Chapter 1: Zecharia Smith

13.5K 363 25
                                    

Nakaupo ako sa kama habang nakasilip sa salaming bintana na nasa tabi ng kama ko. Pinagmamasdan ko ang kalsada sa harap ng bahay namin. There are few people walking on the side walk, may mga bata ring dumaraan na hindi alitana ang sikat ng araw.

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa bintana. Nag-iisang anak lang ako kaya wala akong nakakausap bukod kay Daddy. Siya na lang kasi ang kasama ko magmula nang mamatay si Mommy noong ten years old pa lang ako. Hindi naman ako puwedeng lumabas ng bahay dahil ipinagbabawal ni Dad. Kahit naman siguro hindi niya ako pagbawalan, hindi ko na rin gugustuhing lumabas. I'm afraid of what will happen.

There are certain rules in this house. Bawal akong lumabas, bawal akong makipag-usap lalo na't hindi ko kilala, at kailangan kong mag-aral sa tamang oras. Funny, isn't it? I'm eighteen years old already, but I still don't find the courage to go out and socialize.

Noong una ay hindi naman ganito kahigpit si Dad. When I was five years old, in-enrol ako sa paaralan. But I was always bullied by my classmates who acted like they're superior just because they're boys. I was emotionally sensitive when I was a child kaya lagi akong umiiyak kapag ginagawa nila 'yon. Kaya napagpasyahan ni Mommy at Daddy na mag-home schooling na lang ako. Para mabantayan na rin nila ako palagi.

But when I was nine years old, something happened to me. It was just like a figment of my imagination, but whenever I think about it, it really happened.

Dad was a teacher back then, at accidentally, natapunan ko ng tubig ang lesson plan niya. He was angry, and he yelled at me. For the first time, I saw him that angry, kaya masyado ko 'yong dinamdam at nagkulong ako sa bathroom.

Tawag nang tawag sa akin si Dad mula sa pinto, pero hindi ko siya pinapakinggan. I covered my ears with my both hands and closed my eyes, ayaw kong marinig n'on ang boses ni Dad dahil naaalala ko ang pangbu-bully noon sa akin ng mga kaklase ko, kaya sumigaw at pagkabukas ng mata ko, nagyeyelo na ang buong bathroom.

Sobra ang takot ko dahil sa nangyari, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit nagyelo ang buong bathroom namin. Ang dami kong tanong n'on. Saan galing 'yong yelo? Paano nangyari 'yon? Ako ba ang gumawa n'on? But up until now, I still don't know the answer to that.

Isa rin siguro sa dahilan kung bakit ako nabu-bully noon ay dahil sa naiiba kong mga mata. My eyes are as green as forest. They thought I'm a foreigner, pero kapag nakikita nila ang magulang ko ay nagtataka na sila, though namana ko ang mata ko kay Mommy. Now, my skin is as white as now. Hindi na kasi ako masyadong naaarawan. 

Sinubukan kong mamuhay ng normal katulad ng iba, pero hindi ko magawa. There's something about me that's different among others that I can't figure out what.

Sabi ni Mommy noon, siya at si Daddy lang daw ang puwedeng makakita ng berde kong mata. Kaya tinatakpan ko ang mata ko gamit ang mahaba kong bangs.

"Anak, gising ka na ba?" tanong ni daddy mula sa labas ng kuwarto na pumukaw sa akin.

"Yes, dad," I answered. Si Daddy ang nagsilbing teacher ko, hindi naman siya nagkukulang at sapat ang mga itinuturo niya. Katulad ko, sa bahay nagtatrabaho si Daddy, pero paminsan-minsan ay lumalabas syai. Kinailangan niyang maghanap ng trabaho na sa bahay lang mag-stay. For my sake.

"Breakfast is ready, hihintayin na lang kita sa ibaba." Rinig ko ang mga yabag ni Daddy na naglakad paalis. Itinali ko ang buhok ko bago ako lumabas, pero ang bangs ko ay nakababa pa rin. Bumaba na ako at nakitang nakaupo na si Dad sa harap ng dining table. Umupo ako sa harap niya para saluhan siya.

"Zech, aalis ako. Saglit lang ako at bantayan mo itong bahay," bungad sa akin ni Dad nang magsimula na akong kumuha ng pagkain. "Huwag kang magpapapasok ng kahit na sino kapag umalis na ako. Maliwanag?"

Ngumiti naman ako at nagsimula nang kumain. Nasanay na ako kaya normal na araw na lang ito. "Yes, Dad."

-----------------

Nanonood ako ng t.v. sa living room nang lumabas si Daddy mula sa kuwarto niya. He's now wearing a checkered polo shirt and slacks. Saglit niya akong nilingon at nagpaalam na siya kaya kumaway na lang ako at nag-focus sa pinapanood.

Ilang minuto ang lumipas nang makarinig ako ng katok mula sa pinto na ipinagtaka ko. Si Daddy ba 'yon? Naiwan niya ba ang susi niya Nakakapagtaka lang. Bihirang may kumatok o pumunta sa bahay namin dahil wala naman gaanong kaibigan si Daddy at mas lalo na ako.

Kahit nagtataka ay tumayo ako sa sofa at lumapit sa front door. Dahan-dahan ko pang ipinihit ang knob dahil nagdadalawang-isip pa rin ako. Nang tuluyan ko na 'yong mabuksan ay bumungad sa akin ang isang matandang babae.

Napaatras ako nang makita ko ang hitsura niya at nangilabot ako. Nakasuot siya ng itim na mahabang kupas na damit. Puti na ang buhok niya at kulubot na rin ang kaniyang balat. Mayroong parte sa akin na natatakot. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Bakit po?" tanong ko. Napalingon pa ako sa paligid dahil baka may kasama siya, pero wala.

"Hija, puwede bang pumasok? Uhaw na uhaw na kasi ako," pagmamakaawa ng matandang babae. Para siyang galing sa malayo at tumakbo. Hingal na hingal siya na tila ba may humabol sa kaniya.

"Sorry po, bawal po kasi akong magpapa--" Hindi na niya ako pinatapos at nagsalita na siya kaagad.

"Maawa ka, Hija."

Alam ko napakamaaawain ko pagdating sa mga ganitong bagay. Tinuruan ako ni Mommy noong buhay pa siya na hindi dapat magdamot sa mga bagay na mayroon ako. Lalo na sa mga taong alam kong walang-wala. Pero hindi ko rin puwedeng suwayin ang utos sa akin ni Daddy. Anong gagawin ko?

Napatitig ako sa matandang babae at napakagat ako sa labi ko. Hindi ko siya puwedeng basta-basta na lang iwan dito sa labas, dahil kabastusan 'yon. Pero mas lalong hindi ko naman siya puwedeng papasukin dahil ako naman ang malalagot kay Daddy. What to do? Geez. I'm doomed.



****************

Magical UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon