Chapter 2: Consequence

9.6K 314 20
                                    

"Maawa ka, Hija," ulit niya sa sinabi. Saglit ko siyang tinitigan. Ano ang gagawin ko? Sa huli ay nagpakawala ako ng malalim nabuntong-hininga. Ang turo pa rin ni Mommy ang nanaig sa isip ko. Crap. Lagot ako nito.

"Sige na nga po, pero saglit lang po kayo, a?" I opened the door widely for her to enter. Inalalayan ko pa siya dahil iika-ika siyang naglakad.

Pinaupo ko siya sa sofa at kumuha ako ng tubig. Pagkabalik ko, nakita ko siyang tinitingnan 'yong buong bahay. Ewan ko ba, pero may iba akong nararamdaman sa kaniya. Kung makatingin kasi siya sa akin ay parang matagal na niya akong kilala. Ngayon ko lang naman din siya nakita.

"Ito na po 'yong tubig." Iniabot ko sa kaniya ang isang basong tubig na dala ko. Ininom naman niya kaagad 'yon, at pinagmasdan ko lang siya.

"Hija, ano'ng pangalan mo?" tanong niya sa akin. Ayaw ko sanang sabihin, kaya lang baka isipin niyang wala akong respeto. Kahit nahihirapan akong makipag-usap sa ibang tao, marunong pa rin akong rumespeto. But the truth is, nakakaramdam ako ng kaba tuwing tinitingnan ako ng babae.

Ayaw kong pakinggan ang kaba na nararamdaman ko. Masama raw ang mangbintang sa ibang tao. Pero masisisi ni'yo ba ako? Kung bakit takot akong magtiwala sa kanila? I showed nothing but goodness to other people, but all they did was to hurt me. So, I isolated myself from them. To avoid being judged. To avoid being unique and a monster. Just like what they used to call me.

"Zecharia. Kayo po? Anong pangalan ninyo?" binalik ko ang tanong. Pero tiningnan niya lang ang mata ko. Buti na lang natatakpan ng bangs ko ang berde kong mga mata.

"Hindi na mahalaga ang pangalan ko. Ang nanay mo ba ay si Katherine Smith?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Paano niya nalaman ang pangalan ni Mommy? Kinilabutan ako sa mga ngiting ipinakita niya.

"Opo, siya ang Mommy ko," sagot ko sa kaniya. Tumabi siya sa akin na mas lalo kong ikinagulat. "I think it's better for you to leave..." My voice was shaking. My body was trembling in fear. I sensed it. Alam kong may mali noong una pa lang. Hindi ko na sana siya pinapasok.

"Kung ganoon, ikaw ang matagal na naming hinahanap." she muttered, pero narinig ko pa rin. Tumayo siya palapit sa akin pero umatras ako. Lumapit ako sa pinto at binuksan 'yon. This is not a good idea, hindi na ako nadala. Noon pa man alam ko ng may ibang intensyon sa akin ang mga tao kaya nila ako nilalapitan.

It's either gusto nilang malaman ang tunay na pagkatao ko, o di kaya'y para tuksuhin ako. Bakit pa nga ba ako umaasang may tatanggap sa akin?

"Maaari na po kayong umalis," sabi ko sa kaniya, pero bigla niyang isinara ang pinto at lumapit siya sa akin. "Huwag po kayong lumapit." Napaatras ako dahil sa takot na nangingibabaw sa akin ngayon.

"Sasama ka sa akin." Naramdaman ko ang kuko niyang bumaon sa braso ko. Ininda ko ang sakit, parang may kung anong lason ang kuko niya dahil wala akong maramdaman sa buong katawan ko. Bigla na lang akong napahiga sa sahig. Para akong na-paralyze.

Tanging ang mata ko lang ang nagagalaw ko. Tinignan ko yung babae, pero unti-unting nagbabago ang aniyo niya. The old lady form wasn't real, isa talaga siyang lalaki. Napaluha ako sa takot dahil sa nakita. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Binuhat niya ako at hinawakan ang mga binti ko. Palabas na sana kami nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Daddy.

I wanted to scream, but I couldn't. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Wala na akong nagawang tama. I always bring trouble. And there's Dad, always saving me. Pero hanggang kailan ganito?

"Anak? Dale, bitawan mo ang anak ko!" rinig kong sigaw ni Dad. Pero sinong Dale ang tinutukoy niya? Kilala ba niya ang lalaking ito?

"Tumigil ka, Jeremiah. Hindi mo na kami matataguan ulit," sabi nito. Pinilit kong igalaw ang katawan ko at labanan ang lason. I closed my eyes and tried to fight the poison he put inside me. Mayamaya pa ay nagagalaw ko na ang binti ko, nagulat ako dahil hindi ko alam na kaya ko 'yong labanan.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko habang sinusuntok ang likod ni Dale. Sinamantala ni Dad ang pagkakataon, may kinuha siya sa bag niya at tinusok 'yon kay Dale. It was a syringe. Bumagsak pahiga si Dale at nabitawan niya ako.

Napahiga ako sa sahig at pinagmasdan si Dale na nawalan ng malay. Hindi pa ako nakakaayos ng upo nang hawakan ni Daddy ang balikat ko. Punong-puno ng kaba at pagmamadali ang galaw niya.

"Zech, pack all your things. We're leaving." Utos sa akin ni Dad, pero hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko. I'm still in a state of trauma.

"Anak, please. Sundin mo na lang ako," Dad said as he caressed my face. What happened? Parang isang bukas na gripong umagos ang lahat, I couldn't keep up. Panaginip lang ba 'to? "Anak.." Dad's voice woke me up from my reverie.

Umakyat ako sa kwarto para mag-impake. Pero ang daming tanong sa isip ko. Sino 'yon? Ano'ng kailangan niya sa akin? Bakit kilala niya ang magulang ko? At bakit balak niya akong kuhanin?

Nang makapag-impake na ako, bumaba ako at pinuntahan si Daddy sa living room. Gulong-gulo pa rin ako. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at kaba dahil sa nangyari kanina. Natatakot din akong baka biglang magising si Dale.

"Dad, who is he?" tanong ko sa kaniya.

"Si Dale. He's our enemy. Noon pa lang gusto ka na niyang makuha mula sa akin. Simula nang mamatay ang Mommy mo ay ikaw na ang gusto nilang kuhanin. Look what you did. Sinabi ko na kasi sa 'yo na huwag kang magpapapasok ng kung sino. Now we need to leave. That is the consequence of what you did," sagot ni dad sa akin. Napasapo ako sa ulo ko at hindi ko maiwasang maiyak.

"Pero Dad, saan naman po tayo pupunta? Atsaka dahil lang sa Dale na 'yan lilipat na tayo?" sunod-sunod kong tanong. This is bullshit, aalis kami dahil lang sa lalaking gusto akong kuhanin? Aminado ako na kahit papaano, malaki na rin ang naging parte ng bahay na 'to sa buhay ko.

"They'll hunt us, especially you." seryosong sabi sa akin ni dad.

"Dad, I'm clueless here. Who will hunt us?" Nagtataka kong tanong. But he didn't answer me.

"We have to leave, bago pa magising si Dale. Halika na!" Hinila ako ni Dad palabas sa bahay at sumakay kami sa kotse niya. Nagmamadali siyang nag-drive paalis.

At sa pagkakataong 'yon, alam ko na hindi na ako makakabalik sa buhay na kinalakihan ko.

---------------

Isang oras nang nagmamaneho si Dad, pero puro puno at matataas na damo lang ang nakikita ko. Seriously? lilipat ba kami sa gubat na lugar na ito?

"Dad, sa gubat po ba tayo titira?" tanong ko. Pero natawa lang siya.

"No, Anak. Don't worry, malapit na tayo. I can already see it from here," pagkasabi ni dad n'on, lumiko siya sa isang makipot na daan. Pero nang pakatitigan ko ang sunod naming daraanan ay umakyat ang lahat ng kaba sa dibdib ko. Bangin. Bangin na ang daraanan namin, pero tuloy-tuloy pa rin sa pagmamaneho si Dad.

"Dad ano ba'ng ginagawa mo?! This is not funny! Bangin na ang madadaanan natin!" sigaw ko. Pero hindi niya ako pinansin at diniretso lang niya ang pagda-drive. Napasigaw ako at napapikit nang tuluyan nang dumiretso ang kotse.


**************

Magical UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon