4

5 1 0
                                    

NICO'S POV

"A-ano n-nga  yung h-huli mong sinabe?" itinabi ko ang kotse sa may malapit na bahay dun sa Village namin saka siya tinignan.

Bakit siya namumutla?

" Mahal na mahal kaya kita." pag uulit ko sa sinabi ko.

"Y-you love me?" tumango naman ako.

"Oo naman besh, syempre kebigan kita prinds tayo poreber." maarteng sambit ko tumango naman siya at napaiwas ng tingin.

"Yeah,right." napalingon din siya sakin at nginitian ako.

"Pasok na tayo sa loob ng bahay!"masigla kong sambit habang siya naman ay tulala.

"Jen Nica Kia! Anong inisip mo diyan? Ba't parang balisa ka?"nagwoworry ako sa kaibigan ko lalo na't namumutla siya.

"H-huh?"lumabas naman siya sa kotse at dumiretso sa bahay. Nadatnan kung wala siya sa sala kaya nag punta ako sa kitchen.

Tama nga ako nandito siya sa kitchen at umiinom ng tubig.

"Anyare ba sayetch?"maarte kong sambit at sinapo ang noo niya.

"Wala kanamang sakit."aambit ko at kumuha rin ng tubig.

"Wala nga. Kumain nalang tayo ipagluluto kita."tinignan ko lang yung kabuuan niya.

Maputi

Mahaba buhok hanggang baywang na laging nakatirintas.

May mamula mulang pisngi at labi

Mahaba ang pilikmata

Matangos ang ilong

Nakapants

Naka white longsleeves

At naka rubbershoes

Kitang kita ren ang itim niyang hikaw sa kanang tenga na nagpapalakas ng appeal niya.

May masungit na ugali pero pag nakilala mo na nang lubusan ay mamamangha ka sa kanya hindi siya yung tibong babae na madaling maginarte at oo may pagkajudgemental din siya minsan pero may limitasyon hindi siya basta basta magsasalita kung hindi siya sigurado at alam niyang may paninindigan siya. Masyado siyang matapang kaya ang unti lang ang pumapansin sakanya although, maraming nagkakacrush sakanya sa batch namin pero never niyang pinansin.

Kaya maraming naaattract sa kanyang lalake dahil sa ganyan siya. Kakaiba sa lahat.

"Tigil tigilan mo ang pagtingin saken."mahinahong sambit niya habang kumuha ng frying pan.

"Masama ba?" she just smirk at me.

"Oo masama pag ikaw ang tumitig."pailing niya pa akong sinabihan nun.

Kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng bahay ni Nica ngayon. Naninirahan ang parents ko sa Canada mas pinili ko dito mag aral,only child lang ako. Minsan lang umuwi ang parents ko kaya namuhay akong independent dito sa Pinas.

Hindi katulad ni Nica na ang natitira lang sakanya ay yung yaya niya. Wala na ang parents niya I mean namatay sa car accident kasama ang dalawa niyang ate na si ate Jayzee at ate  Juvy.

Simula palang nang 6 years old kame ay palagi na kaming mag kasama at magkaramay sa kahit  anong laban. Lahat ng ayaw at gusto niya alam ko at ang akin naman din ay alam niya din, magkakasundo kami lagi sa kung anong bagay kaya tuwing magkasama kami ay lagi kaming pinag tatambal ng mga tao sa paligid namin kahit magkaibigan lang naman kame at bakla ako.

Letting GoWhere stories live. Discover now