

Isang araw nun wala na ata siya magawa sa klase kasi ang boring talaga.

Pinaglaruan niya buhok ko.

"Wow." Habang hinahawak hawakan buhok ko

Lumingon ako at tiningnan siya.

Pero tae eto pa sinabi niya.

"Tumalikod ka lang pinaglalaruan ko eh"

Nakakainis ka CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon