NICO'S POV
"ANG KUPAD KUPAD MO NAMAN! DALIAN MO MALILATE NA TAYO KUKUTUNGAN TALAGA KITA PAG AKO NALATE!"napairap lang ako sa babaeng sumisigaw sa baba kahit kailan ayaw niya talagang nalilate.
"MAGINTAY KA NGA BAKLA!"sambit ko at tinignan ang sarili ko sa salamin wow! Ang ganda ko! Bumaba na ako agad dahil alam kung tatalakan ako ni Nica.
"ANG BAGAL MONG PESTE KA! KUNG HINDI LANG KITANG KAIBIGANG BAKLA KA ITINAPON NA KITA SA KANAL!"Napangiwi lang ako at sininyasan siyang umalis na kami sa bahay. Laking pasalamat ko at wala ang parents ko sa bahay namin dahil kung narinig nila si Nica ay baka palayasin ako nang mga yun.
"Manahimik kanga Jen Nica Kia baka may makarinig na kapit bahay namin at mahuli akong beki!"humalakhak naman siya.
"Bakla,alam mo hindi mo maitatago yan sa parents mo habang buhay,Ang tangengok mo talaga! Di ko nga alam kung bakit kita naging kaibigan simula nung bata pa tayo e. Kung ako sayo sabihin mo nayan sa parents mo,wag yung sa iba pa nila malaman na isa kang hilaw na binabae!" sambit ni Nica sabay hawak sa balikat ko habang naglalakad kami papuntang eskwelahan dahil malapit lang naman ito sa bahay naming dalawa.
"E buti ikaw na tanggap ng parents mong bisexual ka e ako pano na ko beshie!? Strict amparents ko e."sabay pout ko pero siya tingin ng tingin sa kabuuan ng mukha ko.
"HOY!"Sigaw ko na nagpagising sa diwa niya.
"Eh?"sabay kamot niya ng ulo."Ano nga ulit yung sinabi mo?"
"Nevermind. Tara na nga."
Di ko napansin na andito na pala kami sa tapat ng campus.
"Grabe bagay sila ni Nico tska Nica oh!"sabi nung isang babaeng nasa gilid namin.
"Kyaaaah! Kenekeleg si ako!"sabi nung kasama niya.
"Sa ganda at gwapo ba naman ng dalawang yan hindi imposible na magkagustuhan silang dalawa no." Tumango tango pa yung kasama niya at tumitig samin ni Nica.
Isang malaking imposible yun mga ateng dahil lalake din ang gusto ko!hahahaha.
"Hoy! Ano na? Nakatunganga ka lang dyan? Pumasok na tayo!" Hinigit niya ang kamay ko kaya di na ako umangal.
Nang makapasok na kami sa classroom naghiyawan na ang mga kaklase naming mga baliw.
"ANDITO NA ANG LOVERS OH!"sabi nung presidente ng room namin nag tilian naman ang mga babae.
"Ayieeeee!"pang aasar nila saming dalawa ni Nica.
"HOY! MGA KUPAL TIGIL TIGILAN NYO NGA KAMI!"sabi ni Nica at dumiretso sa kinauupuan niya samantalang ako ay nasa pintuan padin."Tinutunganga mo dyan!? Maupo ka rito!"napaupo naman ako agad sa katabing upuan niya.
Panay pangaasar lang ng mga kalase ko tungkol samin kesyo daw para daw mpkaming mag boyfriend at girlfriend na kahit kailan ay hindi naman mangyayare dahil mag kaibigan lang talaga kami.
"Anong inisip mo dyan?"masungit na tanong ni Nica sakin habang nakaharap sa black board.
"Wala naman e." Pabulong kung sabi napaligon naman siya sakin at.....
"Ulol."nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Kaya na patawa naman siya."Ang pogi ng bestfriend kung bakla."
Ano bang sinasabi niya? Baliw.
YOU ARE READING
Letting Go
RomanceAko ba talaga to o ako lang yung nag aakalang ganito ako? Lahat ba ng pinaniniwalaan ko tama? "Would you choose to love me if you know it's hard to be with me? Lagi nalang ganito.. I wanna quit."