chapter 2

169 7 3
                                    

Dashie POV

Pinalabas na kami ni sir. Vortaus pero di na ako pumasok... Kinuha ko na lang yung bag ko sa room, tinanong pa nga ako ni ms. Mendoza pero sinabi ko masakit ulo ko natotoo naman talaga....

Si daniel nandun parin sa room,  matalino kase yun e... Yung school kase namin.. Isa lang ang room by grade kaya sa school hindi over populated...  20-30 students lang ang slots by grade.

With highest honor si daniel(1)
With highest honor din naman ako pero pang 2nd lang... Hindi ko pa pala nasasabi , Grade 9 na kami..

Sumakay na ako sa baby ko ..syempre car sya..ano kaya yun?! Sasakyan ko baby? Edi namatay yun? Btw, Haha ranger ford... As usual color blue sya. Hahaha... Favorite color.

Kung dati may driver ako,  ngayon wala na.. May student license na din naman ako. Kaya no worries...

Feeling ko kase may nakatingin sakin.

Nilagay ko na yung susi ko at niswitch .. Ayaw gumana pero paulit ulit kong nirerestart..

Lumabas na ako dahil nakakabanas.... Mas nakakabanas at mag cocommute pa ako.. Huhuhu.. Minamalas tuloy ako ngayon.. Bwisit si dan!

Daniel POV

Umupo muna ako sa upuan sa room pagkalabas namin sa detention room.. Nakita ko naman si dashie na kinuha yung bag.. Di ako nagpahalata na susundan ko sya kase pagtitripan ko na sya dahil sya ang dahilan kung bakit ako napunta sa detention room.. First time ko yun!!

Nakita kong lumabas na si dashie sa room...

"Ahhhh! "Hinawakan ko yung tyan ko...

"Daniel.. Anong nangyayari sayo? " tanong ni ms. Mendoza.

"Ang sakit ng tyan ko, can i go out?" yung boses ko lang talaga yung reaksyon.. Buti na lang at nakayuko ako..

"You may go.. Then get your things, bring it to clinic"

Lumabas na lang ako at tumakbo na palabas... Nakita ko si dashie na pasakay na sa kotse... Nagtago muna ako sa puno dito.. At pasalamat ko lang dahil di ako mataba..

Tinignan ko sa salamin yung pisngi ko... Ang sakit kaya! May maliit na pasa dahil dun sa suntok ni dashie.. Napaka amazona e!

Sumilip ulit ako.. "Bakit lumabas si dashie? May naiwan ba sya dito? O sira yung kotse nya? Wahahaha... Umaayon sakin ang panahon!!! " sabi ko sa isip

Niready ko na yung phone ko sa recorder at nilagay ko na ito sa bulsa ko at nakita ko
Naglakad na sya palabas ng gate at dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya.. Gugulatin ko. Hahaha

Malapit na ako sa kanya at inayos yung bag ko..

Tinapat ko yung dalawang kamay ko sa bewang nya dahil dun malakas kiliti nya.. Hahaha

"Arffff! " pang gugulat ko

"Ayt fogeng daniel! "

"Da--d-daniel? "

"Pardon?*smirk* " narinig ko naman talaga gusto ko lang ulit marinig.. Hahahh

"Sabi ko puting dahon"

"Hindi iyan narinig ko e.. Sabi mo POGENG DANIEL " pagdidiin ko..

"Uy! Kapal. Wala akong sinasabing ganyan.. Sabi ko puutiing daahon!sinungaling! "Hinabaan nya talaga yung pag pronounce.haha

"Liar. Wait! May pruweba ako" nilabas ko yung phone ko at inistop yung record.. At pinlay ito inextra volume ko pa yan ha! Para rinig nya..

Playing ~

"Arffff! "
"Ayt fogeng daniel! "
"Da--d-daniel? "
"Pardon? "
"Sabi ko puting dahon"
"Hindi iyan narinig ko e.. Sabi mo pogeng daniel"
"Uy! Kapal. Wala akong sinasabing ganyan.. Sabi ko puutiing daahon! "
"Liar. Wait! May pruweba ako"

Stop ~

"*smirk* sino ngayon ang nagsisiningalingggg? ~" nilagyan ko pa ng tono yung huli.

"Haishttt! " lumakad na sya palayo.. Hindi pala lumakad, tumakbo. Hahahaha

Hinabol ko sya at hinila yung kamay at ang malas dahil napalakas ata yung pagikot nya kaya nasubsob sya sa dibdib ko.

Dashie POV

Natakbo ako ng hawakan ni daniel yung kamay ko at hinila ako. Napapikit ako dahil alam kong malakas ang impact nun.

Ang akala ko sahig ang babagsakan ko nagkakamali pala ako.. Dahil sa matitipunong dibdib ni daniel ako bumagsak.

Inayos ko na yung sarili ko.

(A/N: Gumaganon? Haha)

"Nasiraan ka ba ng kotse? " tanong sakin ni daniel

"Hindi ba obvious? "

"Uhmm.. Sabay ka sakin? You want? "

"No way! Kung ikaw din pala kasama ko"

"Bakit naman? Kaibigan naman kita a"

May kunting kirot sa puso ko nung sinabi nyan kaibigan nya ako.. Ewan ko kung bakit! Di ko naman sya crush, di ko naman sya gusto, mas lalong di ko sya mahal... Mahal ko sya as childhood friend. "Sige na nga! Basta ako mag dadrive?! "

"Ako na, baka gasgasan mo pa cutie pie ko"sabi nya

"Cutie pie? Ang inaakala kong stone buddah at lalaking nireregla ng section galaxy e may pag ka weird pala.. Hahaha. Cutie pie ampt"

"I dont care! " inirapan pa ako nito.. Dinaig pa ako.

Tumakbo na ako ng mabilis sa kotse nya na color blue rin kaso Ferrari yun.. At pumunta sa driver sit.. Hahaha

"Hoy hoy hoy! Umalis ka dyan" hinihila pa ako nito pero hindi naman malakas

"Ako na!! " hinigpitan ko yung kapit ko sa manibela.

Daniel POV

Napaka kulit talaga!! Haisss!!! Bahala nga sya dyan!! Wala naman sakanya yung susi e.. Haha ,naglakad na ako palayo aa kanya, kala ko susundan nya ko pero nanatili lang sya dun at parang may sinasabi at iniikot ikot yung manibela..

Lumapit ako ng dahan dahan sa gilid nya,hindi sya lumilingon kaya hindi nya ako nakikita at napatawa ako ng mahina sa ginagawa nya.. Iniikot ikot yung manibela habang sinasabi yung.. "ENGGGG. ENG.. ENGGG. ENGG"

Kinuha ko yung phone ko at vinideohan(video).. Patuloy pa rin sya sa ginagawa nya minsan pa nga sinabi nya.. "BROOOOMMM!!! "

Ano yan mutor?!

Di ko talaga maiwasang di matawa.. HAHAHA ang kulit!!

Nakita ko na napatingin sya sa video kaya inistop ko at tinago.. Pero bago ko ito matago na agaw na ito ni dashie at binato pababa at inapak apakan. Pero imbis na magalit ako kahit nagalit talaga ako ng kunti ay natatawa parin ako.. HAHAHA.. I think hindi pa sira yun at nabasag lang kaya kinuha ko na lang ito at tinry..
Hahaha nagana sya.. Itinago ko na ito.

"Enggg! Eng! Eng. Eng" pinaulit ko yung sinabi nya habang natatawa.. At kinuha ko na yung pagkakataong to para makasakay sa kotse... Sinaksak ko na din yung susi at pinaatras yung kotse.. Sinarado ko na yung pintuan ng driver sit at binuksan yung bintana.. "Sumakay ka na! "

Pumunta sya sa driver sit at binuksan yung pintuan at hinila ako palabas.. Di ako ready nun kaya......

___________

Opppss!! Bibitinin ko muna kayo! Hahahahaha.. Masyado nang mahaba.. Hahaha.. Next chapter karugtong nito.. Mwahugs!!

MY APPLE GIRL {I FELL INLOVE WITH MR.CASANOVA BOOK2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon