| Heather |
"Alexander Martinez, One of the top student of Filcana Academy. Current President of Student Officials, a pianist and Theatre Actor. Ito lang yung file niya dito sa S.A Pres," sambit ni rica.
"Sure ka na yan lang talaga?" muli kong tanong
"Yes, Ito na yun. Teka why so curious with the albino guy ba?"
Napabuntong hininga lang ako, Bakit ba masyado akong curious sa kanya? Get back on your senses Heather.
"nevermind, go back to your class rica." tangi ko lang nasambit.
For the past 2 weeks na nandito ang Alexander na yun, hindi mawala sa sistema ko yung eerie feeling na parang may mali.
2 weeks na din akong nakabuntot sa kung saan man sya magpunta, syempre yung mga pinupuntahan naman niya ay yung mga potential candidate para sa scholarship na i-ooffer nang Filcana.
Filcana Academy, one of the top school that offers a quality of education for a chosen students that deserve it.
Hindi naman sa unfair yung school pero they just only give it to the most deserving student around the globe.
Tumayo ako sa kinauupuan ko, nagtungo ako sa naka-bukas na bintana. Huminga ako sandali, hanggang sa isang katok ang narinig ko.
"Come in" sambit ko.
Narinig ko lang ang pagbukas at pagsara nang pinto, I don't have any clue kung sino yung pumasok.
"You fine?" sambit nang isang malalim at kalmadong boses, yung dating nito sa akin sobrang lamig pero nakaka-kalma.
"Mr.Martinez" sambit ko, "oh, sit down please." natataranta kong usal at madali rin na napa-upo ako.
He walks near, "Ms. Heather, Alexander is fine no need for formalities." then he sat down.
I nod, "Okay, Alexander what can i help you? I thought we are done observing for this week? What can I help you?"
"Yeah, I'm just here to ask some questions. I need to know more some things on the candidates." he said while checking his tablet.
he continue talking while I get lost again with my thoughts, hindi ko mapigilan na mapatulala. I just can't help it, there is something that bothers me especially when it comes to him.
"So I'm saying, maybe i could ask for information."
I snap, maybe i should set this aside. "Just give me the list of names then I'll send you a message if it's ready. Just give us two days to finalize it." sambit ko saka ko sya ginawadan nang ngiti.
Tumango lang ito pero yung sunod nyang ginawa ang halos magpahinto nang mundo ko.
He just smile.
"See you around then." saka ito tuluyan umalis.
◾ ⬛ ⬜ ▪ ⬜ ⬛ ◾
5:30pm
Katatapos ko lang sa mga paper works na kailangan nang admin. It's just a report for some activities held this past months.
Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko, sako ko napansin ang isang papel sa may gilid nang table ko.
Saka ko naalala yung request ni Alexander, I immediately get my phone then dial Rica's number.
"Yes, heather?" bungad ni Rica.
"Where are you?" tanong ko.
"Theater hall, why?"
"Wait for me, May ibibigay ako sayo and i need this asap." sambit ko habang inaayos yung gamit ko.
"Okay." sagot niya, then she hang up.
Nasa kabilang building pa yung theater hall, bale nasa admin building ako.
Habang pababa, mula sa 4th floor. Bigla akong nakarinig nang kaluskos, saglit akong napahinto.
I shrugged, "kulang lang siguro ako sa tulog." sambit ko.
Nagmadali na ako, ayaw ko na magpaabot nang gabi pa sa campus.
6:00pm
Pagpasok ko sa Theater hall, naabutan ko sila rica na nag re-rehearse. Saglit akong napaupo sa may harap habang pinapanood yung monologue part ni Francine, treasurer nang SC at the same time ay theater member.
"Sa'king pag-iisa kadiliman ay unti unting bumalot. Masyado akong nabulag sa mga bagay na hindi ko dapat makita, ang kamalian ko lang siguro ay masyado akong nadala nang aking nararamdaman para sa'yo. Mga mata mong nangungusap, boses mong sobrang lalim na nakakakalma sa sistema ko at mga kilos mong hindi ko mawari kung ano ang nais ipahiwatig."
saglit syang napahinto, naglakad sa gilid habang nakakuyom ang mga palad.
"Hindi ko naman nais na maramdaman ito, isang bagay na pilit kong iniwasan."
She continue deliver her monologue, after that everyone inside the hall stand up and applause to her outstanding performance. Rehearsal pa lang pero yung emotion na hinihingi naideliver niya agad.
Agad ko naman binigay kay Rica yung papel, saka ako tuluyan umalis.
6:30pm
Hindi ko na namalayan yung oras kaya nagmamadali ako pababa. Wrong timing na sira yung elevator, no choice, "stairs, ugh!" iritable kong sambit.
Mula 6th floor tinahak ko ang medyo dim na staircase pababa, "Maybe I should write a request para mapalitan ang ilaw dito." singhal ko.
Pero habang pababa ako, bigla akong kinabahan.
Why do I feel someone is following me?
Saglit akong napalingon, nasa ikalimang palapag na ko at ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko,
Isang lalaking naka white shirt at black pants ang nakatayo. May face mask ito, at sa kamay niya ay isang kutsilyo.
Agad akong napatakbo nang simula itong humakbang.
Hindi ko na alintana kung naka-heels ako basta ang nasa isip ko 'I need to get out of this place'
Pero sa kinamalas-malasan natapilok ako at worst thing that happened on me, nagpagulong gulong ako sa may hagdan.
Naramdaman ko na lang nakahiga ako sa may sahig, masakit ang katawan at konti na lang, alam ko mawawalan na ko nang malay.
Everything is blurry, i tried to stand pero sobrang sakit nang katawan ko.
But before I lose my consciousness, isang lalaki ang lumagpas sa kinatatayuan ko.
isang lalaking naka-hoodie
Dire-diretso lang ito at tila balak salubungin ang lalaking humahabol sa akin.
I tried to speak a single word just to stop him, pero everything starts to get black, until i totally passed out.
but before i passed out, I heard a voice near me saying, "No one can touch her, not in my watch."
-02-
BINABASA MO ANG
The Unknown Story Of.
Mystery / ThrillerLet me tell you a story about a guy name Daniel Alexander Slown.