Chapter Zero

6 0 0
                                    

ZERO

• • • • •

"being free from this cage that hinders the demon inside of me is all I want"

I always wonder what is the feeling of being free, yung malaya mong nagagawa ang lahat ng bagay na gusto mo, yung napupuntahan mo ang lugar na gusto mong puntahan at walang kahit sino man ang makakapigil sayo.

Ika' nga nila 'You're the captain of your own ship.'

Pero sa kinalalagyan ko? Malabo yata mangyari ang iniisip ko.

I've been stuck here for seven years, dito sa bodegang ito na nagsisilbing impyerno nang buhay ko. Isang lugar na naging kulungan para sa tulad ko.

Nakakatawa lang isipin na sa tinagal tagal kong hindi nakagapos, wala akong ginawa para makaalis. Hinayaan ko lang sila na saktan ako hanggang sa mapagod sila, giving them the satisfaction they want.

Hinayaan ko, hinayaan kong maramdam nila ang pagkapanalo. Hinayaan kong mas mangibabaw sa kanilang pagkatao ang saya na masaktan ang isang tulad ko.

Nagparaya ako sa mga gusto nilang mangyari, hindi ako nanlaban.

For those seven years, nagtiis ako dito sa lugar na ito at nag mas pabalot ako sa kadiliman. Hinayaan kong mas mangibabaw ang mahinang nilalang na naninirahan sa loob ko. Dahil sa ganoong paraan, mas lumalakas ang natutulog kong pagkatao.

How dare them to put me in this kind of place!

How dare them to kill me in this kind of way!

Killing me slowly? Seriously? Nakakatawa dahil hinding hindi ako mamamatay sa ganitong paraan.

At ang isa pa sa mga gumugulo sa isipin ko ay kung ano ang rason nila para gawin sa akin ito, ang ikubli ako sa isang bodega sa napakahabang panahon.

Wala naman akong ginagawang masama

Teka wala nga ba?

Hindi naman siguro masama yung tugunan ko yung pagka-uhaw ko sa dugo, sa laman loob at mga sigaw nang mga taong humihiling na mabuhay.

Hindi naman yun masama di ba? "AHAHAHAHHAHAHAHAH" halos hindi ko mapigilang matawa sa mga iniisip ko.

Hindi naman yun masama, dahil tinutugunan ko lang kung ano ang gusto kong gawin. It's just that halos hindi ako mapakali sa kinalalagyan ko kapag hindi ko yun nagagawa.

Gusto ko lang naman yung amoy nang sariwang dugo, lalo na kung paano ito lumabas at umagos sa katawan ng mga taong sinaksak ko.

Yung posisyon nang mga laman loob nila, yung perpektong pagkakalagay nito sa katawan na ang sarap alisin at hawakan tapos ipakakain ko sa kanila.

At higit sa lahat kung paano sila umiyak, sumigaw at magmakaawa sa buhay nilang peste. Para akong nakikinig nang isang concerto dahil mas ginagahanan akong itarak ang kutsilyo sa kanila.

Pero lahat yun nawala, isang araw paggising ko bumungad sa akin ang napakadilim na lugar na to.

Noong una halos mapaos ako kakasigaw, nagmamakaawang palabasin, nauuhaw sa mga bagay na hindi ko magawa. Halos mabaliw ako dito sa loob at hindi ko alam ang gagawin ko, pero habang tumatagal nasasanay akong maging isang mahinang pwede nilang paglaruan.

Dahil sa ganoong paraan lumalakas ang demonyong nagkukubli sa mahina kong katauhan ngayon.

Iniipon ko ang galit at pagkasabik ko, dahil mas masaya ang gagawin ko sa oras na handa na ako pati ang demonyong nakangiti sa loob ko.

The Unknown Story Of.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon