Dedicated to: @chezkaDaniel's POV
Hindi ako ready nun kaya nahulog ako sa lupa at sumakay na sya dun at di ako tinulungan..mabait na bata!!
Tumayo na ako at pinagpag ang damit.. Narinig kong isinarado na ni dashie yung pintuan..
"Hoyyy!! Ako na kase! "
"Akoo na please*puppy eyes*" pagmamakaawa ni dashie..
"Haist!! Ang kulit mo! Sige sige! Ngayon lang to!!"
"Yehheyyyyyy!!! " masayang sabi ni dashie.. Loka talaga!
Sumakay na ako sa passenger seat..
"Ready ka na? Fasten your seat belt! " kinindatan pa ako nito..
"Psh. "
Dahan dahan si dashie na mag drive at bigla na lang bumilis yung pag maneho nya at napakapit ako ng mahigpit sa gilid ng upuan.. Dahil parang naiiwan ang kaluluwa ko sa likuran ng kotse...
Hindi na ako makaimik dahil feeling ko kapag umimik ako e mahuhulog na ako sa kotse..
Narinig ko ang lihim na pagtawa ni dashie at naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan ko.. Nakita ko sa labas na nasa park pala kami..
"Kasa? "
Umiling ako "umuwi na lang tayo.. Masakit pisngi ko"
Nakita kong tumango sya na nagpipigil ng tawa "okie! "
Ngayon naman ay dahan dahan na ang pagmamaneho nya dahil madami ng sasakyan dito.. Sa bahay nila ako dinala ni dashie.
"Dito ka na muna, gagamutin ko muna yang pisngi mo.. Nagdudugo na o" OMAYY?! DUGO? Hinawakan ko yung pisngi ko at nakita ko sa kamay ko yung dugo..
"A-ayoko ng dugo" bulong ko bago ako mawalan ng malay
Dashie's POV
Nakita ko si daniel na nawalan ng malay kaya nataranta ko.. Mga beshie ngayon ko lang nakita si daniel na mahimatay ng dahil sa dugo. At ng dahil dun may pangasar nanaman ako sa kanya! Wahahaha.
"Daniel... Uyy! Doniolll! Uy! Uy! Uy! " ayaw parin nitong gumising kaya lumabas na ako ng kotse at binuhat si daniel.. Tingting lang yan! For sure..
Pag ka baba ko ng paa nya ang inakala kong tingting ayun pala ay parang nagbubuhat ako ng pader nasa damuhan pa rin kami at hindi ako makagalaw dahil sa bigat pag ka tungtong ko ng isang paa pa naout of balance ako pinilit Kong si daniel ang bumagsak(ang sama ko) pero dahil sa bigat nito di ko nagawa at ngayon ay nasa ibabaw ko na si daniel.. Buti na lang at nasa damuhan kami kung hindi nabalian na ako ng buto.
"Mammmehhhhhh! " tinawag ko na lang si mommy para tulungan ako dito.. Baka pag tinawag ko si nanny iba pa isipin nun.
"Yes da---OMIGASH! " nagulat si mommy ng napalitan ng ngiti
"Mamehhh tulonggg. Ang bigat!"
"Nakoo anak! Ganyan ka na lang! Ang ganda ng view!! Hihi alam mo ba dyan nagsimula ang lolo at lola mo." kinikilig na sabi ni mommy. Deym!
"Mama! Si daniel nagdudugo pisngi!! "
"Whatt?! Bakit? Nyare? Why?"
"S-sinuntok ko."nauutal kong sabi "Ma!! Tulungan mo ko! Ang bigat bigat!" Pagmamakaawa ko
"Grabe na talaga baby ko! Amazona! "
"Ganun ka din naman dati. Arouch! " singit ni daddy. Hinampas kase sya ni mommy. Hahaha
Napansin kong may gumalaw sa may leegan ko, naramdaman kong may buhok na gumalaw at ayun nga! Inangat ni daniel yung mukha nya at sinabing......
"Ang panget mo talaga" mahinahon nyang sabi tapos ngumiti. Dahil sa sinabi nya naitulak ko na talaga sya at napatingin ako sa pwesto nila mommy at wala na sila doon. Hayy! Buti naman. Kundi lagot! Tumingin ulit ako kay daniel na namimilipit sa sakit at tuluyan na akong tumayo. Kundi lang ako naawa sakanya kanina siguro puro pasa na yan! Grrrr. Kainis.
"Tumayo ka na diyan! Wag kang maginarte! Sundan mo ko. Gagamutin ko pa yang sugat mong bwisit ka! " Inirapan ko sya at pumunta na ako ng kwarto ko para kunin yung first aid kit ko. Kung hindi ako may kasalanan nito. Tss. Di ko sya gagamutin.
"Wehhhhh? Baka mamaya halikhalikan mo pa sugat nyan?! " sagot ng konsensya ko
"Yuckkkk!" Sabi ko sa isip na naglilip gesture. Nakita ko na yung kit.
"Yahhhhhh~Gatcha! "
Daniel's POV
Tumayo na din ako at pinagpag yung damit ko saka hinawakan yung pisngi ko. Hindi na ko na shock ngayon. Kanina lang yun. Takot talaga ako sa dugo. Ewan ko lang feeling ko may mangyayari saking masama.
Sinundan ko sya gaya ng sabi nya.. Pagbukas nya ng pinto. Aishhht! Bakit kaya walang katunog tunog yung pintuan nya? Eh paano kaya pag may magnanakaw dito? Raper? Mamamatay tao? Paano na sya?
Bahala sya! HAHAHAHA.
Grabeeeee! Joke lang.
Pumasok na din ako sa kwarto nya at nakita ko syang may hinahalungkat sa box at may hawak na syang puting pouch.
"Yahhhhhh~ Gatcha!" Sabi nya at umikot paharap sakin este sa pinto. Bakit? Nasa may pinto naman ako ah?!
"Wahhhhh!B-bakit k-ka nandito?" Nauutal nyang sabi
"Sabi mo sumunod ako? "
"Huh? May sinabi ba ako? " napatingin sya sa taas.
Lumakad ako papunta sa kanya at inakbayan sya "alam mo dash. Magiipon talaga ako para sayo, bibilan kita ng memory plus gold. O gusto mo si kuya kim na ang dalhin ko para maimmune ka talaga?" Natawa ako ng hinampas nya ako sa braso. HAHAHA.
"Tara na nga gamutin mo na ko mahal ko" hininaan ko yung huli kong sinabi. Huh? Did i just say mahal ko? What the efff! Ano naman kaya sasabihin nito kung sakaling natinig nya yun? NO! I just love her as friend.
"Let's goooooooo~" Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin nya yun. Akala ko narinig nya eh.
"Dito na lang tayo sa kwarto. Nakakatamad bumaba" sabi nya
"K, fine, no problem." Sagot ko.
___________
(A/N: HI PALA SAYO! KUNG BINABASA MO MAN ITONG STORY KO HAHAHA ANG HILIG MO KASE MAG 'K'. HAHAHA MISS NA KITA )
Sorry sa mga typo's nyahahaha.
Magpapasukan na!! Lilipat na ako ng school! Huhuhu.mamimiss ko bestfriend ko! Hoy babae!pakatino ka na!Nagbalik si ako pero pnsamantala lang to. Kamusta UD?
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
MY APPLE GIRL {I FELL INLOVE WITH MR.CASANOVA BOOK2}
Teen Fictionhi readers!! 😂 book two itetch ng IFILMC(I Fell In Love with Mr. Casanova) haha kaya kung hindi mo pa nababasa yung book one.. Basahin mo na!! Dahil alam kong hindi mo to maiintindihan kapag di mo yun binasa hahahha... Kaya sisimulan ko na ang stor...