NICA'S POV
PAKSHET NAMAN OH!
Napasapo ako ng noo at pumikit saglit ibunukas ko lang ang mata ko ng marinig ko ulit si Anderson na tinawag si Nico.
"Nico pare!"sigaw ni Anderson kaya napalingon kami sakanya pero napansin ko din ang aura ni Elisha ay bumait at napirmi lang sa kinauupuan niya at ngumiti samin.
Kanina lang ay humaharot ka dyan!Tapos ngayon ay gusto mong magmukhang anghel sa harap namin. Great!. -______-
Tinignan ko naman si Nico na ngayon ay lumawak ang ngiti.
"Oy!pare kamusta?"sabi ni Nico at nakipag high five pa.
Itong baklang to! Lumalandi ren!
"Ito ayos lang kumakain lang kami nitong girlfriend ko."sabay tingin ni Anderson kay Elisha.
"Pwede bang makiupo sainyo?"sabi ni Anderson habang nakangiti at hawak ang inorder nilang food.
Ayoko sanang umupo sila dito kaso si Nico gustong gusto kaya di na ako umangal pa.
"Hello Nica."sabi ni Anderson saken habang ngitingiti pa? Pinapasikatan niya ba yung ngipin niya?
"My name is Jen Nica only few people CAN call me Nica especially my friends and family."ngisi ngisi kung sagot.
Napapahiyang tumingin siya sakin at ngumiti.
"Sorry bro,ganyan lang talaga yang si Nica."sabat ni Nico saming dalawa.
Tinignan ko naman si Elisha. The Bitch.
"Kayo bang dalawa?"sabi ni Elisha at nginitian kami,sus mukha ngang anghel malande naman wala din.
"E ano naman sayo kung kame nga? Baket lalandiin mo?"masungit kung tanong. Natigilan naman siya at napakunot ang noo kaya nakuha ko ang atensyon ng dalawang lalake sa harap ko.
"H-hindi naman ako ganon."sabi niya at yumuko.
Sinong niloko mo? Paawa effect.
"Just kidding."sabi ko pero seryoso pading nakatingin sakanya.
"Don't mind her ganyan lang talaga siya magsalita pag di niya nakakasalamuha ang tao."ngiti ni Nico.
"Naiintindihan namin."sabi ni Elisha sabay tingin sakin napa smirk lang ako.
"San nga pala kayo nag aaral dati?"sabi nang baklang si Nico para maiba ang usapan.
"St. Porphyry of Gaza."sagot ni Elisha kay Nico pero ako umacting na walang pake kahit pinakikinggan ko naman talaga sila.
"E kayo kaylan kayo nagsimulang mag aral dun sa school natin?"sabi ni Anderson habang kumakain ng Bulalo.
"Since primary palang kami andun na kami dre. Diba Nica?"nilingon ko lang siya saglit at nagpatuloy sa pagkain ng sisig.
"Ang sungit ng girlfriend mo."nagtawanan naman sila. Alam kung may pagka stupid itong si Nico kaya ang pagkakaintindi niya ay BABAENG KAIBIGAN.stupid.
-_____-
"Hindi naman siya ganyan pag magkasama kaming dalawa maingay yan o di kaya ay tawa ng tawa. Di lang talaga siya sanay sa ibang tao."nakita kung nag smirk ng palihim si Elisha nag sambitin iyon ni Nico.
Sarap tusukin ng kutsilyo.
"Nasan na nga pala yung kasama mo kanina?"baling ko kay Elisha.

YOU ARE READING
Letting Go
RomanceAko ba talaga to o ako lang yung nag aakalang ganito ako? Lahat ba ng pinaniniwalaan ko tama? "Would you choose to love me if you know it's hard to be with me? Lagi nalang ganito.. I wanna quit."